Kabanata 10

4075 Words
Ilang linggo na ang lumipas at dumating na ang araw na pinakahihintay ni Raven, ang kan’yang graduation. Sa paglipas ng mga araw ay ginugol niya ang kan’yang oras sa kan’yang pag-aaral at humabol sa mga nalampasan niyang mga activities. “Congratulations, my princess. I’m very proud of you.” “Thank you, Kuya Kian.” Niyakap ni Raven ang kan’yang kapatid at tinanggap ang isang bungkos ng bulaklak mula rito. Pati ang ilang tauhan sa mansyon ay binabati siya. “Helius, nakahanda na ang sasakyan mo. Puwede na kayong umalis,” anang ng isang tauhan. “Sige,” sagot ni Kian. “Let’s go, Raven. Hindi naman puwedeng ma-late ang valedictorian namin.” “Hindi pa rin ba siya uuwi?” “Huwag mo na lang isipin ang isang ‘yon. May importante siyang inaasikaso.” Tipid na ngumiti si Raven bago sumunod sa kan’yang kapatid palabas ng bahay. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng sasakyan. Magmula nang dinayo sila ng mga Lionel sa mansyon ay nagpaalam naman ang kan’yang asawang si Zane na magpupunta sa kung saan kasama si Don Dominique. Kaya naman ilang linggo na rin niya itong hindi nakikita o nakaka-usap maski sa tawag. Naalala pa ni Raven ang huling naging usapan nila ni Don Dominique kasama ang kan’yang kapatid tungkol sa kanilang inang si Rebecca Fontana. “I need to talk to your wife.” “Why? Are you going to let her get out of this family again?” Napasinghap si Don Domionique. “No. It’s about Rebecca.” “S-Si Mommy?” gulat na tanong ni Raven. “Yes, I need to talk about something important about her.” “Kung tungkol kay Mommy, bakit si Raven lang ang kakausapin mo? I’m also her son,” sabi naman ni Kian. Napabuntong-hininga si Don Dominique at napabuga sa kan’yang tobacco. “Fine. But let’s talk somewhere else.” “Tungkol po ba saan?” tanong ni Raven. “Truth about her disappearance.” “D-Disappearance? Anong ibig mong sabihin? Ibig bang sabihin, buhay pa si Mommy?” Napabuga sa hangin si Don Dominique. “Let’s not talk here. Sa opisina tayo ni Zane mag-usap.” “I’ll come—” “No, d’yan ka lang. Take care of these Lionels,” sabi naman ng Don kay Zane. “B-But—” “This is about these two, not your problem. Just get some information from the Lionels.” Sumunod na sina Raven at Kian kay Don Dominique na tulak-tulak ng wheelchair ni Colt patungo sa opisina ni Zane. Pagka-upo ng magkapatid ay pinaalis na muna ng Don si Colt upang sila lamang tatlo ang mag-usap. “Anong tungkol kay Mommy ang alam niyo, Don Dominique?” kaagad na tanong ni Kian. “Oo nga po. Ang alam po namin ay pagkatapos niyang umalis ng bahay at nawala ay sinabi ni Dad na namatay na raw po siya sa isang aksidente. Pero never po kaming naniwala do’n hanggang ngayon lalo na’t hindi namin nakikita ang kan’yang katawan,” sabi naman ni Raven at humawak nang mahigpit sa braso ng kan’yang kapatid. Natahimik muna ng ilang segundo si Don Dominique at nagbuga ng usok ng tobacco. Tiningnan niya ng mabuti ang magkapatid bago siya napatingin sa kisame. “The moment I met Helius five years ago, I had already thought that he was Rebecca's son. Besides knowing his full name, I’ve seen his birthmark on his neck. Nagpa-imbestiga ako para ma-kompirma ang hinala ko, and it turns out that it's true,” panimula ni Don Dominique. “About my birthmark, anong ibig mong sabihin?” tanong ni Kian. Mapait na napangiti ang Don. “I’ve already seen you when you were young.” “What? Ang ibig mo bang sabihin ay kilala mo ang Mommy namin?” “Yes. We were good friends back then.” Gulat na gulat ang magkapatid sa nalaman nila. Hindi sila makapaniwala sa narinig nila. “Like you, I’ve already held your sister. She was still a little young girl back then.” “A-Ako rin?” tanong ni Raven habang turo ang kan’yang sarili. “Pero anong nangyari? Kay Mommy? Magkaibigan lang ba talaga kayo noon?” “Yes, we are friends. She’s like my older sister. Lumaki kami pareho sa bahay-ampunan. Pareho rin kaming kinupkop ng mayamang pamilya who turns out to be part of a illegal organization which is the mafia. She was adopted by the Mercado family which is not already existing today. And me, being adopted by the Fuentes clan.” “K-Kung gano’n, parte rin ng mafia group si Mommy,” hindi makapaniwalang sambit ni Raven. “Hindi rin nagtagal ‘yon, matapos siyang magpakasal sa isang normal na pamilya at kayo ang naging bunga. Rebecca was very happy and lucky to be loved by someone she really loves.” Sarkastikong natawa si Kian sa narinig. “Happy and lucky? Really? I witnessed how Dad hurt her and yell at her everyday. Nakakarindi at nakakainis. Is that what you call happy and lucky? Palagi kong nakikitang umiiyak si Mommy dahil lang sa kan’ya. She can fight other people, but afraid with Dad.” “I’m not talking about Jackson Fontana.” “A-Ano?” “Just like what I said, I want to talk to both of you about your mother’s disappearance.” “W-Wait, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?” Napabuntong-hininga si Don Dominique bago tumingin ng seryoso sa dalawa. “Rebecca’s with your real father right now. Pinapahanap ko siya dahil may importanteng bagay akong naiwan sa kan’ya.” Pagkatapos ng mga nangyaring rebelasyon noong araw na ‘yon ay matinding pag-iyak lamang ang ginawa ni Raven na kaagad namang dinaluhan ng kan’yang asawa. Samantalang si Kian naman ay bumalik sa dati nilang bahay upang maghalungkat ng kahit na anong impormasyong makita niya. Kinabukasan ng araw ding ‘yon ay nagpaalam ni Zane na sasama ito sa kan’yang ama para sa importanteng trabaho. “What are you thinking right now?” Bumalik sa huwisyo si Raven mula sa malalim na pag-iisip nang marinig niya ang kan’yang kapatid. “Iniisip mo ba ang asawa mong ‘yon? Huwag mo nang isipin ang isang ‘yon. Mas mabuti na ring makalimutan mo siya.” “Ano ka ba, Kuya. Hindi siya ang iniisip ko.” “Ano ngang iniisip mo? Kanina pa ako nagsasalita rito pero kanina pa lutang ‘yang isip mo.” “I-Iniisip ko lang ‘yong speech ko. A-Alam mo naman, baka makalimutan ko dahil sa kaba.” “‘Yon lang ba? Ikaw pa! Kayang-kaya mo ‘yan. Ako ba naman ang kapatid mo kaya siguradong maganda ang kalabasan ng speech mo.” “T-Talaga?” “Oo naman. Kaya mo ‘yan! Susuportahan kita kahit na makalimutan mo ang isang linya ng speech mo o kaya magkautal-utal ka.” “Ikaw talaga, Kuya.” Nang makarating sila sa school ay kaagad na sinalubong si Raven ng kan’yang mga kaibigan. “Nandito na ang ating valedictorian!” sigaw ni Kyla at yumakap sa kan’ya. “Congratulations sa atin.” “Congratulations din.” Napalingon siya sa katabi nitong si Artemis na matamis na nakangiti sa kan’ya. Dinaluhan siya nito ng halik sa pisngi. “Congratulations, girl!” “Congratulations din sa ‘yo.” “Kung hindi lang ako transferee, malamang ako ang valedictorian ng batch natin. Pero nakakabwisit na hindi rin ako kasama sa kahit na anong honors,” reklamo ni Artemis. “Wala tayong magagawa, ilang weeks ka lang nagtagal dito sa school,” sabi naman ni Raven. “Whatever, at least my brother got an award. I’m a proud sister.” Pilit namang ngumiti si Raven, “Nasa’n si Apollo?” “Ewan ko ba sa emo kong kapatid. Baka may kalandian na namang iba. Magmula nang malamang kasal ka na, ‘di na natigil sa panlalandi. My god!” Nagmula nang makilala nila si Zane ay hindi na kailanman siya pinansin ni Apollo maliban na lamang kung tungkol sa school works. Naging malamig ang pakikitutungo nito sa kan’ya at madalas na may ibang kasamang babae. Hindi na siya ‘yong Apollo na nakilala niyang makulit at palangiti. Ang kan’yang kapatid namang si Artemis ang pumalit sa kan’ya. Naging magaan din ang loob ni Raven sa kan’ya sa kabila ng mga pagbabanta nito. Para kay Raven ay para lamang biro ang mga pagbabanta nito. Hindi na rin iba ang pakikitungo niya rito, hindi kagaya nang una nilang pagkikita. Pero nanatili pa rin siyang alerto tungo sa mga ito at pinapalalahanan siya palagi ng kan’yang kapatid na mag-ingat sa kambal ng mga Donato. “Nasa’n nga pala mga parents niyo?” tanong ni Raven dahil may kagustuhan din siyang makilala ang mga Donato. “Ang tita ko ang makakasama ko sa pagmamartsa. Alam mo naman, nasa ibang bansa pa sila Dad at Mom,” malungkot na sagot ni Kyla. “Well, in our case, our butlers will be the ones who will march with us. Isn’t it great?” sarkastikong sambit ni Artemis. Nagulat naman sila Raven at Kyla sa narinig nila. Ramdam din nila sa tono ng pananalita nito ang pagkadismaya at pagkalungkot. “S-Sorry, natanong ko pa.” “It’s fine. Sanay naman na kami ng kapatid ko d’yan. They don’t really have time for us.” Natahimik na lamang sila dahil nagsimula nang mailang sa pagitan nila. Dismayo rin si Raven sa nais niyang makilala ang kahit na sino sa mga Donato maliban sa magkapatid. “Hey…” Napalingon sila sa likuran nila at nagulat sila nang makita si Apollo. Nakalagay ang kamay nito sa kan’yang leeg habang nakatingin mula sa malayo. “Hey, brother. Kami ba kausap mo?” tanong sa kan’ya ni Artemis. Sinamaan ng tingin ni Apollo ang kan’yang kapatid bago tumingin ng deretso kay Raven. “Puwede ba kitang makausap?” “Huh? S-Sige.” “Teka lang. Dito na kayo mag-usap. Lalayo pa eh,” singit ng Artemis. “Shut up. Gusto ko siyang makausap nang kaming dalawa lang.” Kaagad na tumalikod si Apollo kaya naman sumunod na lamang sa kan’ya si Raven. Samantalang si Kian ay pasimpleng nakamasid sa kapatid lalo na sa magkapatid na Donato. “Apollo…” pagtawag ni Raven pagkatigil nila sa tapat ng isang malaking puno. “Congratulations din pala sa ‘yo. Hindi kasi kita mabati dahil palagi kang may kasamang iba. Napaiwas ng tingin si Apollo. “S-Sorry, Raven. Alam kong naging immature ako this past few weeks. H-Hindi ko lang kasi matanggap na kasal ka na sa iba. You know how much I like you. Hindi ko lang kayang umakto ng normal ulit sa harapan mo pagkatapos ng mga nalaman ko.” “A-Apollo…” “Hindi dapat ako umasta ng gano’n dahil in the first place naman hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa ‘kin. You had rejected me a lot of times pero ako lang talaga itong hindi sumusuko. Am I that weird?” natatawa ngunit nahihiyang sambit ni Apollo. “I’m really sorry. Hindi na sana tayo umabot sa ganito. B-But… w-we’re still friends, right?” Napangiti si Raven at sunod-sunod na napatango. “Of course, we’re still friends. Hindi kailanman nawala ‘yon. Isa ka sa mga importanteng tao sa buhay ko. I may not return your feelings but I will always stay as a great friend to you.” Hindi na napigilan ni Apollo na yakapin nang mahigpit si Raven. “I’m really sorry, babes, my loves. I miss you.” Natawa si Raven at tinapik ang likuran ni Apollo. “Oh my! Ngayon ko lang ulit narinig ‘yan. Grabe ka! Mahigit tatlong linggo mo rin akong iniwasan.” “Sorry na. Nasaktan ako, okay? You don’t know how much I miss you. Lagi kitang iniisip kaya.” “Oo na. Miss na rin kita,” masayang sambit ni Raven. Natigilan sila pareho nang may tumikhim sa may tabi nila kaya naman napahiwalay sila mula sa pagkakayakap. “K-Kuya Kian…” Masama ang tingin ni Kian kay Apollo habang nasa likuran naman niya sina Kyla at Artemis na nagpipigil ng tawa. “Pumila na kayo. Magsisimula na ang processional,” masungit na sabi ni Kian. Napakamot naman sa kan’yang batok si Apollo. “Okay po, Kuya—” “Huwag mo kong tawaging kuya. Hindi kita kaano-ano,” masungit na sambit ni Kian. “Let’s go, Raven.” “S-Sige. Wait lang…” Nauna nang makaalis si Kian kaya naman hindi na napigilan nila Kyla at Artemis ang kanilang tawa. “Napaka-corny mo talaga, Apollo,” komento ni Kyla. “What the hell, brother? I didn’t know na kaya mo palang mag-sorry. You never apologize to me kaya,” sabi naman ni Artemis. “Shut up, you two. Moment namin ‘to kaya umalis na nga kayo!” pagsita ni Apollo. “As if namang matutuloy pa ‘yang moment mo na ‘yan. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Kuya Kian? We’re about to start. Kaya naman, lumayo-layo ka na kay Raven bago ka pa mapatay dahil sa masamang tingin sa ‘yo ni Kuya Kian,” sabi ni Kyla. Nang mapansin nila ang masamang tingin sa kanila ni Kian ay dali-dali na silang gumalaw upang pumila na. “Hey. Don’t forget to be wary around those twins,” paalala ni Kian kay Raven. “I am. But still, they’re my friends.” “They are but don’t trust them too much, Raven. Hindi natin alam kung anong mga nasa isip nila.” Tumango na lamang si Raven bago kumapit sa braso ng kan’yang kapatid dahil magsisimula na ang program nila. “Congratulations again, my princess,” bulong ni Kian sa kapatid na ‘tila nawala kaagad ang kan’yang sumpong. “Thank you, Kuya. This moment is for you, for all your support.” Ngumiti si Kian at hinalikan sa sintido ang kapatid. Sa kabilang dako naman ay malayang nakakamasid ang isang lalaki na naka-puwesto sa isang malaking puno. Tanaw-tanaw nito ang mga kaganapan sa isinasagawang graduation rites. Pero ang kan’yang tingin lamang ay kay Raven na ngayon ay nagbibigay ng kan’yang graduation speech. “Boss, may nakita kaming kahina-hinala,” rinig nang lalaki sa kan’yang suot na earpiece. “Keep an eye on whoever is that.” “Copy, boss.” “Don’t take your eyes off the twins.” Pinagmasdan ng lalaki si Raven na umiiyak na habang patuloy pa rin sa speech nito. “What a crybaby.” “Thank you again for everything, to God Almighty, to my dearest instructors, to our new Dean, to my classmates and batchmates, my friends, and to my family. This achievement will serve as our stepping stone toward our dream. To my fellow graduates, I look forward to hearing about your future achievements and success. Hoping this will not be our last interaction.” Napangiti ang lalaki sa speech ni Raven. Isinilid niya ang kan’yang hawak na baril at nagbabalak na sanang tumalon mula sa puno nang muli siyang natigilan dahil sa pagpapatuloy ng speech. “Before I end this speech, there is actually a person whom I really look forward to seeing again today. It’s been weeks since the last time I saw him. So, I would like to take this opportunity to thank him. Kung nasaan ka man ngayon o kung may balak ka pang magpakita, I just want to say thank you for everything. Thank you for the home, protection, guidance, and hope that you gave me. Kung hindi dahil sa ‘yo, wala siguro ako sa harapan ng mga naririto ngayon. Wherever you are, I hope you are safe. But I know you can handle yourself since you’re strong. This achievement is also for you and will serve as my gratitude.” Tuluyan nang tumalon ang lalaki mula sa puno pagkatapos ng speech ni Raven pero hindi nito mapigilang ngumiti. “Silly, woman…” Napapikit ang lalaki at napasandal sa puno. Pero naging alerto siya nang maramdaman niya ang presensiyang papalapit sa kan’ya. Huhugutin na sana nito ang kan’yang baril pero kaagad niya rin itong ibinalik nang makita niya kung sino ang papalapit sa kan’ya. “Helius…” “You’re really here.” “What are you doing here? Bumalik ka roon. Your sister might look for you.” “Huh? Talaga ba? Eh mukhang ikaw naman ang gusto niyang makita. May pa-speech pa talaga siya para sa ‘yo,” inis na sabi ni Kian. “So what? Don’t tell me, you’re freaking jealous just because of a speech?” Umirap na lamang si Kian bago tumingin sa malayo. “By the way, I saw someone on the roof.” “Yeah. Ilan sa mga tauhan natin ang naroon. I need to check on them.” “No. Stay here, Zane. Or better yet, ikaw ang pumunta sa upuan ko for Raven.” “What? No. I need to take care of that man. May hinala rin ako na may mga kasama siyang iba.” Napabuntong-hininga si Kian. “I can handle this. Medyo nangawit din kamay ko do’n. I need some exercise. Ang dami ko kayang isinabit na medalya kay Raven. Hindi pa ‘ata siya nagtira ng award para sa iba.” “She might get shocked after not showing myself for more than three weeks.” “She will but I know how much she missed you.” Natahimik si Zane pero tatanggi na muli sana siya nang kaagad nang tumakbo si Kian. “We’re wasting too much time. Kailangan ko nang magpunta ro’n sa rooftop. Sabihin mo sa mga tauhan natin to secure the innocent ones. And lastly, protect Raven! I’ll give you permission to stay close to her pero ngayon lang, naiintindihan mo?” paala ni Kian bago tuluyang umalis. “That crazy guy. He always acts like the boss. And why would I need his permission? Raven’s my wife.” Samantala, napansin ni Raven na wala ang kan’yang kapatid sa upuan nito. Hindi niya mapigilang mag-alala kung saan ito nagpunta. Hindi na rin siya nakikinig sa nagsasalita sa harapan at napalinga-linga ito para hanapin si Kian. “Girl, ayos ka lang ba? Namumutla ka. Magsisimula na ang ‘tribute to parents’,” sabi ng katabi ni Raven. “A-Ayos lang ako. May hinahanap lang ako.” Pinagmasdan ni Raven ang hawak niyang sulat na para sa kapatid niya pati na rin ang bulaklak na ibibigay niya. Nakaramdam siya nang kaba dahil sa pagkawala ni Kian pero umaasa siyang babalik ito at nagbanyo lamang. Pero lalo siyang kinabahan nang magsimula na ang tugtog na hudyat para ihanda ang mga ibibigay sa magulang o kasama. Muling sumilip si Raven sa kinauupuan ng kapatid ngunit wala pa rin ito. Napayuko na lamang siya at tinanggap sa sarili na hindi na babalik si Kian. “Raven, girl, lakad na. Ayos ka lang ba talaga?” tanong muli ng katabi niya. “O-Oo, sorry…” Sumunod na lamang si Raven at ginawa ang dapat gawin ayon sa sinusunod nilang program flow. Kailangang magbigay ng kahit na anong regalo sa mga magulang o guardian. Pero sa isip ni Raven ay siya lamang ang hindi makakapagbigay. “Hey…” Natigilan si Raven at hindi niya namalayan na nasa tapat na siya ng kinauupuan ng kapatid niya pero hindi si Kian ang nasa harap niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at hindi inaasahang makita ang hindi niya inaasahang tao. “Are you crying?” Mas lalong naluha si Raven at napayakap sa kaharap niyang si Zane. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya. Nadismaya man siyang hindi ang kapatid niya ang kaharap pero laking pasasalamat pa rin niyang muling makita ang asawa niya. “A-Akala ko…” “Crybaby.” “Y-You’re back…” “I’m sorry, woman. I know you have lots of questions in your mind right now. But let’s make this quick.” Napatango si Raven at hindi napansin na patapos na pala ang kanta dahil sa matagal niyang pagyakap sa asawa niya. Kaya naman inabot niya ang isang tangkay ng kulay kahel na rosas kay Zane at nahihiyang napayuko. “P-Para kay kuya talaga ‘yan pero ikaw ang nandito kaya sa ‘yo ko na lang ibibigay. Hindi siya mahilig sa bulaklak kaya isang tangkay lang ibibigay ko sana.” Napangiti si Zane at tinanggap ang bulaklak. “Thank you. This is lovely. Hindi rin ako mahilig sa bulaklak but I’ll keep this.” Napangiti rin si Raven pero nagulat siya nang hawakan ni Zane ang kan’yang magkabilang pisngi at pinahid ang mga luha nito. “Don’t cry, woman. I’m very proud of you, so please, I don’t wanna see you cry.” Napapikit si Raven nang idinampi ni Zane ang labi nito sa kan’yang noo. Kakaibang pagpintig ng kan’yang puso ang nararamdaman niya. Nakaramdam siya ng ginhawa kahit papaano mula sa pag-aalala sa kapatid niya. “About Helius, he’s just there. Don’t worry about him. He asked me to look after you.” “Gano’n ba? May ibibigay sana ako eh. Pero mamaya na lang siguro.” “Yeah, return now to your seat. And I want to go home already.” “I know. It’s not your type to stay on this kind of occasion. Be patient na lang, okay? Then we’ll go home. Huwag kang magbabalak umalis. You’re now my parent, so stay put.” “I’m your husband, not your f*cking parent.” Namula si Raven sa sinabi ng kan’yang asawa. Bigla siyang nahiya dahil sa lakas ng pananalita ni Zane kaya maaaring marami ang nakarinig. “E-Ewan ko sa’yo!” Tumalikod na si Raven at bumalik sa kan’yang kinauupuan. Hindi nga siya nagkamaling may mga nakarinig dahil sa samu’t saring pang-aasar ng mga katabi niya. Kaya naman hindi niya mapigilang samaan ng tingin si Zane na ngumisi lang sa kan’ya. Samantalang si Kian naman ay kasalukuyang iginagapos ang mga nahuli niyang nakamasid at nagbabalak ng masama sa kan’yang kapatid. May nahuli siyang dalawang sniper ngunit may nakatakas na isa na kasalukuyang pinaghahanap ng ilan sa mga tauhan nila. “Anong kailangan niyo sa kapatid ko? Bakit siya ang pinupuntirya niyong mga hayop kayo?!” galit na galit na tanong ni Kian sa nahuli niyang sniper. Sarkastikong natawa ang sniper. “Hindi ba halata? Ang kailangan namin sa kapatid mo ay ang buhay niya. Kailangan namin siyang mapatay.” “Ginag*go mo ba ako?! Napakabata pa ng kapatid ko, bakit kailangan niyong patayin?!” “Sumusunod lang kami sa utos. Kung anong dahilan? Malay ba namin kung anong atraso ng kapatid mo sa boss namin.” “Anak ng! Ginag*go mo ba talaga ako?!” Hinila ni Kian ang kuwelyo ng kaharap niya. Ngumisi lamang ang sniper, samantalang ang kasama pa nitong isang sniper ay wala nang malay. “Kahit huliin niyo pa ako o patayin, wala na kayong magagawa dahil isasama ko kayong lahat sa impyerno.” “Anong ibig mong sabihin?” Hindi na ito sumagot at napahalakhak ng malakas na lalong ikina-inis ni Kian. Susuntukin na sana niya ito nang may magsalita sa suot niyang earpiece. “Helius! May problema tayo!” “Ano ‘yon?” kunot-nong tanong ni Kian at masamang napatingin sa sniper dahil sa paglakas ng paghalakhak nito. “M-May bomba!” “A-Ano?” “May na-locate kaming bomba dito sa isa sa mga classroom. Nahuli na rin namin ang nakatakas na isa pang sniper at nagbigay impormasyon siya. Ayon sa kan’ya ay may tatlong bombang naka-planta sa iba’t ibang lokasyon ng paaralan,” sabi ng tauhan. “Kung gano’n, hanapin niyo na ang dalawa pa. You know how to defuse them.” “Areglado.” Inis na bumaling si Kian sa sniper na malakas pa rin ang pagtawa. Hindi na niya napigilang sapakin ito sa mukha pero wala pa ring pinagbago sa reaksyon nito. “Anong nakakatawa?! Tumigil ka na!” sigaw ni Kian. “Nakakatawa naman kayo. Sino naman nagsabing tatlo lamang ang bombang naka-planta?” sarkastikong tanong ng sniper. “Ano?” “Sa loob ng ilang segundo ay sasabog na ang isa—” Natigilan ang lahat nang may sumabog na kotse sa may parking lot. Hindi pa ito natapos nang may magkakasunod na sumabog mula sa isa sa mga opisina at isa sa mga classroom na siyang nagdulot ng pag-apoy. Natigil ang isinasagawang graduation at nagulantang ang lahat sa mga nangyayari. Mas lalo pang nagdulot ng gulo nang may sunod-sunod na nagpaputok ng baril dahilan para matakot ang karamihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD