III pt. 2: THAT STRANGE FEELING

2248 Words
"ACHOOO!!" Malakas na bahing ni Hunter sabay singhot. Kinaumagaha'y nagising nalang siyang mabigat ang pakiramdam ng katawan. Nandidiring lumayo si Chad sa kaniya habang naglalakad silang tatlo papuntang classroom. "Eww... germs!" Pinahid ni Hunter ang kamay sa uniporme nito. "Ah! P*ta ka talaga, Hunter!" Nagsisigaw itong sinuntok siya sa likod. "Saan ka ba galing kagabi? Nahamugan ka 'ata," usisa ni Austin. "Bumili lang ako ng... ng... battery s-sa—" Tumalsik ang laway niya nang malakas uli siyang nag-hatsing. Napapikit na lang si Chad na siyang natamaan ng laway sa mukha. Suminghot si Hunter. "B-bumili lang ako ng battery sa convenience store kagabi. N-Naabutan ako ng ulan sa d-daan." Niyakap niya ang sarili. Nanlalamig na rin siya. "Pumunta ka sa clinic mamaya," suhestiyon ni Chad. "Baka kumalat pa germs mo sa amin. Di kami mayaman na may pambayad sa pampaospital." Ngumisi siya. "Ang sweet ng love ko... kiss mo nga ako. Baka 'yon lang kulang para maging okay na ako." "Pwede ba?!" Nanayo ang balahibo nito. Pinusod ni Naomi ang buhok at kinamot ang pisngi habang ni-re-review ang mga sagot niya sa assignment nila sa Filipino. Hindi niya ito natapos kagabi dahil dinalaw na siya ng antok sa kalagitnaan nang pagsasagot. "Hmmm... mamayang hapon pa naman ito. Tatapusin ko nalang ito sa library." "ACHOOOOO!!!" Napalingon siya sa b****a ng classroom at nakitang pumasok sina Austin, Chad at Hunter. Hunter's nose is red as a tomato as he wrinkles it. He immediately covered his nose and his mouth with a hanky to sneeze hard again. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa likurang bahagi ng silid. He's breathing hard through his mouth as he prepares for another sneeze. Humarap na lang siya sa blackboard at narinig uli ang hatsing nito. She turns to look at him again. Tumingala ito para siguro kahit paano makahinga nang maluwag. Biglang nakaramdam ng konsensiya ang dalaga. "Clinic m-muna ako 'tol," ani Hunter sabay tapik sa balikat ng mga kaibigan niyang kumakain ng pananghalian sa canteen. "Hihingi lang ako ng g-gamot." "Oh sige." Tinanguan siya ni Austin. "Hihintayin ka namin dito?" "Mauna nalang kayo k-kung tapos na kayong k-kumain. Oo. Salamat." Kumaway siya sa mga ito tsaka kinusot ang ilong habang naglakad na palabas ng canteen. Upon reaching the infirmary, he slid the door open and saw the school nurse inside. "Good noon, Miss." "Yes? Come in. Come in." He sat on a bed and explained his symptoms. Kinunan siya nito ng temperatura. May konting sinat siya. "Sit still. Kukuha lang ako ng gamot para sa'yo." He smiled and nodded. Nang lumabas ito saglit at tumingala siya para makahinga. "Ahhh... t-this is torture. I can't b-breathe properly!" Yumuko siya at kinusot ang ilong. Out of nowhere, a hand lends a handkerchief with two tablets. His Chinito eyes shoot up. It's Naomi, looking at the other direction. "N-Naomi?" "B-baka kailanganin mo 'to." Namula ito. He looks down and gently holds her hand. Napayuko si Naomi sa magkadaop nilang mga kamay. Parang may dumaang kuryente sa mga palad nila. "Thanks." He smiles weakly. Lalo pang nahabag si Naomi. Hunter's smile doesn't have the same energy as the previous days and she has no one to blame but herself. "Bakit mo kasi iniwan ang jacket mo kagabi?" "I thought it would eventually rain hard and you're going home late," He sniffs. "You'll need it more than I do" Tinitigan niya ito. "Ba't ba ang bait mo?" "I'm not. It's just... y-you need it and I happen to have it." "Tulad ng jacket?" Tumango ito. "T-Tsaka yung notes mo?" Tumango si Hunter. "Yeah." "A-At yung ice pack?" "Well..." He chuckles – making his eyes slit more. "Hiningi ko 'yon dito sa clinic, so technically it's not mine." Napayuko ang babae. It took her minutes before she finds the courage to express what she intends to say and what she came for. Nag-iwas ng tingin si Naomi. "S-Sorry, Hunter." "You don't have to. In the first place, I hit you with the ball." "Ang bait mo kasi tapos sinusungitan lang kita." "Tell you what..." He looked intently at her, making her conscious of how close their distance is. "...all is good between us if you say sorry while looking at me." Sinalubong ni Naomi ang mga mata ng lalake at huminga nang malalim. "I'm sorry." "With a smile." Pinatirik niya ang mga mata pataas. "Ow, come on! Indulge me!" He grins. "Tsk." Pinilit niyang ngumiti na kita lahat ang ngipin. "I'm sorry, Hunter." "Better." He smiles widely. This time... with life. Hindi na rin maiwasan ni Naomi na ngumiti ng totoo. Nakakadala kasi ang singkit nitong mga mata. "Oh sige... a-alis na ako. Di ko pa kasi natapos 'yong assignment natin sa El Filibusterismo." "Ahhhh..." Tumango si Hunter. "I happen to have good grades in Filipino." Di na siya pumalag. Totoo namang matalino si Hunter dahil ni minsan, 'di nawala ang pangalan nito sa Top 10 na mga estudyante sa Grade 10. Siya naman, sakto lang – di nangungulelat, di rin... magaling. "Sit here." Hunter pats the bed beside him. "Let me help you with it." "S-Sure ka?" "Yeah. I think this bed is sturdy enough..." He jumped while sitting. "...to carry our weights— Ow, sorry. That came out weird." Sabay pa silang namula matapos pumasok sa isipan nila ang ibang kahulugan ng sinabi ng binata. With that simple gesture and simple offer, it marks the start of their good relationship. Relationship since Naomi can't really label it yet as friendship. She nodded at him when they meet in the hallway. She responded to his energetic greetings with a small smile. Slowly, Chad and Austin started to notice her. They, too, say their greetings by calling her last name whenever they cross paths. Surprisingly, it doesn't bother her. Though, there's still hesitation on her part. Afterall, this is all new to her. 'One step at a time, Naomi.' Paalala niya sa sarili. 'Di mo naman babaguhin ang sarili mo. Gusto mo lang makaranas ng bagong takbo sa karaniwang mong ginagawa.' Nagulat siya nang tinawag siya ni Hunter na noo'y nasa basketball court kung saan tinatayo ang improvised chapel. "Naomi!" Mula sa second floor ay awtomatikong tumaas ang kamay niya at ngumiti. "O-Oy. Hunt—" Agad niyang binaba ang kamay nang mapagtanto ang ginawa. 'Okay. Ang weird mo na, Naomi.' Dali-dali siyang tumalikod. KASALUKUYANG nagbibisekleta si Naomi habang angkas si Hope sa may likuran. Papauwi na sila nang hapong iyon nang napadaan sila sa convenience store. She hit her brake slowly. Inaninag niya ang nakapaskil na papel sa glass wall. 'Wanted PART-TIME CASHIER. Night Shift.' Hope tugged her shirt: 'Puwede ba ako, ate? Gusto ko magtrabaho riyan.' Ngumiti pa ito. "Hmmm... puwede naman. Kaso, humingi ka muna ng permiso kina Mama at Papa. Di sa dini-discourage kita pero baka mahirapan ka." Umiling ito at nag-sign language: 'Kaya ko 'ate. Magaling ako sa Math.' "Oo na, oo na." Magpapadyak sana siya nang maramdaman niya na humigpit ang hawak ni Hope sa damit niya at nagtago sa kaniyang likod. "Hope?" Parang may kinatatakutan ito. Paglingon niya sa harap ay may grupo ng mga batang edad walo o siyam 'ata na naglalakad pasalubong sa kanila. May isang bunging bata ang nakakita kay Hope. "Hala! Si Bingi, o!" Ngumiti rin ang isang kasama nito. "Oo nga!" "Sigawan natin! Di yan makakarinig." Yaya pa ng isa. "Hoy! Bingi! Bingi!" Masakit na tukso ng mga ito. "Ay aba!" Nilingon ni Naomi si Hope na malapit nang umiyak saka bumaling sa grupo na walang pakundangang kumukutya sa kapatid niya. Ang lakas ng loob ng mga itong awayin si Hope na nasa tabi pa niya! Bumaba siya ng bisikleta. "HUY!!" Natigilan ang mga ito at napatingin sa kaniya. "Bakit ninyo inaaway kapatid ko!" Nirolyo pa niya ang manggas ng uniform niya. "Suntukan nalang, ano?" Takot na takot si Hope na hinila ang damit ng kapatid. "Ano?!" Hamon niya sa mga ito. "Dali!!" Wala siyang kinikilalang edad basta kapatid na niya ang inaagrabyado. "PANGIT!" sigaw ng isang bata. "MAMA MO MUKHANG PALAKA!" Ngumisi siya. Siya pa talaga ang hinamon sa larong ito? Ang dami na kaya niyang pinauwing luhaan. "MAMA MO WALANG BUHOK!" sigaw naman ng isang kasamahan ng mga ito. "HA!" Nameywang siya. "MAMA MO WALANG NGIPIN TULAD MO! BUNGI!" Yumuko ang batang lalake na parang iiyak na. 'Akala niyo 'ha!' "Ano? Sugod pa kayo? Ulitin niyo ang panggugulo sa kapatid ko! Guguntingin ko s**o ng mga nanay ninyo at ididikit ko sa mga pasmado ninyong bibig!!!" Pero nagimbal siya nang may isa na pumulot ng malaking bato. Mabilis niyang niyakap si Hope para protektahan ito sabay pikit ng mga mata para ihanda ang sarili sa pagtama ng bato. "Something's wrong here?" Napadilat siya at nilingon ang may-ari ng pamilyar na boses. Nakita niyang nakangiti si Hunter na nakatingin sa kanila habang sina Austin at Chad naman ang namamato ng maliliit na bato sa mga tumatakbong papalayo na mga bata. "H-Hunter?" sambit niya sa pangalan nito. "You both okay?" pangungumusta nito. Tumango naman si Hope. "Eherm!" singit ni Austin na pumagitna at inilahad ang kamay kay Hope. "Hi, I'm Austin... your knight in shining armor." Sabay kindat. Hope giggles and is about to accept Austin's hand when Naomi slaps the guy's hand away. "Umayos ka!" "Aray! Naomi naman!" Sinapo ni Austin ang namumulang kamay. "Astig mo kanina, Sandoval, a." Tawang-tawa si Chad. "Galing mo sa larong ANG MAMA MO. Ang sakit!" "H-Huh? N-Narinig niyo 'yon?" Agad lumipad ang tingin ni Naomi kay Hunter na halatang pinipigilan ang pagtawa. "N-Narinig mo?" He nodded. His eyes slits with amusement. 'O, Lupa. Lamunin mo ako ngayon din!' Yumuko siya para ikubli ang mukha sa binata. Malapad naman ang ngiti ni Hope sa nakitang reaksiyon ng ate nitong mabilis namula tulad ng kamatis dala ng hiya. "B-Bwesit!" Dali-daling sumakay si Naomi sa bisikleta at mabilis na nag-pedal papalayo. Natatawa naman si Hope na yumakap sa likod ng kapatid. "Bye!" sigaw ni Austin kay Hope. Hope angelically smiles as she waves her hand to their three saviors. "Ah! Ang puso ko, Chad! Ang puso ko!" OA na sinapo ni Austin sa dibdib nito. "Ang tamis ng ngiti niya sa akin!" "Loko!" sikmat ni Chad sabay sapak. "Sa ating tatlo siya ngumiti!" Napailing na lang si Hunter at tumawa nang maalala ang ayos ni Naomi kanina na nakapameywang na hinarap ang mga bata. 