Nang mga sumunod na araw ay iniwasan ni Danielle si Drewner na makasalubong man lang. Pilit niyang kinalimutan ang kung ano mang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Para sa kanya ay walang ibig sabihin iyon. Dala lamang ng init ng katawan at kalasingan kaya dapat lamang na kalimutan. Ngunit kung iniisip niya ay maiiwasan niya ng matagal ang lalaki ay nagkakamali siya dahil sinadya nitong pasukin siya sa kanyang kuwarto pagkatapos niyang patulugin si Dani sa kuwarto nito. "Ano ang ginagawa mo rito, Mr. Ramsel? Puwede bang lumabas ka na at baka may makakita pang iba sa'yo rito?" inis niyang sita rito. Hindi pa tulog ang ibang mga tao sa bahay na iyon kaya nag-aalala siyang may nakakita sa ginawang pagpasok ni Drewner sa loob ng kanyang kuwarto. "Mag-usap tayo, Danielle. Gusto kong pag-usapa

