IV: WHATEVER WILL BE, WILL BE

3199 Words
KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya. 'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.' Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter. 'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.' 'At kelan ka pa nakonsensiya?' saad ng utak niya. 'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.' 'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.' Pamimilit pa ng utak niya. 'Oo nga 'no?' 'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!' 'Gwapo?' 'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang t***k ng puso kapag malapit siya, e!' Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi: 'Crush mo 'yong Hunter na 'yon, ate?' Napailing na lang siya at nasapo ang noo. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Naomi?" Pumasok si Ms. Sarah sa classroom. "Upo na mga kampon ng demonyo!" Pumuwesto ang guro sa harapan. Nagbukas agad ito ng class record. "Ah, bago ko makalimutan. Hunter?" Tinanaw nito ang binata sa likod. "You are excused." Itinaas nito ang papel mula sa Supreme Student Council. "May practice kayo para sa Valentine's Day Activity?" "Ay iba!" Tinapunan ni Austin ng balat ng candy si Hunter. "Excuse sa mga assignments ang loko!" "Haha!" tawa ni Hunter sabay tapik sa pisngi ni Austin. "Kung kasing gwapo ko ikaw, kasama sana tayo." "P*k you!" Sinundan ni Naomi ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng classroom. Itinuon na lang niya uli ang atensiyon sa blackboard nang magsimula na si Ms. Sarah sa klase. Nang mag-recess at matapos kainin ang early lunch niya, napagdesisyunang mag-aral ni Naomi ng El Filibusterismo. Parang nakabitin 'ata ang grado niya dahil sa dalawampung tanong kahapon sa quiz nila, apat lang ang nasagutan niya nang tama. Okay naman ang marka niya sa English at Physics pero ba't ganoon? Sa sariling wika na panuntunin, kulelat siya? 'Ang lalalim ba naman kasi ng tagalog ni Rizal?' Lumapit siya sa librarian at nagtanong kung saan makikita ang mga gawa ni Rizal. Baka sakaling may simpleng edition ang El Fili na mabilis lang niya maintindihan. 'Bakit hindi ka na lang mahimbing na sumakabilang-buhay, Rizal? Ba't ang hilig mong pahirapan ang mga kabataan na tulad ko. Paano kami nito maging pag-asa ng bayan kung hindi kami ga-graduate dahil bagsak sa subject mo.' Nang makakuha ng simplified version ng El Filibusterismo ay umupo siya sa upuan malapit sa bintana. Tumingin siya sa wall clock. 'May 10 mins. pa akong hanapin ang teksto namin mamaya.' Agad niyang isinubsob ang isipan sa libro.. Sa basketball court, abala ang ilang miyembro ng Student Council sa pag-aayos sa interior nang improvised na simbahan para sa wedding booth. Habang nagmamando si Zaina kung saan ang mga lalake pupwesto at maglalakad, nakatuon naman ang atensiyon ni Hunter sa bintana ng ikalawang palapag ng school building. It's Naomi scratching her head and biting her fingernails. Her forehead is also in knots, engrossed on whatever she's reading. Parang nahihirapan ito sa hitsura pa lang ng mukha nito. His eyes fell on the pink Powerpuff Girls ballpen she's tapping her head with. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. She's girly afterall. "Hunter!" tawag sa kaniya ni Zaina na siyang nagpabalik sa kaniyang huwisyo. "Y-Yeah?" "Nakuha mo ba directions ko?" "Oh... uhm... s-sorry... Ano nga uli 'yon?" "Sabi ko, maghihintay kayo rito sa may altar at hihintayin niyo ang mga brides niyo na papasok sa curtains doon." Tinuro nito ang pintuan ng tent na may naka-arkong kawayan na lalagyan ng mga palamuti mamaya. "Roger!"Nginitian niya ito at bago tumalima ay tiningala uli niya si Naomi sa library. Kinahapunan, napakamot nalang sa ulo si Naomi na lumapit sa nakarapada niyang bisikleta. Hawak niya ang papel na may pulang markang 8/20. Gustong niyang maiyak sa iskor na nakuha kanina sa pagsusulit nila sa Filipino. Hindi pwedeng magpatuloy 'to lalo na't plano niyang kumuha ng scholarship sa Junior High. "Tama na ang pag-torture mo sa amin, Rizal, pwede ba? Matulog ka nalang diyan sa langit. Ba't nag-iwan ka pa ng problema sa aming mga kabataan? Paano kami maging kinabukasan ng bansa nito, ha?!" reklamo niya sa hangin. Tinupi na lang niya ang papel. "Hey!" Bigla siyang kinalabit ni Hunter. Nilingon niya ito. "O-Ow..." "Ano 'iyan?" usisa nito sa hawak niya. Dali-dali niya itong sinilid sa bulsa ng palda. "A-Ah wala, wala... T-Tapos na ensayo niyo?" "Sa Wedding Booth? Kanina pa. Tinulungan ko lang silang mag-decorate kanina." "Ahhh..." Tumango siya. "S-Sige... m-mauna na ako. Susunduin ko pa si Hope sa —" "I could teach you El Filibusterismo." Napalingon siya rito. He smiles widely, his chinky eyes slit. "How's that sound?" "Gano'n na ba talaga kahalata na mahina ako sa Filipino?" "Not really. I just sensed it." Umismid siya. "Malala na pala ako. Nararamdaman mo na kasi." Hinila niya ang bisikletang nakasandal sa poste. "Salamat, pero kaya ko na. Magre-research na lang ako mamaya ng mas pinaka-simplified version ng El Fili sa internet." Naglakad siya na hila-hila ang bike sa tabi. "Come on!" Sumabay si Hunter sa kaniya. He draped his backpack on one of his broad shoulders. "Libre naman. Ayaw mo no'n? Guwapo tutor mo?" Tumaas ang isang kilay ni Naomi na binalingan ito. "What?" He laughed. "Bonus na 'yon!" "Tumigil ka nga." Inirapan niya ito. "Okay, cross out the 'handsome' tutor. Effective tutor na lang." Huminto si Naomi at nilingon uli ito. He winked. "I got consistent perfect scores in El Fili. Top 1 ako sa Noli Me Tangere last year. What else do you want to know?" Yumuko at nag-isip siya. "Hmm..." "So?" Lumapit si Hunter sa kaniya at halatang excited sa sagot niya. "Is that a yes—" "No." Direktang sagot niya at pinagpatuloy ang paglalakad kasama ang bisikleta. Bumagsak ang balikat nito. "Well, I'm here if you need help!!" pahabol na sigaw nito. "AN EFFECTIVE TUTOR!" Ilang segundo'y sumigaw uli. "A HANDSOME TUTOR!" At dumagdag uli. "A HANDSOME, EFFECTIVE TUTOR!" Kumaway na lang siNaomi bilang pagtanggi rito. SA HAPAG-KAINAN, naudlot ang pagsubo ng hapunan ni Naomi nang malakas na pinalo ng ina niya ang isang papel sa ulo niya. "Anong— Mama naman! Kumakain ako!" "Ano 'to, Naomi Ruth?!" Halos idikit nito ang papel sa mukha niya. 'Anak ng—' Muntik na siyang mapamura nang makitang hawak nito ang quiz paper niya. "Saan mo 'yan—" Napapikit siya nang maalalang sinilid niya pala iyon sa bulsa ng palda kanina. Timing pa naman na magwa-washing machine ang mama niya. Nadukot siguro nito iyon sa bulsa. "Ay aba, Naomi Ruth! Ano bang pinaggagawa mo sa kuwarto mo't ito lang nakuha mo, aber?!" Sumubo nalang siya ng pagkain para hindi makasagot. Nagpalipat-lipat ng tingin si Hope kina Naomi at sa ina nila. She turns to her father then sign-languaged to ask, "Ano raw, Papa?" Umiling ang papa nila. "OA lang mama mo, 'nak." "Puro ka na K-Drama kasi!" Piningot ng ginang ang tainga ng panganay nitong anak. "Ito nakukuha mo sa mga Koryanong 'yan! Nilamon ka na ng K-DRAMA, sarili mong wika 'di mo na alam!" She rolled her eyes upward. "Duh! Sino ba ang makakaintindi sa linyang: 'Maaaring sa isang galaw lamang ng daliri o iling ng iginigalang na prayle ay mapulbos sa pagkadurog ang inyong dakilang pagsisikap.'" Sumubo uli niya ng pagkain. "Do bo ong horop?" (Di ba ang hirap?) Tumalsik pa ang kanin palabas ng bibig niya. Uminom siya ng tubig. "Iyong K-Drama kasi may subtitles na English. Hello? 