"Mommy!" sabay na tawag ng magkambal na sina Dhalia at Dani sa kanilang ina. Tumakbo sila at yumakap kay Daniela. "Mommy, gustong kunin ng evil witch si Lolo," umiiyak na sumbong ni Dhalia sa kanyang ina. Ngumiti si Daniela sa kanyang anak at marahang pinahid ang luha sa mga mata nito. "Huwag kang mag-alala, Anak. Mommy is here. Hindi ko hahayaang kunin sa atin ng evil witch ang Lolo ninyo." "Hindi. Hindi ito totoo. Patay ka na, Daniela. Matagal ka nang patay kaya hindi maaaring ikaw ang pinsan ko," napapailing na wika ni Lucy. Hindi pa rin nito mapaniwalaan ang nakikita ng mga mata nito. "At paano ka naman nakakasigurado na namatay nga ako, Lucy? Na hindi ako ang pinsan mo? Gusto mo bang magpa-DNA test pa tayo para makasigurado ka na magkadugo tayo?" naghahamon ang tono ng boses na wi

