Parating pa lamang ang kotse ni Drewner sa bahay nila ay tanaw na niya ang itim na kotse ni Lucy na nakaparada sa tapat mismo ng gate ng bahay. Kaya pagdating nila ay napilitan siyang iparada na lamang sa tabi ng gate ang kotse niya at bumaba na lamang sila para pumasok sa gate. At pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay ay agad na sinalubong sila ng galit na mukha ng babae. "Saan kayo nanggaling? Bakit ang aga-aga ay umalis na kaagad kayo?" mabilos na tanong ni Lucy habang hindi ma-drawing ang mukha nito sa pagkakasimangot. Ibubuka pa nga lang niya ang kanyang bibig para sumagot ngunit naunahan na siya ng muling pagsasalita ng babae. "Saan kayo galing? Bakit ayaw mong sumagot, Drewner?" "Galing kami sa house ni Titq Danielle. Balak pakiusapan ni Daddy si Tita Danielle na bumalik rito sa

