Maaga pa lang umuwi na kami ni Ulysses galing sa birthday ni Mang Omar. Hindi man lang ako nakatikim ng dessert. Kakainis! Panay kasi kindat sa akin ni Ross kaya hinila agad ako patayo ni Ulysses. Nagpaalam lang kami ng saglit kay Mang Omar at umalis na agad. "Paano kayo nagkakilala ni Ross?" I ask him. "Kaklase ko noong College," sagot niya. "Ay, bakit kaya nandito iyon?" nagtatakang tanong ko. "Bakit hindi mo tinanong kanina!" pagalit na sabi niya. Galit na agad. "Kainis ka, hindi pa nga ako nakatikim ng dessert na buko!" hinampas ko ito sa braso. "Dessert lang ba ang habol mo o dahil kay Walton! Panay pa ang tinginan niyong dalawa!" "Hoy, grabi ka! Ang cute lang kasi niya," mahinang saad ko. Ang talim ng tingin ni Ulysses sa akin. "Cute lang naman sinabi ko, hindi ko naman sin

