Kabanata 9

4344 Words
Tulala at wala sa sariling naglalakad sa pasilyo ng paaralan si Raven. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga nalaman niya mula kay Artemis. Buong araw na ‘yon ang bumabagabag sa kan’yang isip. “Raven!” “Raven, babes! Hintayin mo kami!” Natigilan si Raven at napalingon siya sa mga kaibigan niya. Hindi niya namalayang naiwan niya ang mga ito at nauna na. “Ano bang problema? Kanina ka pa wala sa sarili mo. Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa kan’ya ni Kyla. “Oo nga, babes. Hindi ka rin namamansin mula pa kanina. Wala naman tayong problema, ‘di ba?” tanong naman ni Apollo. Pilit na ngumiti sa kanila si Raven at mahinang tumawa. “Ayos lang ako. Medyo marami lang akong iniisip. Alam niyo na, isang linggo rin akong nawala.” “Gusto mo bang magkape muna, do’n sa tambayan natin?” muling tanong ni Kyla. “Hindi na, ayaw ko na rin muna ng kape ngayon. Balak ko rin kasing magpunta sa model agency ko, kailangan kong kausapin ang manager ko. I’m pretty sure na nag-aalala na ‘yon.” “Kung gano’n, ako na maghahatid sa’yo,” pag-alok naman ni Apollo. “Are you going to leave me behind, my brother? Huwag mo naman sanang kalimutang nandito rin ako.” Napalingon ang tatlo kay Artemis na biglang sumulpot sa likuran nila. May subo itong lollipop sa bunganga habang pinapa-ikot ang buhok sa kan’yang daliri. “Magpasundo ka na lang. Aabalahin mo pa ako sa diskarte ko eh,” inis na saad naman sa kan’ya ni Apollo. “How rude of you, my brother. Mula nang bumalik itong si Raven, hindi mo na ako pinansin buong magdamag. Kapatid mo ko.” “Ano bang problema mo? Ngayon na nga lang ulit kami nagkita at isa pa magkikita pa naman tayo sa bahay.” “Tigilan mo na kasi siya. Ilang beses ka na ngang binusted, sige ka pa rin. Concern lang din ako sa ‘yo. Marami pa namang ibang babae d’yan at marami ring nagkakagusto sa ‘yo. Huwag mo nang paasahin ang sarili mo sa kan’ya.” “Puwede ba, Artemis. Si Raven lang ang gusto ko. At isa pa, ‘wag ka ngang mangi-alam dahil problema ko na ‘yon.” Habang nag-aaway ang magkapatid ay pinagmamasdan sila ni Raven. Kinukuwestiyon niya kung ang dalawa bang kaharap niya ang magdadala sa kan’ya sa kamatayan. Pero alam niyang sila ang posibleng magdulot ng problema lalo sa bago niyang pamilya. Tinalikuran na niya ang mga ito at nauna nang maglakad palabas ng paaralan. Sinundan naman siya ni Kyla na nagmamasid lamang sa mga nangyayari sa paligid niya. “Ayos ka lang ba? Gusto mo bang ako na lang ang maghatid sa ‘yo? O baka naman susunduin ka ni Kuya Kian?” pagtatanong ni Kyla. “Hindi ko alam. Wala namang nasabi si kuya.” “Pero napansin ko lang ah. Parang may something sa inyong dalawa ni Artemis. Iba kasi ang tinginan niyong dalawa eh. Curious lang din ah, pa’no nga pala kayong nagkakilala?” “Nagkasalubong lang kami noong isang araw.” “‘Yon lang?” “Oo. May problema ba?” “May iba talaga sa inyo eh. Ah, ewan ko na nga. Basta ang importante nasa maayos ka nang kalagayan. Sana hindi na ulit mangyari sa ‘yo ‘yon. Sobrang sayang lang din ‘yong mga preparasyon natin sa debut mo.” “Huwag mo nang isipin ‘yon. Ayoko na ring maalala ang mga nangyari ‘nong araw na ‘yon,” saad ni Raven. “Sorry,” sabi ni Kyla. “Pero ano nga bang nangyari sa ‘yo? Nasaan ka nitong mga nakaraang