Pagkatapos ng pagkakabunyag ng tunay na pagkatao ni Daniela ay bumalik na silang mag-ama sa dati nilang bahay kasama ang kambal niyang mga anak. Kay Daniela na tumira si Dani at pasalamat siya na hindi nanggugulo si Drewner. Ngunit batid niyang hindi ito habambuhay na mananahimik. Siyempre, gusto rin nitong makasama ang dalawa nitong mga anak kaya ngayon pa lang ay inihahanda na niya ang kanyang sarili sa mga hakbang na posibleng gagawin ni Drewner kapag pinilit nitong kuhanin sa kanya ang mga bata. Inihahanda na rin niya ang kanyang sarili sa posibleng gawin ni Lucy at Leo na paghihiganti sa kanya dahil sa ginawa niyang panloloko sa kanila para lamang mabawi sa kanila ang mga kinamkam nilang yaman. Kilala niya si Lucy. Hindi ito papayag na hindi ito makaganti sa kanya. "Daniela, nasa lab