'Di talaga nito uurungan ang pang-aalaska ng mga bata sa kapatid nito. "Sana gano'n din ngumiti si Naomi, 'no?" ani Austin nang magpatuloy na sila sa paglalakad. "Ang ganda ng kapatid niya 'ah. Medyo hawig pa naman sila ni Naomi." "Naomi's pretty." He intercepted. Napalingon ang dalawa sa kaniya. Tumaas ang isang kilay ni Chad. "Kay Zaina, hindi. Kay Naomi, oo? Iba ka rin, ano?" "You just didn't see Naomi's smile." Napasinghap) si Austin. "Ohooooy~ At kelan siya ngumiti? Noon bang nakulong kayo sa third cubicle. Haaaaa?" Napailing na lang si Hunter sa takbo ng utak ng kaibigan. "Secret." Matapos iparada ang bisikleta sa garahe, hinarap ni Naomi ang kapatid. "At gusto mo pang magtrabaho? 'Eh halos umiyak ka na kanina no'ng inaway ka ng mga bata. Paano 'pag mga may edad na ang kaharap mo? Iba-iba ang tao, Hope. Hindi lahat tulad ko—" Hope sign language: 'Crush mo 'yung Hunter, ate?' "Ha?!!" Napahiyaw siya sa gulat dahil sa tinuran. "At kelan ka natuto sa mga makamundong mga bagay na 'yan 'ha?" Pagak siyang tumawa sabay ginulo ang buhok ng bunso. "Classmate ko lang siya. Okay? Tara na sa loob—" 'Di na niya natapos ang sasabihin nang lumabas ang ama niyang nakayapak lang habang lumilipad naman papalabas ang mga upuan, mga damit, at mga plato. "Lumayas ka!" Hinarap ni Greg ang pintuan. "Para lang nakalimutan kong i-flush ang dumi ko sa banyo, papalayasin mo na kaagad ako?!" "Natural!" sigaw ni Lumen na nakapameywang. "Ilang ulit mo na 'tong ginawa, Greg! Letse ka, ang baho ng tae mo! Bakit ba kita pinakasalan, animal ka!" Hope turns to her: 'Nag-aaway sila ate?' "Naglalaro lang ng 'Sino'ng-Unang-Makasalo-Ng-Kutsilyo," aniya at hinila na lang ang kapatid papunta sa likod ng bahay para doon na lang dadaan papasok. Inside her bedroom that night, Naomi was biting her nails as she surfed the internet for the download links of a Korean Drama she's following for months now. After downloading it for offline viewing, she was about to close the browser when an advertisement popped up. An online shop is having a 50% sale on all items. "Ow? Talaga?" Binuksan niya ang site at pinasadahan ng tingin ang mga naka-sale na mga damit, gadget, at kung ano-ano pa. "Ayos 'to ah..." Scrolling through items, her finger froze from clicking next when she arrived on the Sports and Equipment Section. May nakita siyang soccer ball. Hindi man katulad sa sinira niya ay naalala pa rin niya ang ginawa sa bola nito. She also remembered seeing Hunter and his friends borrowing a soccer ball from a P.E. Teacher. 'Paboritong laro 'ata nilang tatlo ang soccer." NAGULAT si Mrs. Dolor sa kalagitnaan nang pagpapanso ng mga biniling gamit ng isang customer nang hinihingal na dinamba ni Naomi ang counter. Halatang nagbisikleta ito nang mabilis papunta sa convenience store. "M-Magandang gabi, hija. May bibilhin ka—" "B-Bakante pa po ba-ba ang pagiging part-time c-cashier?" Tumango ang matandang babae. "O-Oo—" "Apply po sana ako!" presinta niya. - CHAPTER III END - Don't forget to vote and add the story in your library! xoxo, MD.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD