Patanghali na ako gumising at kinatok ako ng isang katulong dahil kakain na raw ng tanghalian. Nawalan talaga ako gana dahil naiinis pa rin ako kay Ulysses. "Ate Laila, pakisabi na lang po na hindi pa ako gutom," saad ko rito. "Sige po Senyorita," sabi ni ate Laila na umalis agad ito. Bumalik ulit ako sa paghiga.Titig na titig ako sa kisame nang biglang may nagbukas ng pinto. Pumasok si Ulysses na masama ang timpla ng mukha. "Hindi ka kumain ng almusal at ngaung tanghalian, hindi ka pa rin kakain?!" pagalit na sabi niya. Hindi ako umimik, tumagilid ako ng higa. Masama pa rin ang loob ko sa kan'ya. Bahala siya sa buhay niya! Ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin. "Kung masama ang pakiramdam mo padadalhan na lang kita ng pagkain sa katulong," inis niya pang sabi. "Magsama kayo

