"Ang asawa mo galit," natatawang sabi ni Ross sa akin. "Siya pa ang may gana magalit eh kasama niya nga ang kabit niya!" sagot ko. "Pahingi ako pera ,Ross!" sabay lahad ng aking palad. Nagmumukhang mahirap na talaga ako. Wala akong kapera-pera. "Madami ka na utang saki," nakangising saad niya. "Mayaman ka naman eh," napapadyak kong sabi, ang tagal pa bago ako bigyan. "Aba, humingi ka sa Asawa mo, ayan lang siya oh," natatawang sabi niya Kainis talaga si Ross. Lumapit ako kay Ulysses, nakahawak naman sa braso ng asawa ko si Christine. Kapal ng mukha! "Pahingi ako pera!" pagalit kong sabi kay Ulysses. Narinig ko naman sa likuran ko na tawang-tawa si Ross. "Umuwi na tay," sagot naman ni Ulysses sa akin. "Kakarating ko lang pauwiin mo agad ako, samantAla ikaw kanina mo pa kasama ang

