Wala si Ulysses nang bumaba na ako. Sabi ng katulong umalis daw ito. Pumunta ako sa kuwadra baka sakali nandoon siya pero iyong dalawang binatilyo ang nandoon na nagpapakain ng mga kabayo. Nawiwili ako sa kakapanuod sa kanila habang binibigyan nila ng damo ang mga kabayo. "Pwede ko po ba hiramin ang isang kabayo? Mamasyal lang ako," saad ko sa dalawa. "Po? ahm..marunong po kayo Senyorita? Baka po kasi kami ang mapapagalitan ni Senyorito kapag may nangyari sa inyo," medyo takot na sabi ng isang binatilyo. "Yes, alam ko naman. May farm din kami kaya sanay na ako mangabayo," mahinang sabi ko sa isang binatilyo. "Ah, ito na lang si White Senyorita ang sakyan niyo, si White po kasi ang pinakamabait na kabayo rito," saad naman ng isa. "Salamat," nakangiting kinuha ko si White. Inalalayan di

