The Day Gezielda's POV ITO ANG ARAW kung kailan magkakaharap kami ni Joaquin, ang kapatid ni Sixto. Galit ang namumutawi sa ’king puso dahil sinabi nito’y nanghihina na ang Mommy ko kaya naman halos mamura ko na ito sa cellphone ko. "Si Mommy..." iyak ko habang yakap-yakap ako ni Sixto na nakatiim bagang. Malalim ang kaniyang iniisip pati na rin ako lalo na't si Mommy ang aking karamay simula no’ng mamatay si Daddy. I can't afford to lose her too. "Shh... Makukuha rin natin sila. Kaming bahala ni Jericho," aniya at tumango naman ako. "Ganito ang magiging plano, kami at ng mga pulis ay aantabay sa gilid-gilid. Papalibutan namin ang kinalalagyan nila. Ako nama'y magpapanggap na tauhan at tutumbahin ko ang isa. Huwag kayong gagawa ng mali lalo na't sutil ang utak ng lalaking ‘yon. Sixt

