Seven Gezielda's POV NAGMAMADALI AKO para pumunta sa opisina ngunit ang problema ay ayaw magpaiwan ni Seven at panay ang iyak. "Nanay will go to work, Baby. Dito ka muna and be a good boy," pakiusap ko at lalong mas humigpit ang yakap nito sa 'kin. "Naynay..." humihikbing usal nito at napabuntonghininga naman ako. Napatingin ako kay Mommy na karga si Sia na nanonood lamang sa kapatid. "Apo, mahuhuli na si Nanay. Dito ka na sa 'min ni Sia. Mamaya'y magkikita naman kayo," singit ni Mommy pero umiyak lang lalo ang aking anak. Napakagat naman ako sa 'king labi. He's throwing tantrums. Hindi na talaga magpapadaig ang anak ko at kailangan ko na rin makapasok sa trabaho. Mahuhuli na pati ako sa office. "Mommy, I will go to the office with Seven. Iiwan ko po muna rito si Sia," bilin ko

