"What? Totoo ba ang sinasabi mo na nalulugi na ang kompanya na pinaghirapan nating agawin mula sa mga kamay ni Tito Fred?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Lucy sa kanyang ama. Pag-uwi ng kanyang ama galing sa casino ay agad nitong ibinalita sa kanya ang masamang balita na iyon. "I'm sorry, Lucy. Nagamit ko ang funds ng kompanya kaya nagkanda letse-letse ang lahat. Papatayin kasi ako ng taong pinagkakautangan ko ng malaki kung hindi ko siya mababayaran sa napakalaking pagkakautang ko sa kanya," nalulumong napaupo sa couch ang kanyang ama. "Sinabi ko na sa'yo na tumigil ka na sa pagsusugal pero hindi ka huminto. Ipinagpatuloy mo pa rin ang bisyo mong iyan, Dad. Saan na tayo pupulutin ngayon? Sa kangkungan? Ayokong bumalik sa pagiging mahirap, Dad! Narinig mo?" umaalon sa galit ang di

