CASSY I DON'T want to scold him for now. Oo, marami na ang nagbago sa akin. I'm more mature to handle everything. Ako rin ang tipong hindi nagsasabi ng problema kung kanino lang. Kahit sa parents ko, never ako nag-open up sa mga nangyayari sa buhay ko. Pero sa kaloob-looban ko, durog na durog ako. Puno ng katanungan ang isip ko. Bakit? Ano ba ang nagawa ko? Kung bakit naghanap pa siya ng ibang babae. Lahat na katanungan na 'yan ay walang sagot. Halos hapon na rin ako nakabalik sa bahay. Ni hindi ko na tiningnan pa ang kambal at dumiretso na ako sa silid. Umabot na ng gabi, pero hindi pa rin nakauwi si Ulysses. Naghintay ako. Hanggang madaling araw, saka naman may dumating na kotse. Halos madapa ako pababa para salubungin ito. Medyo nagulat pa ito pagbukas niya ng pinto, nakatayo na

