Chapter 6.6

1145 Words
Nagising si Daniela na nasa loob ng isang sasakyan at nakatali ang kanyang mga kamay at paa. May busal na tela ang kanyang bibig kaya hindi siya makasigaw ng malakas. Ang anak ko! Nasaan na si Denise?" Nag-aalalang tanong niya sa kanyang isip nang mapansin na hindi niya kasama ang kanyang isang taong gulang na anak. Ano ba ang kailangan nila sa amin? Bakit nila kami kinidnap? Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang umuusok ang likuran ng kotse. Mayamaya ay hindi lamang usok ang nakita niya kundi apoy. Apoy na mabilis na kumakalat patungo sa kanya. Oh God, they are going to burn me alive! Pinilit niyang makawala sa pagkakatali ang kanyang mga kamay. Ilang saglit pa ay nakawala ang kanyang mga kamay sa pagkakatali. Agad niyang inalis ang busal sa kanyang bibig para makahingi siya ng tulong. "Help! Somebody help me!' malakas niyang sigaw. Ngunit kahit gaano pa kalakas ang ginagawa niyang pagsigaw ay walang taong nakakarinig sa boses niya. Naisip niyang huwag nang maghintay ng mga taong tutulong sa kanya dahil kung maghihintay lamang siya at hindi siya gagawa ng paraan ay tiyak na mamamatay siya sa loob ng sasakyang iyon. Kinalas muna niya ang tali ng kanyang mga paa bago malakas na tinadyakan ang salamin ng kotse. Matibay ang salamin ng kotse kaya hindi agad iyon nabasag sa unang subok niyang pagtadyak. Inihit na siya ng ubo dahil pumapasok na sa loob ng sasakyan ang makapal na usok. At ialng saglit na lamang ay mapupunta na sa side niya ang apoy. At hindi rin magtatagal ay sasabog na ang kotse. Magiging abo siya kasama ang kotse. "Help! Somebody help me!" halos maputol na ang litid niya sa lakas ng kanyang pagsigaw habang binabayo niya ang salamin ng kotse. Napaiyak na siya sa sobrang takot. Ramdam na ramdam niya ang init sa loob ng kotse. Basang-basa na ang damit niya sa sobrang pawis at tila nagsisikip na ang kanyang dibdib. Hindi na siya makahinga at halos wala na siyang nakikita dahil sa kapal ng usok. Bigla niyang naisip ang mga anak niya na maiiwan niy sakaling mamatay siya ngayon. At hindi pa niya alam kung ano ang nangyari kay Denise at kung nasaan ba ito. Sa pagkakaalala niya sa kanyang kambal ay biglang lumakas ang kanyang loob. Inipon niya ang lahat ng kanyang natitirang lakas bago ubod-lakas na na tinadyakan niya ang bintana. Ganoon na lamang ang tuwa niya nang biglang nagkaroon ng crack ang salamin. Sinamantala niya ang pagkakaroon ng crack ng salamin at pinagbabayo niya iyon ng malakas hanggang sa tuluyan iyong nabasag. Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagmamadali na siyang bumaba ng sasakyan. Ngunit nakakaisang hakbang pa lamang siya nang biglag sumabog ang kotse. Ramdam niya ang pagtama ng isang bagay sa kanyang katawan at ang pagtilapon niya patungo sa kung saan. Sa pinaghalo-halong takot at sakit na kanyang natamo ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. NAGISING si Daniela sa loob ng isang silid na puro puting kulay lamang ang kanyang nakikita. Mabigat ang kanyang mukha na tila ba may nakadikit na kung anong bagay. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Ito ba ang langit? Dagling nabura sa isip niya ang ideya na patay na siya nang biglang may pumasok na babaeng nakaputi sa kinaroroonan niya. "Hello. How are you? Are you feeling better now?" tanong nito sa kanya. "Where I am?" agad niyang tanong sa babae sa halip na sagutin ang mga tanong nito. Naisip niyang nurse ito base na rin sa uniform nitong suot. "You're inside the hospital. Doctor Iris was the one who brought you here," nakangiting sagot nito sa kanya. "Where is my baby?" bigla niyang naalala ang kanyang anak. Kinabahan siya nang maalala na hindi nga pala niya nakita ang kanyang anak nang magising siya sa loob ng kotse. "Dr. Iris only brought you here alone," nakakunot ang noong saad nito. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang magandang babae. Ngumiti ito sa kanya nang makita nitong gising na siya. "Hello. How are you? Are you feeling better?" nakangiting tanong nito sa kanya. "Ikaw si Dr. Iris? Ikaw ang taong nagligtas sa akin?" tanong niya rito. Naisip niyang Pilipino rin ito na katulad niya dahil sa Asian features nito. "Pilipino ka rin pala?" natutuwang bulalas nito. Sinenyasan nito ang nurse na lumabas na muna na agad namang sinunod ng nurse. "Oo. Pilipino rin ako," mabilis niyang sagot. "Maraming salamat pala sa pagliligtas mo sa buhay ko, Iris. Utang ko sa iyo ang buhay ko." "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa'yo pero pasalamat na lang tayo at nakaligtas ka. Mabuti n lag at napadaan ako sa lugar na pinangyarihan ng aksidente kaya nailigtas kita." Dumilim ang mukha niya nang maalala ang nangyari. "Ang pangalan ko ay Daniela Alacosta, Iris. At hindi ako naaksidente. Kinidnap ako kasamang anak ko. Nanlaban ako sa loob ng van kaya sinikmuraan ako ng isa sa mga kidnapper kaya nawalan ako ng malay. Paggising ko ay nasa loob na ako ng nasusunog na kotse at nakatali ang aking mga kamay at paa." "Ang sama naman nila para gawin ang hindi makataong ginawa sa'yo," bulalas ni Iris matapos marinig ang kanyang kuwento. Mayamaya ay biglang umilap ang mga mata nito na tila may nais sabihin sa kanya ngunit nag-aalilangan kung itutuloy ba ang sasabihin nito o hindi. Sa huli ay nagpasya itong sabihin sa kanya ang totoo. " Huwag kang mabibigla, Daniela. May sasabihin ako tungkol sa anak mo." Bigla siyang kinabahan nang makita ang seryosong mukha ni Iris lalo pa nang mabanggit nito ang tungkol sa kanyang anak. "A-ano ang tungkol sa anak ko?" kinakabahang tanong niya. "Wala na ang anak mo, Daniela. Kasamang nasunog ng kotse ang katawan ng anak mo," nahihirapan ang boses na balita nito sa kanya. "H-hindi. H-hindi totoo 'yan. Buhay pa ang anak ko. Hindi ko naman siya nakita sa loob ng kotse nang magmulat ako ng mga mata. Kaya paano mo nasabi na kasamang nasunog ng kotse ang katawan ng anak?" nanginginig ang boses na tanong niya rito. Sana ay hindi totoo ang ibinalita sa kanya ni Iris. Hindi niya matatanggap kung totoo nga na patay na ang anak niya. "Hindi ko alam, Daniela. Basta may sunog na katawan ng isang bata na natagpuan ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente," malungkot ang boses na wika nito. "Hindi! Hindi totoo 'yan!!" sigaw niya. Nagwala siya at pilit na bumangon sa kinahihigaang hospital bed. Gusto niyang puntahan ang katawan ng kanyang anak upang masiguro na ito nga si Denise. Ngunit hindi siya hinayaan ni Iris na makatayo dahil hindi pa raw siya magaling. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang habang yakap-yakap siya ni Iris. Bakit? Bakit nangyari ito sa kanya? Wala naman siyang kaaway para ipakidnap siya at ipapatay. Sino? Sino ang taong nasa likuran ng nangyaring ito sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD