6 years later... Hindi pa nakakalapag ang eroplanong sinasakyan ni Danielle sa Ninoy Aquino International Airport ay labis na ang kaba sa kanyang dibdib. It's been seven years nang huling tumapak siya sa bansa. Marami na ang nagbago sa kanya. Pangalan, pananamit at mukha. Hindi niya alam kung makikilala pa siya ng mga magulang niya. Seven years ago ay nasira ang mukha niya noong kinidnap siya kasama ang isa sa kanyang kambal na si Denise. Nasira ang mukha niya dahil sa pagsabog ng sasakyan. Nasunog ang kalahati ng mukha niya ngunit masuwerteng nakaligtas siya. Samantalang ang anak naman niya ay hindi nakaligtas sa nangyari. Kaya namang ibalik ng kaibigan niyang doktor ang kanyang dating mukha ngunit dahil isa itong magaling na plastic surgeon ngunit mas pinili niyang huwag maibalik sa da

