New Investor Gezielda's POV MEDYO BUSY ang kompanya dahil may isang napakalaking deal ang darating para sa 'min kung ma-satisfied ang aming new investor. I want it to become more welcoming to them. Mas mapapanatag ako oras na makuha namin ito at para na rin sa kompanya. Ipinaayos ko ang lahat para maging presentable. "Amy, ayos na ba'ng lahat, even the small details?" paninigurado ko sa 'king sekretarya. "Yes, Ma'am. Nand'yan na rin po ang mga order na pagkain para po sa kanila," sagot nito habang inaayos pa ang salamin nito na ikinatango ko naman. Everything is settled. Medyo kinakabahan nga lang ako dahil unknown investor ito at 'di man lang nagsabi kung sino ba siya. Basta ang given info ay big investor lang. "Ma'am, nand'yan na rin po ang mga investor at nasa conference room n

