┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Tahimik lang si Orion. Nasa hideout mansion siya ngayon, kasama niya ngayon ang mga pinaka-pinagkakatiwalaan niyang high ranking members. Gabi na, pero maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa swimming pool... kulay bughaw ang repleksyon sa tubig, parang kalmadong dagat sa gitna ng kaguluhan ng mundo niya. This was his territory, his kingdom, ito ang lugar na nagpapakalma ng isipan niya, pero ngayong gabi... parang ang gulo ng isip niya. Parang ang daming tanong ng utak niya na hindi naman niya mabigyan ng kasagutan. Nakaupo siya sa lounger sa gilid ng pool, nakasandal, isang braso ang nakapatong sa sandalan. May sigarilyong nakaipit sa pagitan ng kaniyang mga labi, dahan-dahang nauupos, at sa kabilang kamay naman ay may hawak siyang crystal glass n

