Kabanata 13

1340 Words
LOVE isn't safe. And whoever you love will hurt you. It's part of the human experience. No one is perfect...people make mistakes. The secret is to focus on what they do right and decide what quirks you can live with. Buong gabi kung isinautak ang mga katagang 'yon. Ngayong boyfriend ko na si Taiden, hindi ako mag-eexpect na hindi ako masasaktan. "Anong problema mo?" tanong ko kay Suzie na nakabusangot ang mukha. Ni hindi niya pinansin si Taiden kanina no'ng hinatid ako. Napadaing siya sa iritasyon at hindi talaga maipinta ang mukha niya. "Tinanggihan ako ng lalaking 'yon! Kainis!" iritado niyang sabi. Sino ba'ng tinutukoy niya? "Sino ba ang tinutukoy mo?" tanong ko habang kinakain ang ipinaghandang sandwich ni Taiden para sa akin. Napangiti ako. Ganito pala siya maging boyfriend. "Zella, naiinis ako sobra. Nakakahiya." paiyak-paiyak niyang sabi. Uminom ako ng tubig at binigay sa kanya ang buong atensyon ko. "Bakit nga?" tanong ko at napahilamos siya ng mukha. "Mangyayari na sana e. Kaso may... may dugo." nakatanga na ako sa sinasabi niyang hindi ko pa rin makuha. "Suzie, paikot-ikot ang sagot mo. Linawin mo nga." sabi ko Nangalumbaba siya at lugmok na lugmok ang mukha niya. Mukhang malaki ang problema niya. "Made-devirginezed na sana ako Zella. Kaso dinatnan ako sa kalagitnaan ng pag-aano namin. Yung... alam mo na." kaswal niyang sinabi at napatakip ako sa bibig. Devirginezed?! "Ano?! May boyfriend ka?! Bakit hindi ko alam?!" sikmat kong tanong sa kanya. "Hindi ko siya boyfriend. Hindi pa." aniya "Hindi mo boyfriend, tapos magpapagalaw ka?" gulat kong tanong. Umiling siya. "Hindi naman 'yon ang issue e. Ang issue, umatras siya ng makitang may dugo." aniya "Ano naman ngayon?" naguguluhan kong tanong. "Sabi niya- 'next time na lang Suzie, may dugo'." ginaya niya pa ang boses ng lalaki kaya natawa ako. "Anong klasing t**i meron siya? Iglesia ni kristo?" inis niyang sabi habang hawak-hawak ko na ang tiyan ko sa katatawa. "B-Baka nga gano'n." natatawa kong sabi at sumimangot siya. Sabay pukol sa akin ng isang masamang tingin. "Sige, tawanan mo pa 'ko. Tingnan ko lang kung sayo 'yon mangyari, kung makatawa ka pa ng ganyan." aniya na masama pa rin ang tingin sa akin. Nagpakurap-kurap ako sa sinabi niya. Gagawin din kaya namin ni Taiden ang bagay na 'yon? Pinilig ko ang ulo ko ng ma realized na ang halay halay ng iniisip ko. Kakasagot ko pa naman sa kanya. "Uh... hindi namin gagawin ang bagay na 'yon, Suzie." kaswal kong sabi. Pinanliitan niya ko ng mata na para bang may mali sa sinabi ko. "Namin? Sinong namin ang tinutukoy mo? At wag kang magkakamaling magsinungaling sa'kin Zella. Sinasabi ko sayo." sabi niya at tinuro-turo pa ako. Kailangan ko ng sabihin kay Suzie ang tungkol sa amin ni Taiden. "Sinagot ko na siya." diretsahan kong sinabi at nalaglag ang panga niya doon "Ano?!" aniya at sa lakas no'n ay napabaling ang lahat ng mga estudyante sa mess namin sa canteen. "Suzie, ang boses mo!" sabi ko "Sabi mo sa'kin, sinagot mo na siya? Ni hindi mo nga sinabi sa akin na nililigawan ka niya! Ikaw, nagtatampo na 'ko sayo Zella. Naglilihim ka na sa akin." aniya at ngumuso. "Sorry na, Suzie." pag-aalo ko sa kanya. Ngayon ako naman ang nagtaas ng kilay ng nay maalala. "Eh, ikaw nga hindi ka nagke-kwento sa akin tungkol d'yan sa kung sino man yan. Tapos, ngayon sasabihin mo muntik ka na sanang ma devirginized?Nagtatampo din ako sayo." sabay halukipkip ko. "Uh.. e... kasi iba yong sa amin. Kumplikado, kaya hindi na 'ko nagkwento." aniya "At sa amin hindi? Natatakot ako Suzie. Wala pang may alam tungkol sa amin, bukod sayo. Ewan ko lang do'n sa mga kaibigan niya." sabi ko "Okay lang yan, Zella. Basta masaya ka, okay lang yan kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao." si Suzie Hindi nga naman importante kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Ang importante ay masaya ako sa ginagawa 'ko at hindi nakakaapak ng iba. Naputol kami sa pag-usap ni Suzie ng may pinagkaguluhan ang mga estudyante. "Anong meron?" tanong ni Suzie sa kaklase namin na galing yata sa nagkukumpulan na mga estudyante. "May lalaki sa labas hinahanap ka, Zella! May dalang maraming-maraming bulaklak." kinutuban agad ako at naalala ang napakaraming bulaklak na bigay sa akin ni Taiden kahapon. Andito siya? Baka malaman ito ni Sofiya! Pag-iinitan na naman ako no'n. Nagmadali kami ni Suzie para puntahan ang nasabing lalaki. Dumaan kami sa gitna ng dagat na mga estudyante. At nang makarating kami sa gate ay natanaw ko ang lalaki. Kumaway siya sa akin ng makita ako at sobrang laki ng ngisi niya at nagtawanan ang mga estudyante. Bahagya kaming naglakad ni Suzie sa kanya at hinatak ko siya kung saan wala masyadong nakakakita sa amin. "Anjo?! Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko. Napakamot siya sa ulo. "Uh... day off ko ngayon Zella beyb... at pinayohan ako ni Sofiya na... gusto mo daw ang sinusurpresa sa school, kaya... ito." aniya sabay abot sa akin ng bulaklak. Tatlong rosas ang dala niya. Ang ibig sabihin ng kaklase namin kanina ay ang damit niyang may maraming prints na bulaklak. Sumusobra na talaga ang Sofiya'ng 'yon. Ginagawa niyang tanga si Anjo. Porket ang bilis papaniwalain nitong si Anjo. Nagpupuyos ako sa galit pero hindi ko iyon ipinakita kay Anjo. Hindi naman niya kasalanan. Nanliligaw siya sa akin, kaya ano mang payo ni Sofiya ay pinapaniwalaan agad. Siguro dapat ko na ding sabihin kay Anjo ang tungkol sa amin ni Taiden para matigil na siya. Naaawa na din ako sa kanya. "At naniwala ka naman kay Sofiya?" si Suzie. "Bakit, ayaw mo ba sa surpresa ko Zella?" tanong ni Anjo. Nagpakurapkurap ako. Gusto kong ma surprise dahil hindi ko pa naranasan 'yon. Kahapon pa lang, pero galing sa partikukar na taong gusto ko. "G-Gusto. Pero hindi 'yong ganito Anjo." paliwanag ko. "Eh paano ba? Sabihin mo Zella at gagawin ko." aniya Umiling ako." H'wag mo na 'tong gagawin ulit, Anjo. Magkita tayo mamaya. Mag-uusap tayo." sabi ko at lumiwanag ang mukha niya na parang nabuhayan sa sinabi ko. Naiinis na akong marinig ang tawanan ng mga estudyante dahil sa pagpunta ni Anjo. Kinukutya nila ang etsura niya at doon ako naiinis, hindi dahil pumunta siya dito. Bakit kaya may ganitong mga tao na pinagtatawanan ang etsura ng iba na hindi angkop sa paningin nila? Hindi na nila nirespeto ang tao. Bumabase ba dapat sa etsura ang pagbibigay ng respeto? Di'ba hindi? Nagtatawanan ang lahat pagpasok namin ni Suzie sa classroom at agad kong hinawakan ang kamay niya dahil alam kong pagsasabihan niya na naman ang mga ito. Ayoko ng gulo. "Yun pala ang manliligaw mo, Zella? Infairness, he looks like a walking tablecloth." sabi ng kaklase namin at hindi ko iyon pinansin. Sa halip ay umupo na kami sa aming upuan. "Hardinero 'yon nila Sofiya. Bagay na bagay sila di'ba guys? Hardinero ft. Muchacha." sabi ni Margaux sa mga kaklase namin. Masyado nila akong sinanay sa ganitong pangmamaliit nila sa akin, kung kaya't wala na akong maramdaman. Narinig ko ang pagtawa ni Sofiya. "Ang uto-u***g 'yon! Talagang ginawa ang sinabi ko!" at tumawa siya ng malakas "hayaan mo Zella, masu-surprise ka pa din sa susunod." Gustong gusto ko na siyang sugurin at awayin dahil sa ginawa niyang pamamahiya kay Anjo. Pero ayoko ng gulo. Ayokong umabot ito kay Madam. Ayokong ma disappoint si Madam sa akin dahil sa nakipag-away ako. Kaya magtitimpi ako. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili na nagbabadya ng sumabog. Habang abala silang pag-usapan ang tungkol kanina ay biglang tumunog ang cellphone ko. Keion: 'Ano oras matatapos ang klasi mo? Pwedi ba tayong mag-usap?' Kumunot ang noo ko dahil akala ko si Taiden ang nag text, at ano namang pag-uusapan namin ni Keion? Magtitipa na sana ako ng reply ng may pumasok na isang mensahe ulit. Taiden: 'I'll pick you up later, Ze. I miss you.' And that's it. Lahat ng inis at galit ko kay Sofiya na ngayon-ngayon lang ay para na akong sasabog ay biglang naglaho. He's like my sunshine in every typhoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD