Twins Gezielda's POV ITO NA ARAW ang pinakahihintay ko dahil makikita ko na ang aking mga anak. I'm so excited. Sinuguro ko rin talaga na malakas na 'ko para sa mga anak ko. Tinitignan ko kasi ang mga larawan na kinukuhaan ni Mommy na ikinaiiyak ko naman dahil kamukhang- kamukha ng mga bata si Sixto ngunit ang kutis ay sa'kin. "Bilisan na po natin, Mommy. I want to see them personally," nagmamadali kong turan na ikinatawa naman niya. Inalalayan naman niya 'kong makaupo sa wheelchair para makapunta kami sa baby room. Nang makarating kami do'n ay 'di maalis ang ngiti sa'king labi hanggang sa mamukhaan ko ang mga anak ko. 'Di ko napigilang lumuha dahil sila ang mga alaala ko sa kanilang ama. Hinaplos ko ang salamin na nakaharang. "Mommy, my baby boy and baby girl. They looked so adora

