Ngayong araw ang birthday ni Mang Omar na Tatay ni Christine. Sinabihan ako ni Ulysses na pupunta kami mamayang hapon, bandang alas tres ng hapon. Buti naman isasama niya ako. Nagpaalam sa akin si Ulysses na pupunta muna siya sa bayan dahil tatagpuin niya ang kanyang secretary at may pipirmahan na mahalagang dokyumento at kailangan agad ito ibalik sa Manila. Nakita ko si Yaya na nagtatanim ng mga bulaklak sa kan'yang mini Garden, ang cute at ang gaganda ng mga bulaklak. "Oh hija, hali ka dito." "Po," lumapit naman ako kay Yaya. "Ito na yung pregnancy test mo, hindi ko lang naibigay sa iyo kagabi kasi nandiyan ang iyong asawa," inabot niya sa akin ang maliit na supot. "Salamat po, Yaya," nagpaalam muna ako na maglibot-libot sa likuran ng mansion. Ang lapad pala ng lupain dito ng Herre

