KABANATA 5

2151 Words
I AM WONDERING how to get damn Sebastian wet his pants because of his wicked plan. Bakit ba siya nagpapanggap na iba? Para saan pa? Busy ako sa pag-aayos ng damit for a meeting with the executives. Executives means I will see Sebastian Galliano there! I tie my hair up in a tight ponytail. Sinigurado ko na malinis ang pagkakatali ng buhok ko bago humarap sa salamin, to check my make up again. I am wearing a hard make-up. Not that it doesn't suit me—but the red lipstick of mine can intimidate everyone. Isinuot ko ang mahabang hikaw at nilingon ang TV. "Hindi nga iyan si Silver!" Sigaw ko sa telebisyon noong lumabas ang mukha ni Sebastian. I am wearing a black wide-leg slacks and I match it with a blazer. I heard Shaina sighed in front of me. "You know, Cara—kung hindi lang kita kilala, I will conclude that you like Sebastian and not Silver..." Napaamang ang labi ko sa sinabi nito at natigilan sa pagtingin sa sarili. "You are the last person I expected to see my anger that way!" I hissed to my friend. Gusto? In what way? Baka gusto kong sakalin ngayon si Sebastian, pwede pa. "No... I mean, alam ko naman! You do not like him! But if I am no one? Iisipin ko talaga na you are dressing to impress him!" Natigilan ako, pero kalaunan ay bumawi rin. "What? This is my daily-office outfit, Shaina..." "Para kang may sisigain sa kumpanya, best friend." She pointed out. "Isa pa, you do not wear a hard look!" I rolled my eyes. "That's the point! I want to intimidate him!" "So this is alm about him? Did you really not attend the meetings because of the thought na baka siya nga si Sebastian?" Hindi ako nakasagot sa kompronta ng aking kaibigan. I just rolled my eyes in anger. "Why does it feel na kinakampihan mo si Sebastian—" "Because I think what you are doing right now isn't healthy for you!" Sermon nito sakin. "You sounded so obsess about Silver not being Silver! Paano kung ibalik ka ng magulang mo sa–" "I am fine! Bakit nila ako ibabalik sa doctor?" Inis na sabi ko. "But Shaina... Trust me. I know this. I know the guy... who once fool...me." Who once... I thought I loved too. I shook my head to wipe my thoughts away. "I just hope that you are safe Cara... Dapat nga ay lumalayo ka kasi siya si Sebastian—" "At bakit ako lalayo?" Maanghang na tanong ko sa kaibigan. "I am not scared of him. Kung wala nga lang akong bait sa katawan, malamang ay hinayaan ko siyang ipa-salvage ni Dad sa loob ng kulungan!" My friend shook his head and run towards me. Hinimas nito ang likuran ko. "Kalma ka lang... Shh.. Don't stress yourself—" "Thank you, Shaina. But I cannot bare to see Sebastian Galliano acting like his brother again... It bothers me so much. I don't just... want to watch him and fool someone again." MAYBE EVERYONE will tell that I am crazy for insisting that he is Sebastian. Tahimik na nakaupo ang katapat ko na si Sebastian. I am not afraid that someone will caught me from staring of him because I am wearing a massive sunglasses. But Sebastian is not even afraid to pierce his stares back to me. Am I wrong? Is he really Silver? Sebastian will be intimated if I look like this... Napailing ako. But everything can change drastically in one minute. Ilang taon ko siyang hindi nakita—at siguro, isa ito sa pagbabago niya... Ang tumapang at kaaya-aya... Like his brother. But what if it's really not him? I don't want to get humiliated! What do you like the most, Sebastian? Ano ang gusto mo na alam ko, at hinding-hindi mo iyon kaya labanan dahil ikaw si Sebastian? "Ms. Altamirano!" A person glee. Nilingon ko ang bumati sa'kin—there I saw Ms. Chuanco grinning on me from ear to ear. I greeted her politely and took my sunglasses off. It was just a little catch on dahil nga nagdatingan na rin ang ibang executives. Totoo nga ang sinabi ni Sebastian na hinahanap nito ang presensya ko at hindi nagustuhan ang paglalagay ko ng representative sa meeting. It was the usual meeting. Sales and promoting strategies. After an hour or two ay tapos na ang usapan. "I am glad you are here to attend! I thought you are getting lazy!" Biro ni Ms. Chuanco. "Have you met your new partner? Silver Galliano... Silver!" Wala sana akong balak batiin o kausapin ang lalaki dito. But Ms. Chuaco make me. "This is Cara Altamirano. Do you know her?" "Yes, Ma'am..." Tango ni Sebastian. Wow, he is really daring to fool the highest executive of all. "How are you and your girlfriend Mr. Galliano? Ikakasal na ba talaga kayo?" Biro pa ni Ms. Chuanco. Napangiwi ako sa sinabi nito. My gosh! Lara wouldn't like to date a nerd! "No... We are not talking about that yet, Madam..." He answered politely. Tumango-tango si Ms. Chuanco. "Okay then. Be good to my inaanak! At ikaw, Ms. Altamirano? Mabuti na lang at napigilan ang eskandalo because Silver saved you?" Ugh. Ito na nga ang chismis. My mother and father is not yet yelling me about it. My father is stilk on site, working his duties as an admiral. Habang si Mama naman ay okay lang sakanya dahil si 'Silver' naman ang nagligtas sakin. He really looks like a shining armor now. "Yes. Thanks to Silver... Madam." Hindi nagtagal ang pang-uusisa ng matanda at umalis din. It was just a short talk, at tahimik lang kami na nakikinig ni Silver sakanya. Nagkatinginan kaming dalawa. I rolled my eyes on him and put my sunglasses back on. "I'm glad that you attend," si Sebastian bago pa ako makaalis. "Bakit hindi mo ako sinabihan–" "At bakit kita sasabihan?" Maanghang na tanong ko sa lalaki. I mean, who is he? Bakit ko naman siya tatawagan kung pupunta ako? "Because if you feel uncomfortable, I will not attend—" "You're assuming things, Sebastian. I am not uncomfortable with you. I am busy those days that I didn't attend the meeting!" Mahinang bulyaw ko sakanya. "Isa pa, saan mo nakuha ang personal number ko?!" He was taken a back for a moment. Pero maya-maya ay bumalik ito sa walang emosyon niyang itsura at inilingan ako. "I am not assuming things, Cara. I just... don't want to make you uncomfortable—" "You are not making me uncomfortable!" Inis na sabi ko dito. "Sino ka ba para makaramdam ako ng ganon? You are Silver, right?" Tinignan ako nito na para bang tinitimbang pa niya ang sinabi ko. "But you believed that I am Sebastian," he simply told me. I looked around when I notice a heavy stares of officers around us. Napailing ako at tinignan siya. "Maybe I was hallucinating, Silver. Alam mo naman, sa'ting dalawa, ako ang nag-iisip ng kabaliwan—di ba?" Pasok ko dito patungkol sa nakaraan naming dalawa. He looked at me with pity. Umalis na ako sa harapan ng lalaki—hindi siya nilingon na. Watch me Sebastian. I will caught you off guard! INUNAHAN ko maglakad si Sebastian papuntang elevator. I tried my best to walk fast, but he didn't even bother to effort in catching up because of his long legs! "Ay ma'am... Sir. Pasensya na po, under maintenance ang elevator for executives..." Napairap ako. Now what!? Sa public elevator kami?! Hindi ako nagsalita at dumiretso sa public elevator. Sebastian irks me. I want to go in my company! Pagbukas ay sakto lang ang laman ng elevator. Pero habang pababa ng pababa ang floor... "Isa pa!" Mukhang hindi talaga titigil ang mga workers hangga't hindi tumutunog ang elevator kapag puno na! I was a bit hot because of full pack people. Mainit, masikip—at higit sa lahat, nasa likod ko si Sebastian! "Isa pa!" Tawa noong kanina pa tumatawa pag may pumapasok! Walang galang na nag-atrasan ang mga tao palikod—making my body press in his! I wanted to shout in these people, but I am trying to relax. Bakit kasi nila gusto ng siksikan?! At isa pa, hindi ba nila kami kilala? I was dumbfounded when an employer brush his arms towards my side chest! Nanlaki ang mata ko doon at saglit na natulala. The man beside me didn't even bother to look. Mukha lang nakataas ang siko niya dahil sa buhat na papel, pero I am sure! Sinadya niya iyon! Bahagya akong umusog, pero sumiksiksik talaga ang lalaki. I was about to shout when someone snake a hand around my waist... Pero noong nakita ko ang relo na iyon... It was Sebastians'. Mahigpit ang hawak nito sa beywang ko sa bawat pag-atras. The man is really trying over and over again! Gusto ko na mag-eskandalo! Baka mamaya ay talagang hindi naman niya sinasadya?! Pero bakit ba siya lapit ng lapit!? It was the longest elevator ride, ever. Nang makababa sa lobby ay nakahinga ako ng maluwag at inayos ang damit. Ni wala ngang kita sakin ngayon. I am just wearing pants and long blazers. Balot na balot ako. But what the hell? Tahimik lang ako—ngunit natigilan noong may tumilamsik sa sahig! "Ano—boss!" "You are a fvcking maniac!" Sigaw ni Sebastian at muling dinampot ang lalaki gamit ng kwelyo niya—then he hit him again! "B-Boss... Anong m-maniac? W-Wala po akong kasalanan!" Nakahiga na ang lalaki sa sahig. "S-Seb... Silver!" Suway ko ng magising sa pagkatulala. "Nakita ko ang ginawa mo kanina, tapos wala kang kasalanan!?" Sebastian is really angry! Nagulat ako noong sipain niya ang tagiliran ng lalaki. "Someone, call the guards!" Sigaw ko sa nakikinood lang. My god, ano ang nangyari!? TAHIMIK KAMING nasa presinto. Yeah, pare-pareho kaming bumagsak doon... At nakakahiya! "Sir, h-hindi ko nga... alam ang sinasabi niyo... ma'am... Ma'am..." Tanggi pa ulit nito sa mga akusa namin, nagmamakaawa. I wanted to forgive the guy. Mukhang hindi naman talaga niya sinasadya, but Sebastian is glaring at me whenever I tell him its okay and just settle. "Ser," the police sighed. "Nabalian po ng buto ang lalaking ito at may galos..." "Ano naman ngayon? Binastos niya ang kasamahan ko." Tukoy sakin ni Sebastian. "And do you even know his father? Admiral Altamirano." Napailing ako... Damn this. I just want to go home! This is really a surprising day! "I want to settle!" Sigaw ko sa inis. "No, she doesn't want too." "Yes, she wanted. Sa tingin mo, chief... Papalagpasin ng ama niya ang nangyari sa kanyang unica hija?" Sebastian remarked. "Silver!" I hissed in annoyance. "Stop this already! I said, I want to settle—" "Do you want your father to know this?" He calmly asked. But it sounded a threat for me! HINDI AKO makapaniwala! Talagang sinampahan ng kaso ni Sebastian ang lalaking iyon! Nakalabas na kami ng presinto, but this is very irritating! "Ang kapal talaga ng mukha mo, ano?" I confront him. "After... what have you done before, kung maka-akto ka ngayon ay para kang prinsipe?" "What he did to you is wrong—" "What you did was wrong to, Sebastian!" Gigil na sabi ko sakanya. "Pero ngayon, ito ka! Inuulit mo na naman ang ginagawa mo! Ang malala, you are acting like your brother!" "You don't know anything, Cara—" Tumawa ako. "Oh yeah? Wala talaga akong alam sa totoo kasi sinungaling ka!" I hissed. Nakatingin lang ito sakin, kalmado. Yeah. This is Sebastian. Kahit takpan niya pa ng contact lens ang mata, this is him! Silver doesn't like someone shouting on him. Pero si Sebastian? He will let me! Pero naging bayolente siya kanina. Kaya... nakakalito. Kaya... hindi ko na alam ang papaniwalaan ko. But whenever we are alone... Alam kong siya ito. Nauna na ako lumakad paalis. Sino ba talaga ang nasa harap ko? "May maghahagid ba sayo pauwi? I have my car—" "Bakit mo ba ginagawa 'to!?" Hinarap ko siya. "If you're going to act like Silver, try harder, Sebastian! Silverio isn't like this towards me!" Naiinis na sigaw ko. He just sighed. "Gusto ko lang maman ihatid ka—" "Ihatid? Bakit? Why will you do that? Bakit mo sinapak ang nambastos na 'yon? Bakit mo kinasuhan?!" Hinarap ko ang lalaki at lumapit sakanya. "Bakit? Answer me. Does Silver likes me now? Anong gagawin natin kay Lara? Iiwan mo siya—" "I will not left her! I just... care for you!" Inis na aniya. Humagalpak ako ng tawa. "Oh please, Silver! Hindi ka naman ganito sakin noon..." Humakbang ako papalapit, sabay angat ng aking mukha para magpantay iyon. "Unless you are Sebastian... Mas maiintindihan ko pa na ginagawa mo ang lahat ng 'to, kasi ikaw si Sebastian," I sexily whispered on his lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD