CASSY "MA'AM Cassy, dumating na po si Sir." Napaangat naman ang ulo ko at tumingin sa katulong. Nandito kasi ako sa mini-library ko. Iyong isang guest room sa bahay namin ay ginawa ko ng library. "Sige po, tatapusin ko lang itong binabasa ko," mahinang tugon ko naman. Huminga naman ako ng malalim at tumayo na rin. Pagbaba ko naabutan ko si Ulysses na nilalaro ang kambal. Lumapit naman ako at sinenyasan ang katulong na kunin ang mga bata. "Almost three weeks nasa US ka, how's your business trip there?" tanong ko na diretso ang tingin sa mga mata niya. Tumikhim muna ito bago sumagot. "Yeah, so busy. And very struggle dahil may problema sa investors." "Really? Kaya siguro wala ka ng time na tumawag sa amin kahit kamustahin man lang," panunuyang saad ko rito. "Oh come on, Cassy. Karar

