Papasok pa lamang sina Drewner at Lucy sa loob ng Chinese restaurant kung saan naroon din sina Danielle at ang kaibigan niyang si Anton at katatapos pa lamang nilang kumain ng kanilang lunch. Kadarating pa lamang ni Anton galing sa States at si Danielle ang sumundo sa kanya sa airport. Dumating si Anton sa Pilipinas para isakatuparan ang plano niyang pagbawi sa kumpanya ng kanyang ama na inagaw ng mag-amang Lucy at Leo. Pagkagaling sa airport ay dumiretso sila Danielle at Anton sa restaurant na kinaroroonan nila ngayon para mag-lunch. At talagang pinagtitiyap ng pagkakataon dahil muling pinagtagpo ng tadhana ang mga landas nilang tatlo. Kunwari ay hindi napansin ni Danielle ng pagpasok ng dalawa sa loob ng restaurant. Natitiyak niya na makikita sila nina Drewner at Lucy dahil iliibot

