Visitors Gezielda's POV MGA ILANG WEEKS NA LANG at lalabas na kami ng mga anak ko. Sabi kasi ni Doc ay kailangan na maglagi muna ang aking mga anak para mas masuri kaya't sinunod ko lang kung ano'ng mas nakakabuti sa mga bata. "Your Abuela called. Nangangamusta siya kung ano'ng lagay niyo ng mga bata. Pupunta rin daw siya dito kapag nakalabas na kayo," masayang sabi ni Mommy, napangiti naman ako dahil do'n. Naalala ko tuloy si Abuela at ang hacienda. Nadamay kaya ito sa sunog? Pero sa tingin ko nama'y hindi at saka kakaiba rin ang panaginip ko nang himatayin ako at nakausap ko pa si Daddy. "Daddy, miss ka na po namin ni Mommy," humihikbing sabi ko at ngumiti naman siya. 'Yong ngiting talagang nagpapakilig kay Mommy ika-nga. "Mas miss na miss ko na kayo, anak. Lagi mong babantayan