89 kaya grade ko sa English! Yown! Iyon ang dapat mong ika-proud—" Pinagpapalo siya uli nito. "AT! RA! RA! SON! KA! PA! HA!" "Duty na po ako!!!" aniya na umiwas sa palo ng ina at pinisil ang pisngi ni Hope. "Bye, Hope!" "Hoy! Bumalik ka rito!" tawag ng ina niya. "Sayang ang tuition na binabayaran namin kung ganito kaliit mga grades mo!" Habang sinusuot ang sapatos, sumagot siya. "Wag kang OA 'Ma. Walang tuition ang public school—" "Sige, sagot pa, Naomi Ruth! Sagot pa!" Tumayo na siya, pinagpag ang shorts at nilapitan ang bike sa garahe. "Bye, Ma! Mahal kita kahit masungit ka!!!" Ngayong gabi angunang duty niya bilang kahera. Tanging ugong lang ng aircon at pitik ng mga kamay ng orasan ang ingay na maririnig sa loob ng convenience store. Naomi tapped her fingers on the counter, patiently waiting for a customer. 'Kaya siguro wala masyadong customer kasi medyo malakas ang ulan sa labas.' Nilingon niya ang mga tinda sa loob. 'Sana dinala ko na lang 'yong libro ng El Fili para may mapagkakaabalahan ako...' Dahil walang magawa ay lumabas siya sa likod ng counter para ayusin ang mga de lata. Sinimulan niyang i-arrange ang mga ito ayon sa brand at laki. "Hmm... Century Tuna..." Pinagpatong-patong niya ang mga lata. "Holiday Pork 'N Beans... Holiday Corned Beef..." Nasa kalagitnaan na siya nang pag-aayos nang tumunog ang door chime, hudyat na may pumasok na customer. Nasa ibabang shelf siya nang makitang may paa sa likod ng shelf na inaayusan niya. 'May customer?' Tumayo siya at lumibot para salubungin ito. "Good eve—" Napakurap si Hunter sa gulat nang makita siya nito. May hawak itong bote ng Gatorade. He's wearing a green basketball jersey shirt and shorts. His black hair is damp from sweat and rain showers combined— so is his smooth, and tanned skin as well. "N-Naomi?" Napatampal sa noo si Naomi. "Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako?" "H-Huh? Uh no..." He gestured to his reeving white car outside the store. "Dumaan lang ako para bumili ng Gatorade. I just finished a basketball match." Namula ang babae. 'Assuming ka rin ano, girl?' "G-Gano'n ba?" Tumalikod na lang siya para ikubli ang kahihiyan at kakapalan ng mukha. Pumuwesto siya sa may cash register machine. "Iyan l-lang ba bibilhin mo?" Pagtingala ay laking gulat niyang nakatayo na ito sa harap ng booth. "A-Ano?" He grinned. "Bibilhin ko rin sana ang oras mo." Her heart skipped a beat. Mabilis siyang napayuko. "T-Tumigil ka nga." Tumikhim siya. "Iyan lang ba bibilhin mo?" Gusto niyang sapakin ang sarili ng bumiyak ang boses niya. Napakagat-labi siya't nanggigigil na pinagalitan ang tiyan nang tila may mga nagliliparang kung ano sa loob niyon. "You're working here?" tanong nito. "O-Oo..." sagot na lang niya habang kunwari ay nagbibilang ng perang barya sa kaha. "Why?" Binuksan ni Hunter ang hawak na inumin tsaka lumagok. "P-Pandagdag b-baon..." "I see." He turns to look outside. "Parang 'di pa yata huhupa ang ulan." "Oo n-nga, 'eh." Napatingin si Naomi sa mga kamay ni Hunter na nakapulupot sa Gatorade. "Should I wait?" Agad siyang nagtaas ng tingin. "Huh?" "Maghihintay ba ako?" "S-Saan? B-Bakit?" Mabilis na nagtatatalon ang puso niya. "Hindi pa ako ready." Umiling siya. "Ready?" Nagsalubong naman ang mga kilay ni Hunter. "Para saan?" "E-Eh?" Napakurap si Naomi. "A-Ano nga ba ulit pinag-uusapan natin?" Hunter pointed outside where the rain is starting to pour heavily. "The rain. Should I wait 'til it stop or should I go?" "Ahh!!!" Parang timang na tumango si Naomi. "A-Ah... ang ulan pala..." "Bakit?" "Wala..." 'Umayos ka, Naomi! Kalma! Kalma!' "D-Depende sa'yo. M-May kotse ka naman." "Hanggang anong oras ka rito?" "A-Alas diyes." Hunter checked his sports watch. "It's still 8:40PM." He looked at her. "Uuwi muna ako para magbihis. Balikan kita rito." Before she could askwhat he meant by it, Hunter already dashed outside. "H-Huh? Ano raw?"Nakita niyang pinaharurot nito ang kotse paalis. "Balikan?" He did return 10 minutes after. Nagulantang si Naomi nang may binagsak itong mga libro sa counter. "Ano 'to?" "Study materials." The chinky-eyed guy grins. He changed into blue shirt and brown shorts paired with white sneakers. "Study?" "El Fili, right?" He sat on the booth and started flipping through the book. "Sabi ko sa 'yo... 'di ko kailangan ng tulong mo." She sneered. She immediately stood straight when a customer enters the store. "Sino ba'ng may sabi sa 'yong tutulungan kita?" Balik-tanong ng binata na may nanunuksong ngiti. Inis niya itong binalingan. "Buwesit kang Chinito ka! 'Eh ano'ng ginagawa mo rito? Bumaba ka nga riyan sa booth!! Istorbo ka lang sa trabaho ko!" "Nakakapag-concentrate kasi ako 'pag may maraming tao." "Heh! Weirdo mo talaga!" Agad niyang hinarap ang customer na lumapit sa counter. Tumawa lang ito. "Seryoso nga ako. Promise, I'll just sit here... and... study. Quietly study." "Bahala ka sa buhay mo." Tinapunan lang niya ito ng masamang tingin bago inasikaso ang customer na lumapit sa counter. Hunter bit his lower lip as he starts reading. Masaya itong natitimpla na ang kiliti ng dalaga. Humikab si Naomi na nakaupo sa stool at palihim na sinilip si Hunter na tahimik ngang nakaupo sa booth at nagbabasa ng libro ng El Filibusterismo. Bumaba ang tingin niya sa ibang version ng mga librong rin ng El Fili na dala nito. She can see neon post-it notes sticking out from the pages. Now that she thinks about it, Hunter's Trigonometry notebook she once possessed is neatly written. Iyong tipong gugustuhin niyang mag-aral kasi parang ang dali lang intindihin tsaka neat pa ng penmanship nito. Isa pa, may mga sariling simplified equations rin itong sinusulat na iba sa tinuturo ng mga guro nila. Sadyang matalino talaga ito na palihim— palihim dahil hindi nito binabara ang mga guro nila sa mga alam nito at 'di rin nakikipagpaligsahan sa unang posisyon sa Top 10 ng klase nila. She didn't mean to listen to rumors but she heard he is also rich being the only son of a Chinese business-oriented family. Sarap ng buhay nito kung gano'n. Hindi naman masasabing mahirap ang pamilya nila Naomi pero may oras na namomroblema rin sila sa pera. Hope's education is pricey since all teachers are licensed to teach kids with special needs. Idagdag pa ang bisyo ng ama niya na sabong ng manok. She sighed. " ... Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y natatamo ng mga may puso lamang." Napalingon siya kay Hunter na nakayuko sa libro. "Ano?" " ... Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y natatamo ng mga may puso lamang." Hunter repeats as he turns to her. "Lalim 'no?" "Oo..." Napangiti na siya. "Lalim ng Tagalog." Umiling ito. "Ibig kong sabihin, malalim ang kahulugan." "Anong ibig sabihin no'n?" "It means... Wisdom is for humans only, but it can only be truly achieved by someone who has a heart." "Di ko pa rin gets." "Ibig sabihin noon, mas lalong magagamit ang pagiging matalino ng isang tao 'pag pinapakinggan rin ang puso." She looks at him in the eyes. "Paano mo 'yon nata-translate nang ganoon ka simple?" He smiled again, making his eyes slits. "Ready ka na bang matuto mula sa akin?" Napailing na lang siya. Na-trap siya nito. "Galing mong mambitag." "I caught your attention." He laughed. She bit her lower lip and looked away. "Oo na." "Tama?" "Oo na!" inis niyang sang-ayon. "So? Wanna learn?" She looks at his notes. "Sige na nga." "Ayan! That's the spirit!" He happily moves closer to her. "I have two books here with my notes... di ako sure if tama ba pagkakaintindi ko pero so far, di pa naman ako nagkakamali...." Ngumiti si Naomi na pinagmaamasdan ang lalakeng patuloy pa rin sa pag-e-explain tungkol sa study methods nito. He's humble... gentle... handsome and— 'Ay naloka ka na,Naomi!' Dinilat na lang niya ang mata para ibalik ang atensiyon sa libro. Hindi namalayan ng dalawa ang paglipas ng oras. Dahil tutok si Hunter sa pagtuturo sa desididong matuto na si Naomi ay walang namagitan sa kanilang pag-uusap na hindi tungkol sa El Fili. Sakto namang iilan lang ang mga customers kaya hindi talaga sila nadidisturbo. Hunter smiled as he turned to the wide-eyed Naomi. "See. That simple." Namangha si Naomi sabay tumango. "A-Anong— Ang dali lang pala!" Kinuha nito ang notes ni Hunter. He can't help but gush over Naomi's innocent reaction after he taught her his ways to understand Rizal's work easily. "I told you." He tapped his pen on her head. "Ba't ngayon ko pa 'to nalaman?" Natatawang pinasadahan ng tingin ni Naomi ang mga kabanata kung saan ito lubos na nahihirapang umintindi. Kitang-kita nga niya kung gaano ito kasaya sa mga bagong natutunan. Glad he made her smile. "Hunter, Hunter! Bukas nang gabi uli, ha!" Nakangiti itong tumitig sa kaniya. "Dito pa rin." He nods. "Sure." And he wants to see that smile more often. He is also looking forward of seeing her again. Nagpatuloy sila sa pag-aaral hanggang sa pumatak ng alas-diyes ang orasan. Sabay nilang sinara ang convenience store at inihatid ang susi sa bahay ng may-ari na nasa likod lang ng tindahan. Nilapitan ni Naomi ang bike at nilabas ang panyo para punasan ang basang upuan niyon. Laking pasalamat niyang tumila na rin ang malakas na ulan. "You sure you won't ride with me?" alok ni Hunter sa sasakyan nito. "Wag na," magalang niyang tanggi. "Hindi naman umuulan na." "Okay..." He nodded. "See you tomorrow? At school?" Tumango siya. "Oo." "And here." Tinuro nito ang convenience store. "At dito rin." She gave a small, shy smile. "Good night." Patalikod itong naglakad palapit sa sasakyan. His gaze still pinned at her. "Good night," sagot rin niya. He went inside his car. Sumakay na rin siya sa bike niya. As she pedaled away, the night breeze was fresh after the rain. Medyo nakalayo-layo na siya sa tindahan ay naramdaman niyang parang may nakasunod sa kaniya. Lumingon siya sa likod. "Sinusundan mo ba ako?" A smiling Hunter peeks out his car window. "Nope... we just happened to have the same route on our way home." He slowly drives to keep up beside her bike. "Might as well on the lookout. Gabi na rin kasi." "Adik ka ba? Walang masamang loob rito!" Binilisan niya ang pag-pedal. Nako! Mahirap na, baka masanay siyang ganito ang trato sa kaniya ni Hunter – parang prinsesa. "This hour of the night? Who knows..." He maneuvered his car with one hand. "Ito ang oras na maraming uuwing lasing." "Weh?" "Yes. It's really dangerous for a young woman like you to—" Napabaling ang tingin nila sa harapan nang may makasalubong silang dalawang lasing na pasuray-suray na naglakad at nagtatawanan. "See?" Hunter looks at her as- a-matter-of-factly. "Oo na!" She rolls her eyes upward. Nang marating ang eskinita papasok sa daanan papunta kina Naomi ay huminto ang dalaga at bumaba sa bike. "Hanggang dito na lang ako." Tumango ito. "Nasa unahan pa amin 'eh." Nagtaka siya. "Huh? Wala nang bahay doon kundi 'yong mansion nila —" "Bo and Adelia Lin?" He finished her sentence. "Oh!" Napasinghap siya. "Lin ka nga pala ano?" "Ouch..." Ngumisi ito. "We've met many times and you just realized I'm Hunter Lin?" "S-Sorry... Sorry... Di ko—" He waves his hand as dismissal. "You go get rest. See you tomorrow." 'Huh? Ayaw 'ata nitong pinag-uusapan ang pamilya niya.' Pero siya rin naman... ayaw rin niya ipakilala ang maingay niyang pamilya. She eventually nodded. "O-oh sige." She pulls her bike down the alley. Nasa kalagitnaan nasiya ng eskenita nang buhayin ni Hunter ang makina ng kotse nito at umalis narin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD