Scream Gezielda's POV "WALA NAMANG ESPESYAL sa ‘kin para kainggitan mo. Minahal ka nina Nanay at Tatay kahit suwail ka. Pasensiya na kung gan’yan ang tingin mo sa ‘kin, Kuya..." sabi ni Sixto at pinaputukan naman ito sa kabilang braso ni Joaquin. "Punyeta! Huwag mo ‘kong matawag-tawag na Kuya! Wala ‘kong kapatid na katulad mo!" sigaw nito at humalakhak na parang baliw. Kinilabutan naman ako rito at napayakap lalo kay Mommy. Nagulat na lang ako nang biglang hatakin ng lalaking kasama nito si Seven at pumalahaw naman ng iyak. Agad naman akong napabitaw kay Mommy at tumakbo rito. "Huwag ang anak ko! Maawa ka!" hiyaw ko at pilit na hinahatak ang aking anak na hawak nito. Biglang ngumisi ito habang pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa. "Aba! Mukhang maganda ka, ah. Pre, mukha

