Tahimik lamang si Danielle habang sakay siya ng kotse ni Anton. Papunta sila sa bahay niya dahil gustong makita ng binata si Dhalia kaya sa halip na dumiretso sila sa hotel kung na pag-aari nito at kung saan ito nakatira kapag nasa Pilipinas ay sa bahay niya sila nagtungo. Hindi maiwasan ni Danielle ang mapahugot ng malalim na buntong-hininga. Hindi niya inaasahan na makikita sina Drewner at Lucy sa lugar na iyon. Kung alam lang niya na magku-krus ang kanilang mga lands ay hindi na sana sila sa restaurant na iyon kumain. Natitiyak ni Danielle na kaya siya nais na makausap ni Drewner ay dahil bigla na lamang siyang umalis sa bahay nito nang hindi nagpapaalam sa kanya. Ngunit bakit pa siya magpapaalam kay Drewner? Alam naman niyang matagal na siyang nais nitong palayasin sa bahay nito. Kun

