bc

Lord Dark's Secret Wife -SSPG-

book_age18+
11.8K
FOLLOW
120.5K
READ
billionaire
second chance
badboy
powerful
mafia
drama
campus
musclebear
like
intro-logo
Blurb

"You will follow my every command, and our marriage must stay a secret. Fulfill your responsibilities as my wife, but you must never disclose to anyone that we are married."

Orion Dale, pinuno ng Dark Immortal Mafia Organization na pinagkakautangan ng pamilya ni Madel. Upang mabayaran ng mga magulang ni Madel ang pagkakautang ng kanyang pamilya kay Orion ay siya mismo ang lumapit kay Orion upang ibayad ang kanyang sarili.

Ano ang magiging kapalaran ni Madel sa kamay ng isang malupit na Mafia boss?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
It has been almost four years nang mailigtas ni Orion ang isang dalaga na naging biktima ng isang hit and run. Dinala niya ito sa kaniyang condo dahil hindi ito gumigising. Walang pagkakakilanlan ang dalaga dahil wala itong dalang kahit na anong gamit nang makita nila ito sa gilid ng kalsada. Kulang anim na buwan din itong tulog, pero isang araw ay bigla na lamang itong gumising at naglaho. Hindi na hinanap pa ni Orion ang dalaga kahit na inakala niyang may umusbong siyang pagtingin dito, pero nang umalis ito ay napagtanto niyang hindi pagmamahal ang naramdaman niya kung hindi pagnanasang maangkin ang babaeng 'yon. Nakita niya sa footage ng CCTV ang paggising nito at ang pag-alis sa kaniyang poder, pero hindi na niya ito binigyan pa ng pansin. Nakaramdam lang siya ng galit sa dalaga dahil sa walang pakundangan nitong pag-alis matapos niya itong alagaan. Matinding galit at pagsisisi ang naramdaman niya. Dapat ay hindi na lang niya ito iniligtas. "Boss, humihingi ng palugit ang pamilya Stewart. Kahit panibagong isang buwan lang daw. Wala pa raw silang pera." Galit na lumingon si Orion sa kaniyang mga tauhan. Hindi niya gusto na sinasamantala ng pamilyang Stewart ang pagiging mabait niya. Isinanla ng mga Stewart ang kanilang lupain kay Orion dito sa Bukidnon. Kadarating lamang niya upang bisitahin ang kaniyang malaking farm at ang Hacienda Dale, pero ito na agad ang bumungad sa kaniya. "Absolutely not. I need them to settle their debt today at wala akong pakialam kung may pera man sila o wala. I have shown more than enough patience, allowing them a full year to settle the payment, pero hanggang ngayon, wala pa rin silang ibinabayad sa akin na kahit isang kusing. I have already extended my deadline multiple times, but this can't continue any longer. Kailangan na nila akong bayaran ngayon. Wala akong pakialam kung saan nila kukuhanin ang perang ipambabayad sa akin. Kapag sinabi kong ngayon, ibig sabihin ay ngayon." Hindi na kumibo ang mga tauhan ni Orion at nagmamadali na lamang na umalis upang pumunta sa bahay ng mga Stewart. Nagtungo si Orion sa kaniyang silid. Nahiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata habang hinihimas ang kaniyang sintido dahil sa inis. Ilang katok ang narinig niya, pero hindi niya idinilat ang kaniyang mga mata. Nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kama, ngunit nanatili lamang siyang nakapikit. "Problema?" Boses ni Noah. Hindi kumibo si Orion. Ang dalawang daliri niya ay patuloy lamang sa paghilot sa sariling sintido hanggang sa maramdaman niya ang paglundo ng kama. "Narinig ko ang pag-uusap ninyo ng tauhan natin tungkol sa pagkakautang ng mga Stewart sa'yo. May utang pa 'yang pera maliban pa duon sa lupain na nakasanla sa'yo, hindi ba? From what I understand, they owe you a hefty six million pesos, and despite that massive sum, they haven't made a single payment... not even one centavo. Nakakatawa lang na sa tagal ng ibinigay mo sa kanila na pagkakataon upang makabayad, wala man lamang silang ginawa upang kahit papaano ay mabawasan ang utang nila sa'yo. Tama lang ang ginawa mo. Dapat lang nilang bayaran ang pagkakautang nila. Masyado silang umaabuso dahil hindi mo ito masyadong binibigyan ng pansin, pero ngayon ay dapat lang na pagtuunan mo na ito. Bayaran nila ang utang nila sa'yo." Marahas na nagbuga ng hangin si Orion. Idinilat niya ang kaniyang mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga. Dinampot niya ang bote ng alak at dalawang baso, saka inaya si Noah sa malaking balkonahe ng kaniyang silid. "May bumabagabag ba sa'yo? Kanina ka pa tahimik mula nang lumapag ang eroplano mo sa paliparan. Ano ba ang iniisip mo?" Natawa nang mahina si Orion at tiningnan ang kaniyang kanang-kamay. Tinapik niya ito sa balikat at saka inabutan ng baso na may lamang alak. "Wala akong problema. Trabaho lang naman ang iniisip ko. Masyado akong natatambakan ng trabaho. Nandito tayo ngayon sa hacienda at farm ko upang bisitahin lang ito, pero uuwi din tayo bukas." Nagkibit-balikat lang si Noah at nagsindi ng sigarilyo. Pagkatapos ay napatingin ito sa mga tauhang papalapit sa malaking bahay ni Orion. "Mukhang nakabalik na ang mga tauhan na inutusan mo at may kasama pa." Napatingin naman si Orion sa tinutukoy ni Noah. He forced a smirk, attempting to mask his growing frustration. "Mukhang kasama yata si Mister Stewart. Either magbabayad 'yan or hihingi na naman ng palugit sa'yo." Noah said, a sarcastic smile playing at the corner of his lip. Humugot nang malalim na paghinga si Orion at saka tinungga ang natitirang alak sa kaniyang baso. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad palabas ng silid. Kasunod lamang niya ang kaniyang kanang-kamay at matalik na kaibigang si Noah. Pagkalabas niya ng malaking bahay ay magalang na bumati si Mister Stewart kay Orion. Bahagya pa itong yumukod bilang paggalang sa kaniya. "Magandang hapon, sir. Sumama ho ako sa inyong tauhan upang ako na ho mismo ang makiusap sa inyo na kung maaari ay mabigyan pa ako kahit na dalawang buwang palugit. Wala ho kaming matitirahan ng pamilya ko kapag kinuha ho ninyo sa amin ang lupain namin. Dalawang buwan na lang ho ang palugit na hinihingi ko. Nakikiusap ho ako sa inyo." Pakiusap ni Mister Stewart. Orion smirked while locking eyes with Mister Stewart, his expression serious and unwavering. "Tapos na ang palugit na ibinigay ko sa inyo. Gusto kong umalis na kayo sa kinatitirikan ng lupain ko dahil patatayuan ko ang lupaing 'yan ng isang farm. Wala na akong magagawa pa sa inyo. Kapag sinabi kong tapos na, ibig sabihin ay wala nang palugit. Makakaalis ka na at mag-empake na rin kayo." Seryosong sabi ni Orion. Lalapitan sana siya ni Mister Stewart upang magmakaawa, pero tinalikuran na niya ito at malakas na isinara ang malaking pintuan. Wala nang nagawa pa si Mister Stewart kung hindi ang umalis. Kahit na anong pakiusap nito ay hindi na muling bumukas ang malaking pintuan. "Make sure that man, along with any member of his family, never sets foot on my property again. Do I make myself clear?" Galit na wika ni Orion. "Yes, boss. Masusunod ho." Sagot ng pinuno ng kaniyang mga tauhan. Humugot nang malalim na paghinga si Orion at naupo sa mahabang sofa. Si Noah naman ay nakatayo lamang at nakatingin sa kaniya. "People will always try to take advantage of you the second they think they can get away with it. Pero hindi ako. Hindi nila ako maiisahan o maloloko. I didn't become the notorious mafia leader I am today by falling for the tricks of worthless, low-life people. I have come too far, and I know every move they will make before they even think of it." Naiiling na sabi ni Orion. "Well, pinapalayas mo na sila. Nababagay lang 'yan sa kanila. Six million is far from a small amount of money. Isang taon mahigit din naman na naghintay ka na mabayaran ka kahit na magkano lang para hindi ka magsisi na tinulungan mo si Stewart, pero umabuso at kahit na anong paniningil ay puro na lang next month ang nangyari. Kung ano man ang kahihinatnan ng pamilya niya ay labas ka na duon. Bahala siya sa buhay niya. Ginusto niya 'yan, magdusa siya ngayon." Sagot ni Noah. Hindi na nagsalita pa si Orion. Lumabas na lamang siya ng malaking bahay upang manigarilyo. ╰┈➤ Lumipas pa ang mga oras. Sumakay si Orion sa kaniyang sasakyan upang sundan sila Noah at ang buong grupo ng Dark Immortal org sa isang sikat at high-end club sa kabihasnan. Palabas siya ng gate nang makita niya ang isang babaeng nagwawala. Nanlaki ang kaniyang mga mata at nakaramdam agad siya ng galit nang makilala kung sino ang nagpupumilit na makapasok sa kaniyang bakuran. Inihinto niya ang sasakyan at saka umibis. Nakatayo lamang siya sa may pintuan ng mamahalin niyang sports car habang nakatingin sa dalaga. "Sir, kayo ho ba ang pinagkakautangan ng aking ama? Nakikiusap po ako sa inyo, bigyan pa ho ninyo siya ng pagkakataon para mabayaran niya kayo. Nakikiusap ho ako, parang awa na ho ninyo. Tutulungan ko ho ang papa ko na makabayad sa inyo. Magtatrabaho ako kahit saan, dodoblehin ko ho ang pagkayod ko para lang matulungan ko ang papa ko na mabayaran ang lahat ng pagkakautang namin sa'yo." Kumunot ang noo ni Orion. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaeng ito. Ito ang babaeng tinulungan niya mag-aapat na taon na ang nakakaraan. Ito ang babaeng matapos niyang iligtas at alagaan sa loob ng halos anim na buwan ay bigla na lamang siyang tinakasan. Ni hindi man lamang ito nagpasalamat sa kaniya, kaya galit na galit siya sa babaeng kaharap niya ngayon. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Simpleng bestida lang ang suot nito, naka-tsinelas at nakapusod ang buhok sa isang messy bun. "Parang awa na ho ninyo, sir. Kahit na magpaalila ako sa inyo habang buhay ay gagawin ko, huwag n'yo lang ho kaming palayasin sa lupain namin." Ngumisi lang si Orion, pagkatapos ay pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Akma na niyang paandarin ito nang biglang humarang ang babae sa daraanan niya. Niyakap nito ang hood ng sports car ni Orion at umiyak habang patuloy na nakikiusap. "Please, sir, nakikiusap ako sa inyo. Iyon na lang ho ang natitirang ari-arian ng aking mga magulang, huwag ho ninyo itong agawin sa amin." Galit na lumabas si Orion ng kaniyang sasakyan, nilapitan ang babae at hinablot ito sa braso. His grip was tight, revealing the anger simmering within him. "Huwag mo akong piliting sagasaan ka. Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong mamatay sa harapan ng hacienda ko. Nawalan na ng ari-arian ang pamilya mo, nawalan pa sila ng anak." Galit na sabi ni Orion, sabay tulak nang malakas sa babae. Bumagsak ito sa lupa at lumilis ang suot nitong bestida hanggang itaas ng hita. Kumunot ang noo ni Orion habang nakatitig sa makinis na balat ng babae. Dahan-dahan namang inayos ng babae ang suot niya at pinunasan ang kaniyang luha. "Gagawin ko ho ang lahat. Parang awa na ninyo, huwag ho ninyong kukuhanin sa aking ama ang lupain niya." Umiiyak pa rin ito habang nagmamakaawa na sana ay bigyan pa ni Orion ang kaniyang ama ng isa pang pagkakataon. "Tumayo ka diyan. Manuel, ipasok mo siya sa loob ng bahay at kakausapin ko 'yan nang masinsinan. Titingnan ko lang kung ano ang kaya niyang ibigay kapalit ng lupain ng kaniyang ama." Wika ni Orion. Nangislap naman ang mga mata ng babae dahil mukhang pagbibigyan siya ng lalaking pinagkakautangan ng kaniyang ama. "Salamat ho, sir." "Don't bother thanking me... what's about to happen will become your worst nightmare. I'm eager to see just how far you're willing to go to save your father's property." Nakangising ani ni Orion. Bumalik siya sa kaniyang sasakyan at pinaatras ito. Hindi niya isinakay ang babae at pinaharurot na lamang ang sasakyan pabalik sa malaking garahe ng hacienda. Pagkatapos ay umibis siya at pumasok sa loob ng malaking bahay. Naupo siya sa sofa, pinalabas ang lahat ng kasambahay at naghintay sa pagdating ng babae. Ilang minuto lang ay patulak na itong ipinasok ni Manuel sa loob ng bahay. Pagkatapos ay lumabas din agad ito at isinara ang pintuan. Nakangisi lang si Orion habang nakatitig sa babaeng nakatayo hindi kalayuan sa kaniya. "Don't be afraid, just take a seat." Sabi ni Orion. Ngumisi pa siya nang bahagya habang nakatingin sa babae. Dahan-dahan namang lumapit ang babae at naupo sa sofa na nakatapat kay Orion. Pero umiling siya at tinapik ang sofa na kaniyang kinauupuan. "Come and sit next to me. There's no need to be afraid of me. I promise I won't bite... at least, not too big." Halos manginig ang mga tuhod ng babae nang lumapit ito kay Orion at naupo sa tabi niya. Nagulat siya nang bigla siyang hinapit nito sa baywang at idinikit sa katawan. "Kahit amoy pawis ka, mabango ka pa rin." Bulong ni Orion bago niya binitawan ang babae. Kinuha niya ang alcohol na nasa ibabaw ng coffee table at nag-spray sa kaniyang kamay. Napayuko ang babae habang nakakaramdam ng takot sa lalaking katabi niya. "Sabi mo ay gagawin mo ang lahat upang hindi ko kunin ang lupain ng iyong ama kasama na ang inyong tinitirhan. Tama ba ako ng pagkakaunawa?" Seryosong tanong ni Orion. Walang ngiti sa kaniyang mukha at maawtoridad ang pananalita nito. "O-Opo... g-gagawin ko po ang lahat." Mahinang sagot nito. A sly smirk crossed his face. He knew exactly what he wanted from her, and he was determined to get it. "Ano ang pangalan mo at ilang taon ka na? May nobyo ka na ba?" Tanong ni Orion. Desidido siyang makuha kung ano ang gusto niya sa babae, pero sisiguraduhin niyang hindi iyon panandalian lamang at hindi siya magkakaroon ng kahati rito. "Madel Alexa Stewart po. Twenty-five years old na po ako at may nobyo." Nakayuko ito at hindi magawang tingnan ang taong pinagkakautangan ng kaniyang ama. "Virgin ka pa ba?" Biglang napaangat ang mukha ni Madel. Hindi niya nauunawaan kung bakit ganuon ang tanong nito. Muli siyang tiningnan ni Orion mula ulo hanggang paa. "O-opo." Nangingiming sagot ni Madel. Natawa si Orion. Hinawakan niya ang dalaga sa baba at itinapat ang mukha nito sa kaniya, pagkatapos ay ngumisi na tila ba hindi naniniwala sa babaeng kasama niya. "May nobyo ka, pero virgin ka pa? Niloloko mo ba ako?" May inis na tanong ni Orion habang halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Hindi naman makapagsalita si Madel. Kinakabahan siya at hindi niya maipaliwanag kung bakit. Nararamdaman niyang hindi mabuting tao ang lalaking kaharap niya kaya lalo siyang natatakot dito. "Pakakasalan mo ako. Pero ang lahat ng ito ay hanggang isang taon lang, pagkatapos ay ididivorce kita. Kapag ginawa mo 'yan at tinupad mo ang kasunduang 'yan ay mapapasa-inyo ang lupain na pag-aari ng iyong ama. Isang taon, kaya mong gawin? Kung ayaw mo, gusto ko bukas ay wala na kayo sa lupain ko." Hindi naman malaman ni Madel kung ano ang isasagot niya. Pero hindi niya kayang makita ang pagkalugmok ng kaniyang mga magulang, kaya kung ito ang paraan ay gagawin niya. Isang taon lang naman at maghihiwalay din sila. "P-Pumapayag ho ako." Nauutal niyang ani. Ayaw niyang salubungin ang mga mata ng lalaking nakahawak sa kaniyang baba. Pinisil ni Orion ang mukha ng dalaga, pero hindi naman siya nasasaktan sa ginagawa nito. "That's good. Mabuti naman at pumapayag ka. Pero may mga kondisyon pa ako." Wika ng binata. Hindi naman kumikibo ang dalaga. Nakatitig lamang ito sa lalaking matikas at ubod ng gwapo, pero ni katiting na paghanga ay wala siyang nararamdaman para sa binata. Ganuon din si Orion. Ang nais lamang nito ay mapagsawaan ang babaeng kaharap niya, at kapag tapos na siya ay ipapawalang-bisa na niya ang kanilang kasal. "You will follow my every command, and our marriage must stay a secret. Fulfill your responsibilities as my wife, but you must never disclose to anyone that we are married." Kiming tumango ang dalaga. Ginagawa niya ito para sa kaniyang ama. Mahal na mahal niya ang kaniyang mga magulang at hindi niya kakayaning makitang naninirahan ang mga ito sa gilid ng kalsada. "Higit sa lahat, gagawin mo kung ano man ang gusto ko. Ititira kita sa condo ko sa Manila pagkatapos ng kasal. You will sign a marriage certificate, and we will get married. Hindi tayo dito magpapakasal sa Pilipinas. Tatawagan ko ang abogado ko sa America at magpapaayos ako ng marriage certificate para sa ating dalawa. Ipapaayos ko ang pasaporte mo at pupunta ka ng America mag-isa at hindi ka sasabay sa akin. Duon ka tutuloy sa hotel na pag-aari ko sa New York. Hihintayin mo ako duon. Siguraduhin mo na handa ka sa lihim na kasalang ito. Isang taon lang 'yan. Wala kang makukuha sa akin na kahit na ano dahil pipirma ka sa isang prenuptial agreement na nagsasaad na singko man sa aking kayamanan ay wala kang makukuha pagkatapos ng isang taon. Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo sa akin na virgin ka pa. Masama akong magalit, Madel. Malupit akong magparusa. Naiintindihan mo ba 'yan?" May diin na sabi ni Orion. Takot na tumango ang dalaga at isang luha ang pumatak mula sa kanang mata nito. "Hintayin mo ang tawag ko sa'yo. Ibigay mo sa akin ang numero mo at ako na ang bahalang kumontak sa'yo." Tumango lang si Madel at pinaalis na rin agad siya ni Orion.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed With Kuya Red

read
47.2K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.9K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
12.6K
bc

DESIRING THE BADBOY (SSPG/ Dark Romance)

read
156.7K
bc

Kuya Andrew

read
74.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook