Nalibang sa pagkukuwentuhan ang magkapatid na matagal nawalay sa isa't isa. Ikinuwento naman ni Danielle kay Adela ang lahatng mga nangyari sa kanya magmula nang umalis siya patungong ibang bansa. Naikuwento na niya rito ang ibang mga nangyari sa kanya ngunit inulit niya dahil pahapyaw lamang ang ginawa niyang pagkukuwento sa matanda noon ngunit ngayon ay buo na niyang naikuwento ang lahat ng mga nangyari sa kanya. Ang lahat ng mga paghihirap na pinagdaanan niya para lamang mailigtas niya ang kanyang sarili. Mahaba ng kanilang napagkuwentuhan kaya hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Nagulat na lamang siya nang makitang madilim na pala sa labas ng bahay nila. Ayaw pa sana niyang putulin ang masayang kuwentuhan ng kambal niya ngunit kailangan na nilang bumalik sa bahay ni Drewner dah