araw. Wala rin akong balita sa kapatid mo. ‘Yong time na nagpunta ako sa bahay niyo, may nakalagay na barricade tape. Ang sabi may nangyari raw barilan.” “A-Ah kasi— Bago pa man may masabi si Raven ay may bumusinang kotse malapit sa kanila. Napalingon sila at nagulat siya nang makita niya si Zane na sakay ng itim na kotse habang nakatingin sa kan’ya. Halos lahat ng estudyante rin ay namamanghang nakatingin doon. “Oh my, Bugatti…” namamangahang bulong naman ni Kyla. Biglang sumulpot sa tabi ni Raven si Artemis kasama ang kapatid nito. “Oh, damn. Look who’s here.” “Kilala mo ba ‘yan?” tanong naman ni Apollo. “Kung gano’n, doon ka na. Ihahatid ko pa si Raven babes ko.” Natawa naman si Artemis at pinisil ang ilong ng kapatid. “I know him but he’s not here for me.” “Oh, eh anong ginagawa niya d’yan? Nagpapasikat ng kotse? Para sabihin ko sa ‘yo, mas maganda at mas maangas naman ang kotse ko sa isang ‘yan,” mayabang na puna ni Apollo at kinindatan pa si Raven. “Para sabihin ko rin sa ‘yo, he’s here for his wife.” Hindi mapigilang pandilatan ng mata ni Raven si Artemis dahil sa madaldal nitong bunganga. Pero ngumisi lang ito sa kan’ya at natawa pa. “Wife? Ba’t dito sa senior high school building? Sa kabila pa naman ‘yong college building. Siguro isa sa mga instructors natin, noh? Tama ba?” inosenteng pagtatanong ni Apollo. “Nope, you’re wrong. What I mean is, that guy is here for Raven.” Biglang lumakas ang pagkabog ng puso ni Raven. Bigla itong nakaramdam ng kaba at inis na din kay Artemis. “Kay Raven? Bakit naman ang kaibigan ko ang pakay niya?” tanong naman ni Kyla. “Oo nga. Mukhang ‘di naman magkakatiwalaan ang lalaking ‘yan. Pa’no mo naman nasabing si Raven babes ang pakay niya?” inis na tanong naman ni Apollo sa kapatid. Napalunok si Raven at nag-iwas ng tingin. “A-Ah guys, m-mag—” “Hey…” Nagulat na lamang si Raven nang nasa harapan na niya si Zane. Walang reaksyon sa mukha nito pero sa mga mata niya lang ito nakatingin. “Z-Zane…” “Let’s go home. Your brother went somewhere else, so he asked me to pick you up. He can’t trust someone else other than me.” “A-Ah—” “Teka nga! Sino ka ba? Anong ginagawa mo rito? Bakit ka pinapasok ng guard? Tsaka anong binabalak mo sa babes ko?” biglang sulpot ni Apollo sa pagitan nila. Kunot-noong napatingin si Zane kay Apollo. “Who the hell are you? You look familiar.” “Ako lang naman ang—” Hinila ni Artemis si Apollo. “Sorry sa abala. Pagpasensiyahan mo na rin itong kapatid ko.” “Ano ba? Hindi mo ba nakikitang nag-uusap kami? Gusto ko pang malaman kung anong masamang binabalak niya kay Raven babes ko,” usal naman ni Apollo. “I’m her husband.” Natigilan at nagulat sila sa sinabi ni Zane. Sobrang bilis din ng t***k ng puso ni Raven at hindi siya mapakali sa mga nangyayari. May ilang estudyante ring nakarinig no’n. “Let’s go, wife. I don’t wanna anger your brother if I don’t bring you home.” Hinawakan ni Zane ang kamay ni Raven bago sila naglakad papunta sa sasakyan. Pinagbuksan siya nito ng sasakyan. Bago pa man tuluyang makapasok si Raven ay lumingon muli siya sa kan’yang mga kaibigan na gulat pa rin ang mga reaksyon maliban kay Artemis na nakangisi lamang. Pero mas nag-aalala siya sa kung anong iniisip ni Kyla at ipinagdadasal na lang niyang hindi ito magtampo o magalit sa kan’ya. “Get in, woman.” Ngumiti si Raven upang ipakita sa mga kaibigang ayos lamang siya bago tuluyang pumasok ng kotse. Nang nakapasok na rin si Zane ay kaagad niya itong kinompronta. Tinted naman ang bintana kaya wala ring nakakakita sa kanila. “Ba’t mo naman sinabi ‘yon sa harap ng mga kaibigan ko? May ibang estudyante ring nakarinig. Ano pang ipapakita kong mukha bukas? Siguradong kakalat ito at maging tsismis. Pag-uusapan ako ng buong campus o kaya baka nga ngayon na ay may mga naka-post na tungkol sa ‘kin,” inis kong saad at pinalo siya sa balikat. “I can’t take back my words, woman. It’s also good to let all of them know about us. I can’t let someone else take advantage of my woman. Especially that guy.” May kung anong pumitik sa puso ni Raven dahil sa kan’yang narinig. “B-But still, you shouldn’t have told anyone about that. Hindi mo alam kung pa’no tumakbo ang isip ng mga tao ngayon. At ngayon pa lang, kailangan ko nang ihanda ang sarili kong mapag-piyestahan ng tsismis sa internet. Cyberbullying is waving at me.” “Don’t worry about it. Someone will take care of it. No one will ever bully you.” “Huh? Anong ibig mong sabihin?” Tipid na ngumiti si Zane. “Fasten your seatbelt.” “T-Teka lang! May—” Natigilan si Raven nang halikan siyang ng asawa niya sa pisngi. Ikinamula ito ng kan’yang buong mukha kasabay nang kakaibang pagkislot ng kan’yang puso. “I-Ikaw! Nakakarami ka na!” “What?” “Nagmamaang-maangan pa. Nakakarami ka na ng halik sa ‘kin!” “So, what? You’re my wife. I can kiss you whenever I want.” “A-Anong— Hoy! Dahan-dahan lang sa pagpapatakbo!” Hindi na natingnan pa ni Raven ang kan’yang mga kaibigan nang pinaandar ng mabilis ni Zane ang kan’yang kotse. “T-Teka nga lang kasi! Ano ba! Hindi pa ako uuwi, may kailangan pa akong puntahan.” Bigla namang bumagal ang takbo ng sasakyan. “Sa’n naman ‘yan? We need to go home, woman.” “Kailangan kong magpunta sa model agency kung saan ako nagtratrabaho. Kailangan kong maka-usap ang manager ko.” “You’re still going to continue your modeling?” “No. Kailangan ko siyang maka-usap dahil napag-desisyunan kong umalis na sa pagmomodelo,” sagot ni Raven habang nakatingin sa labas ng bintana. Tipid na napangiti si Zane at pasimpleng sumulyap sa asawa. “Good decision. I want you to only focus on your studies and being my wife.” “Ano?” Nagpatuloy na lamang sa pagmamaneho si Zane papunta sa agency ng kan’yang asawa. Tahimik lang din si Raven at hindi pa rin maiwasang isipin ang kan’yang mga kaibigan at si Artemis. “We’re here,” sambit ni Zane pagkarating nila sa agency. “Pa’no mo nalaman na dito ako nagtratrabaho?” Nagkibit-balikat lamang si Zane bilang tugon kaya naman napa-irap si Raven bago bumaba ng kotse. “Kahit hintayin mo na lang ako rito. Huwag mo na akong sundan—” Natahimik siya nang makita niyang may kausap na pala sa cellphone si Zane kaya naman tinalikuran na lang niya ito at nagpatuloy na pumasok ng gusali. Gulat na napapalingon sa kan’ya ang karamihan at ‘tila hindi makapaniwalang muli nila siyang makikita. Bigla naman niyang nakita ang assistant ng kan’yang manager kaya naman kaagad niya itong tinawag. “Marie!” “R-Raven? Ikaw ba ‘yan?” “Ako nga. Pasensya na kung ngayon lang ulit ako nagpakita. By the way, nand’yan ba si Natasha?” pagtatanong nito tungkol sa kan’yang manager. “O-Oo, nasa loob na siya. Kinakausap ang ilang bagong talents.” “Kung gano’n, papasok na ako.” “T-Teka lang—” “R-Raven?” Nakilala kaagad ni Raven ang boses ng tumawag sa kan’ya kaya naman kaagad siyang napalingon. “Joaquin…” Tuwang-tuwang niyakap kaagad siya ni Joaquin. “Ikaw nga! Where were you? I’ve been looking for you.” “S-Sorry…” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Raven. “Sa’n ka ba nagpunta? Nakasalubong ko ang kapatid mo no’ng isang araw, and he told me that you’re in a good place and doing fine. But I still can’t help but to worry about your condition. Wala namang nangyaring masama sa ‘yo matapos ang insidente, ‘di ba?” “I-I’m fine, Joaquin. Thank you sa pag-aalala sa ‘kin but I’m really doing fine. Sorry talaga kung hindi ako nagpakita ng ilang araw. It’s for my safety.” “Why? Is there something wrong? Tungkol ba ‘to sa mga dumakip sa ‘yo no’ng debut mo?” “A-Ano kasi—” “Raven, is that you?” May tumawag na naman kay Raven kaya naman lumingon siya rito. Laking tuwa naman niya nang makita ang manager niyang si Natasha. “Manager…” “Oh my gosh! Ikaw nga! Sa’n ka ba nagpupuntang babae ka? Hindi mo alam kung gaano mo kami pinag-alala lahat dito!” pagbungad ni Natasha sa kan’ya bago siya mahigpit na niyakap. “I’m sorry, Nat…” “Kung trip mo lang naman palang mag-bakasyon, dapat sinabi mo sa ‘kin. Para sabay tayong nag-bakasyon. Dapat sabay tayong mag-beauty rest. Kailangan ko ring magpahinga, girl.” “B-Bakasyon? Hindi naman ako—” “I know what happened,” bulong ni Natasha sa kan’ya. “May taong nagpapakalat kasi rito na kaya ka raw nawala dahil nakipagtanan ka na raw. Kaya pretend na lang na you just came from a long vacation.” “H-Huh? Eh—” Lumayo na sa kan’ya si Natasha at kumapit naman sa braso ni Joaquin. “Huwag mo na ulit gagawin ‘yon, ah? Nawalan na tuloy ng kapartner itong manliligaw mo. Nasa sad boy era na siya mula nang nawala ka bigla. Madalas din siyang hindi pumasok sa mga photoshoots.” “Eh?” “At ito pa, girl. No’ng isang araw pumasok siya pero hindi siya pumayag na kuhanan siya ng kahit na anong litrato hangga’t hindi ikaw ang ka-partner niya. Nakakaloka kung alam mo lang. Plus, lasing siya no’ng time na ‘yon. Pinahiya ba naman si ate girl na temporary partner niya.” Napalingon si Raven kay Joaquin na namumula ang mga tenga dahil sa hiya at iniiwasang matingnan siya sa mata. Sa loob niya ay na-appreciate niya ang pag-aalala nito pero mukhang kailangan niya rin itong kausapin tungkol sa panliligaw niya. “Girl, tara na sa loob. Aayusan ka nila. Dapat kabog ang beauty mo kapag kukunan ka ng pictures mamaya para sa comeback mo. Ilang araw ka ring nawala kaya naman kailangan ring may pasabog ka,” sabi sa kan’ya ni Natasha at kumapit sa kan’yang braso. “I think that’s not a good idea. Kababalik lang ni Raven, kailangan niya munang—” “I know na nag-aalala ka rito sa baby loves mo pero narito na rin naman siya. Sigurado akong na-miss din siya ng ibang models at ng team— Oh my gosh, girl! Ang ganda naman nitong singsing mo. Don’t tell me, matagal mo na pa lang sinagot itong si Joaquin? And he proposed to you? Am I right?!” Nagulat si Raven nang makita ni Natasha ang singsing sa kan’yang daliri. Napakagat siya sa kan’yang labi at napa-iwas ng tingin. Pinagsisisihan niyang kalimutan na tanggalin ang singsing sa kan’yang daliri. “T-That ring is not from me. But I guess that's not the case. She just turned 18, at willing akong hintayin siya. Wala pa sa isip ko ang magpakasal. I-I think i-it’s just a new fashion accessory of Raven. Sumasabay lang siya sa uso,” sabi naman ni Joaquin pero may pait sa tono ng kan’yang pananalita habang pinagmamasdan ang singsing ni Raven. “Ay oo nga pala, ang bata mo pa para sa gano’ng bagay. Gra-graduate ka pa nga lang sa high school, right?” natatawang sambit naman ni Natasha. “H-He’s right, Nat. I-It’s just a fashion accessory,” pagsisinungaling ni Raven. “K-Kaya nga pala ako narito para maka-usap ka.” “Ako? Bakit naman? Nag-uusap na rin naman tayo,” sabi naman ni Natasha. “K-Kasi kailangan ko—” “Wife.” Natigilan ang lahat nang marinig ang malalim na boses mula sa kung saan. Napapikit ng mga mata si Raven dahil alam niya sa sarili niyang may mangyayaring hindi maganda. “Hey, you’re not done yet? I got a call from Helius. Kailangan na raw nating umuwi. Seems like something happened in the house.” Nakalapit na sa kan’ya ang asawa niyang si Zane at hinawakan pa ang kamay ni Raven. Pero natigilan din ito nang makita ang isa pang nakahawak sa braso ng kan’yang asawa. “Who are you? Get away from my wife.” “Z-Zane, ano ba…” Hinila ni Zane si Raven sa tabi nito at sinamaan ng tingin si Natasha. “Hala! Grabe ka naman, kuya. Guwapo ka pa man din,” sabi ni Natasha. “Ano bang nangyayari, girl? Sino ba siya? Ba’t ka ba niya tinatawag na ‘wife’?” “Who are you too? Don’t go near my wife again, you queer.” “Q-Queer? Excuse me? I’m a girl kaya.” “You can’t fool me. You may look like a girl but I can sense something on you. However, you are still a guy. I can’t let you go near my wife.” Nanlaki ang mga mata ni Natasha. “Oh my god! I can’t believe this. Pinaghihinalaan mo ba ako, kuya? To clarify it to you, never pa akong nagkagusto sa girl. Raven’s one of my best models. So, Mr. handsome, I can’t also let any of my people be with someone like you. Type pa man din kita, sayang.” “What?! Hey! Don’t touch her, queer!” “Ako ang manager niya kaya sa ‘kin dapat sasama si Raven.” “I’m her husband, you queer!” “Ang bata pa nito para mag-asawa. Huwag mo kaming lokohin.” “You’re getting on my nerves, queer. I respect your gender but I can’t trust your identity.” “Nakaka-offend ka na talaga, kuya. Gusto mo ba talaga ng gulo?” “Why not?” Napabuntong-hininga si Raven na nasa gitna nilang dalawa. ‘Tila nawala na rin ang kabang nararamdaman niya kanina at napalitan ito ng inis. Pinagtitinginan na rin sila ng ibang tao. “Natasha, Zane, tumigil na kayo,” nagtitimping pagsita sa kanila ni Raven. “Ito kasi eh, namumuro na siya. Pa’no ba ‘yan nakapasok sa building natin?” “What? You—” “Tama na sabi eh. Pinagtitinginan na nila tayo. Puwede ba?” Nagpalitan ng masamang tinginan sila Natasha at Zane. Samantalang ang kanina pang tahimik at nanonood sa kanilang si Joaquin ay hindi maipaliwanag ang kan’yang reaksyon. “Natasha, I’m sorry. Kaya ako muling nagpunta rito para sabihing titigil na ako sa pagmomodelo. I really can’t risk my life this time at ayokong madamay kayo sa maaaring mangyari sa ‘kin,” sabi ni Raven bago hinawakan ang mga kamay ni Natasha. “Y-You’re quitting? P-Pero—” “I’m really sorry, Nat. I’m not quitting just because I want to. Alam mo naman no’ng una pa lang na gusto kong maging doktor. Gusto kong mag-focus ang career ko doon. Modeling helps me a lot but not enough to achieve my goals.” “Ayos ka lang ba talaga? O baka naman sinasabi mo lang ‘yan dahil sa guwapong ‘yan na nagpapanggap na asawa mo?” “No, wala siyang kinalaman sa decision ko. Siya pa nga nagsabi sa ‘king ituloy ang modeling ko kasabay ng pag-aaral ko. It’s just that I can’t do it anymore. Naiintindihan mo naman ako, ‘di ba?” Naluluhang tumango si Natasha sa kan’ya. “I-I understand. Hindi ko lang talaga maisip na aalis ka na. Nakakalungkot lang dahil sa lahat ng mga na-handle ko, ikaw lang ang naging totoo sa ‘kin at naging kaibigan ko na.” Ngumiti si Raven bago niyakap si Natasha. “Ako rin, thank you dahil naging kaibigan pa rin kita kahit na palagi mo akong pinapagalitan kapag late ako mula pa no’ng baguhan ako. Thank you talaga sa lahat, Natasha. Marami akong natutunan sa ‘yo at babaunin ko ‘yon sa bagong career na tatahakin ko.” Hindi na rin mapigilan ni Raven na maiyak. Samantalang, masama naman ang tingin ni Zane kay Natasha. Pero nang mag-iba siya ng tingin ay natigilan siya nang hindi niya inaasahang muling makita ang isang taong kakilala niya. “You’re here. It’s been a while. Do you work here?” Ang kaninang walang emosyong mukha ni Joaquin ay napalitan ng pilit na tuwa. “Yeah, but I didn’t expect you to be here.” “I’m here for my wife,” sagot ni Zane. “Wife…” naguguluhang bulong ni Joaquin. “Magkakilala kayo?” biglang pagsingit ni Raven sa kanilang dalawa na mukhang tapos nang kausapin ang kan’yang manager. “Yes,” sagot nilang dalawa. “Talaga? Magkaibigan ba kayo?” “No,” muling sagot nilang dalawa. “Eh kung gano’n, pa’no kayo nagkakilala?” “He’s my younger brother,” sagot ni Zane. “Kuya ko siya,” sagot naman ni Joaquin. “Ano?!” gulat na sigaw ni Raven at nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa. “It’s another story to tell,” sabi ni Zane. “By the way, let’s go home. Helius is waiting for us. According to him, may nangyaring masama sa bahay. At nandoon si Dad.” “Ano?! Nando’n na naman ang tatay mo? Ano bang nangyari?” “I also don’t know. Kaya kailangan na nating umuwi. I can’t contact Helius again, also my men.” “Kung gano’n, tara na. Baka kung ano nang nangyari kila Kuya Kian.” Bago pa man sila tuluyang makaalis ay muli silang tinawag ni Joaquin. “Raven… K-Kuya Zane…” “Joaquin, sorry kailangan na naming umalis. Mag-usap na lang tayo sa susunod na—” “Totoo ba? You are married to Kuya Zane?” Natahimik si Raven at sinulyapan si Zane na hinihintay din ang sasabihin niya bago bumalik kay Joaquin ang tingin niya. Napahimas siya sa singsing niya sa daliri kasabay ng kan’yang pagtango. “O-Oo. I’m sorry… Hindi ko rin alam na kapatid ka niya. K-Kaya sana ako na ang humihingi ng pabor sa ‘yo dahil ayaw din kitang masaktan. Tigilan mo na ang panliligaw mo sa ‘kin. Mahirap din sabihin sa ‘yo ‘to matapos ang ilang buwan mong panliligaw at sobra kong na-appreciate lahat ng efforts mo. Pero kailangan mo na ring tumigil. Nasabi ko na rin sa ‘yo ‘to minsan na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa ‘yo. At hanggang ngayon ay hindi ‘yon nagbago. Sorry talaga, Joaquin.” Nawala ang emosyon sa mukha ni Joaquin at tumitig kay Raven ng malamig. “Do you love my brother?” “H-Huh? Eh—” “I’m sorry, bro. But we need to go. Dad might be in danger right now,” pagsingit ni Zane. “Did something serious happened to him? Dad is strong. I believe he can defend himself regardless with his situation right now,” tanong ni Joaquin at kaagad na napalitan ng pag-aalala ang kan’yang mukha. “I also believe that he’s going to be fine. Our men are with him.” “I hope so. Pero ikamusta mo na lang ako sa kan’ya, Kuya. Tawagan niyo ako kapag kailangan niyo ng tulong. Dadating ako kaagad.” “Thanks, but we can handle this. Just do your stuff. Let’s just talk again some other day.” Tumango lamang si Joaquin bago bumaling muli kay Raven at tiningnan ng malamig. Nakaramdam ng pagkailang si Raven dahil sa tingin na ‘yon. Nakokonsensiya ito sa pagpapatigil niya sa panliligaw nito at makasakit ng damdamin. “Sorry…” Kinuha na ni Zane ang kamay ni Raven. “Let’s go.” “Sa susunod na lang ulit, Joaquin, Natasha!” Kaagad silang sumakay ng kotse at mabilis na umuwi sa kanilang bahay. Sinubukang tawagan ni Raven ang kan’yang kapatid pero hindi niya ito ma-contact. “We need to talk after we fix this mess, woman.” “Tungkol saan? Tungkol ba kay Joaquin?” Hindi na sumagot pa si Zane at mas binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Nang maka-uwi sila ay kaagad silang bumaba nang mapansin ang ilang kalalakihang nakahandusay sa labas ng bahay. Kaya naman napatakbo sila papasok ng bahay. “Wear some earplugs, just in case,” paalala ni Zane sa asawa na kaagad naman niyang ginawa. Sabay silang napasinghap nang makita ang mas marami pang tauhang nakahandusay sa sahig. Hawak ni Zane ang kamay ng asawa habang sabay silang nagmamasid sa buong bahay. Nang makarating sila sa bandang sala ay bumungad sa kanila ang kanilang tauhan kasama si Kian at si Don Dominique habang hawak ang isang lalaking nakabusal ang bibig. “Kuya…” pagtawag ni Raven bago tinanggal ang suot na earplugs “Raven, Zane, mabuti dumating na kayo.” “Anong nangyari rito? Nilooban na naman tayo?” “Gano’n na nga. Pero mula sa ibang grupo,” sagot ni Kian. “What group? They’re not from the Donato family?” tanong naman ni Zane. “Lionel.” Dumilim ang mukha ni Zane. “Anong kailangan ng mga Lionel?” “Life.” “What?” Napa-ubo naman si Don Dominique bago napatingin ng seryoso sa anak. “They’re after me. Alam nila ang sitwasyon ko na kahit na anong oras ay puwede na akong paglamayan. They’re taking advantage of my weakness to take me down para mas makilala ang pamilya nila. They’re after power and fame.” “Is that why you’re here?” Umiling ang Don at bumaling ng tingin kay Raven. “I need to talk to your wife.” “Why? Are you going to let her get out of this family again?” “No. It’s about Rebecca.” “S-Si Mommy?” gulat na tanong ni Raven. “Yes, I need to talk about something important about her.” “Kung tungkol kay Mommy, bakit si Raven lang ang kakausapin mo? I’m also her son,” sabi naman ni Kian. Napabuntong-hininga si Don Dominique at napabuga sa kan’yang tobacco. “Fine. But let’s talk somewhere else.” “Tungkol po ba saan?” tanong ni Raven. “Truth about her disappearance.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD