Kabanata 14

1619 Words
SINABI ko kay Keion na susunduin ako ni Taiden at sa susunod na lang kami magkita. Ano naman kaya ang dapat naming pag-usapan? Natatanaw na namin ni Suzie ang gate ng makita kong nasa kabilang kalsada naka park ang sasakyan niya. "Oh my! Nasaan si Sofiya? Sinusundo na siya ni Taiden!" sabi ni Margaux. Asa pa kayo. Ako ang sinusundo mga ilusyonada. Ngumuso naman si Suzie ng marinig 'yon. Pero gayong nakita nila si Taiden. Sigurado makakarating ito kay Sofiya. Napapikit ako sa naisip na isang panibagong pangungutya na naman ang maririnig ko bukas. Kahit sa malayo tingnan, makikita mo sa katawan nito na batak ito sa gym. Ilang taon lang ang agwat niya sa akin, pero dahil sa pangangatawan niya nagmumukha siyang modelong malayo ang tanda sa akin. I heard some students giggle. Sino ba naman kasing hindi? Bukod sa nakaw pansin ang sasakyan niyang Jeep Wrangler. At hindi pa nakatulong ang sarili niyang awra at etsura. Umikot ang mga mata ko. Nang makalapit kami ni Suzie ay hinalikan niya ang pisngi ko. Agad namang parang may nabutas sa tiyan ko o ano. Tumitig siya sa akin saglit bago tinapunan ng tingin si Suzie. "Uh... pwedi makisabay? Wala kasing magsusundo sa akin." si Suzie "Sure." sagot niya "Let's go?" tanong niya sa akin at tumango ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko na siya. Nang makasakay na kami sa sasakyan ay natanaw ko sa bintana ang grupo ni Sofiya ngunit wala siya doon. Siguradong isinumbong na nila kay Sofiya ang nasaksihan nila ngayon. Ayoko sanang makita nila 'yong paghalik sa akin ni Taiden pero ayoko din namang pigilan si Taiden. Sasabihin na naman niyang ikinakahiya ko siya. "Tai...Uh.. si Elton nasaan?" tanong ni Suzie. Si Elton kaya ang tinutukoy niya kanina? Tumingin si Taiden sa rear mirror. "Umuwi siya sa probinsya nila. May aasikasuhin, at matatagalan ang balik niya." sabi ni Taiden at nakita kong nalungkot ang mukha ni Suzie. Ano ba talagang kaganapan sa dalawang 'to? Nang maibaba na namin si Suzie ay agad akong dinala sa isang lugar na wala masyadong bahay sa paligid at nagtaka ako doon. "Saan tayo?" tanong ko. Ngumisi siya sa akin at kinuha ang kamay ko at pinaglaruan niya na naman ang mga daliri ko. Siguro para sa kanya, normal na mannerism lang ang ginagawa niya. Pero ang epekto nito sa akin ay sobrang napaka abnormal. "We're here." aniya at bumaba kami sa isang bakanteng lote na natatanaw ang buong siyudad. Namangha ako sa ganda nito, sumama pa ang mga bituin sa langit. Umikot siya sa likod at may kinuha doong basket at...kumot? "Para saan yan?" tanong ko, pero sa halip na sagutin ako ay hinigit niya ko papunta sa bakanteng lote. Inayos niya ang kumot at nilapag doon ang basket. Inilabas niya ang mga pagkain doon. Habang inaayos niya ang lahat ay nakatayo lang ako at nakatitig sa kanya. Hulog na hulog na yata ako sa lalaking 'to. Pinapalitan niya ng mga bagong memorya ang mga inis ko sa kanya noon. "Sit here, Ze." aniya at hinatak ako paupo kaharap niya. Sabay kamot niya sa ulo. "Nana cooked them, not me. Sinubukan ko naman. Pero nasunog ang karne e." pagtatapat niya at natawa ako. Sinubukan niyang magluto para sa...akin? Ang isiping ipagluluto niya 'ko imbis na ako ang magluto para sa kanya dahil anak siya ng amo ko ay nagpapabilis sa t***k ng puso ko. "Okay lang. Salamat." sabi ko. Lumapit siya ng bahagya sa akin at hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Anything for you, Ze" aniya sa gitna ng paghalik niya sa akin at madiin akong tinitigan. Ang mga titig niya, hindi ko kayang tagalan. Para akong...malulunod. "Baka hanapin ako ni Madam." pag-aalala kong sabi. "Wag mo na 'yong isipin. Ako'ng bahala. Let's eat?" yaya niya sa akin. Kumain kami sa dala niyang mga pagkain. Steak with mashed potatoes and asparagus. May dala din siyang wine. First time kong maranasan ang ganito, ang makapag picnic at kasama ko pa ang taong nagpapa abnormal sa t***k ng puso ko. Matapos naming kumain ay siya din mismo ang nag-ayos ng pinagkainan namin. Hanggang sa kumot na lang ang natitira. Nakaupo kami sa kumot habang nakatanaw sa ilaw galing sa siyudad, sabay simoy ng malamig ng hangin. Naramdaman ko ang paglapat ng braso niya sa likod ko at bahagya akong niyakap. His natural body heat made my stomach churn unexpectedly. At mas lalo lang pina-abnormal nito ang t***k ng puso ko. "Nagte-text pa ba kayo ni Keion?" marahang tanong niya habang sa siyudad ang titig niya. Malaya akong napatingin sa gilid ng mukha niya. Ang matangos niyang ilong, ang magandang hubog ng kanyang panga ay mas lalong nagpapa depina sa etsura niya. Hindi nakakasawang tingnan. "Hindi na." pagsisinungaling ko at hindi ko alam kong bakit 'yon ang sinabi ko. Parang ayoko lang sabihin sa kanya dahil pakiramdam ko, parang magagalit siya. "Hmm." aniya "Ikaw lang ang babaeng nagpa ganito sa akin, Ze. Alam mo ba 'yon?" he said and those words made my heart beats faster twice as fast as it could! Nahihirapan na akong huminga, kaya tumikhim ako. "Ewan ko sayo. Malay ko ba." sabi ko at napatingin na din sa ganda ng siyudad. Narinig kong bahagya siyang tumawa kaya napabaling ako sa kanya. "I don't chase women, Ze. It's the other way around." aniya at naiintindihan ko 'yon. Halata naman. "Hindi kaba nahihiya na... ako ang... uh... girlfriend mo?" nahihiya kong sabi. Sa mga fairytale books lang naman nangyayari na magkakagusto sayo ang boss mo. Kumunot ang noo niya. "Why would I?" aniya "Kasi... katulong n'yo lang naman ako. Baka ano pa sabihin ng ibang tao." saad ko. Mas humigpit ang hawak niya sa akin at matiim akong tinitigan. "Don't be afraid to do something just because you're scared of what people are going to say to you. People will judge you, Ze. No matter what. Ang importante ay masaya ka. Masaya ka ba?" tanong niya. Tumango ako dahil totoo 'yon masaya ako pag sa t'wing kasama ko siya kahit pa halo-halo ang ang aking nararamdaman kapag nasa malapit siya. At masaya akong hindi niya jina-judge sa magkaibang katayuan namin sa buhay, na kahit ganito lang ako. "Tell me more about you. Gusto kong malaman lahat tungkol sayo." aniya. Ito ang unang beses na may kuryuso tungkol sa buhay ko. Ni mga kamag-anak ko nga hindi naman nagtatanong. Kahit naman ngayong wala na ako sa lugar namin. Paniguradong hindi naman nila ako hinahanap. Wala silang pakialam. May kung anong humaplos sa puso ko ng sabihin niya 'yon. Na gusto niya pa akong makilala. "Wala namang nakakamangha sa buhay ko. Puro kalungkutan lang 'yon lahat." sabi ko. "Kahit na Ze. Gusto pa din malaman." aniya sa isang baritononong boses at nakita ko ang kuryosudad sa kanyang mga mata. "Namatay si Nanay, kasi nagkasakit siya. At ang tatay ko namang briton ay hindi ko alam kung buhay pa ba o patay na. Nang mamatay si Nanay dinala ako ni Nanay Helen sa inyo kasi taga amin lang din naman siya. Gusto ko kasing makapag-aral ng kolehiyo kaya, 'yon. At malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo. Kita mo, huling taon ko na at malapit na 'kong gum-raduate." sabi ko. "Hmn. Eh ang Tatay mo, alam mo ba ang pangalan niya?" tanong niya. "Oo. John Baker ang pangalan niya. Hindi naman daw sila kasal ni Nanay pero pinagamit pa rin sa akin ni Nanay ang apelyedo ng Tatay ko kasi daw bagay sa pangalan ko." natatawa kong sabi. "John Baker." ulit ni Taiden at narinig ko ang mahinang mura niya. Nagtaka ako doon. "Bakit?" tanong ko ngunit ngumiti lang siya. "Nothing. Uh... kung makikita mo ba ulit ang Tatay mo, sasaya ka ba?" sabi niya Matagal ko ng gusto makita ang Tatay ko. Ang dami kong katanungan sa kanya kung bakit niya kami iniwan. Kung sana hindi niya kami iniwan. Siguro naipagamot namin si Nanay at hindi kami naghirap. At siguro hindi ko kailangang mamasukan bilang katulong. Pero kung hindi nangyari ang lahat ng 'yon ay baka hindi ko nakilala si Taiden. At wala kami ngayon dito. "Oo naman. Gustong-gusto ko siyang makilala. Siya na lang ang pamilya ko kung nabubuhay pa siya ngayon. Wala namang pakialam sa akin 'yong mga relatives ni Nanay eh." lungkot kong sinabi. Sobrang gaan sa pakiramdam na naikwento ko sa ibang tao ang buhay ko. Bukod kay Nanay Helen ay si Taiden lang napagsabihan ko ng lahat ng 'to. "I know you will meet him someday, Ze." aniya at ngumisi ako. "Sana nga." giit ko. "You will. I'm sure of that." aniya at kumunot ang noo ko. Para kasing siguradong sigurado siya. "Paano mo naman nasabi? Baka nga patay na 'yon. Hindi ko nga alam anong etsura niya o nasaan siya." sabi ko at napatulo ang luha dahil sa pangungulila ko sa aking mga magulang. Nilagay niya ang takas ng buhok ko sa aking teynga. "Stop crying, Ze. Pumapangit ka pag umiiyak." biro niyang sabi kaya napatawa ako. "Ang sama mo talaga!" sikmat ko sa kanya at agad niya namang kinuha ang dalawang kamay ko sabay tingin niya sa langit kaya napatingin din ako doon. "See those stars? I swear on each of those stars, that I would never hurt you, Ze." sabi niya saka ibinalik ang titig sa akin. Hindi totoo 'yon. Alam ko sa sarili ko na sa isang relasyon hindi mangyayaring walang sakitan na magaganap. Pero iyon naman daw ang nagpapatibay sa pag-ibig. Ang masaktan. Sana kung masaktan man ako ni Taiden, sana 'yong makakaya ko lang. Seryoso siya ng sinabi niya iyon. Wala akong makitang kasinungalingan sa mga mata niya. "Gawin mo. H'wag mong sabihin." sabi ko at ngumiti siya doon. "Gagawin ko, Ze. Gagawin ko lahat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD