The Brother Joe's POV "KAPATID?! Bakit siya ang may pakana sa pagkasunog noon sa Baryo Dos?!" naguguluhang tanong ni Jericho sa ‘kin. "Siya ang nakakatanda kong kapatid na si Kuya Joaquin. Dalawa lang kami pero magkaiba ang aming mga personalidad. Ako’y laging sumusunod kina Nanay at Tatay samantalang si Kuya nama’y tumataliwas sa kanila. Nalulong rin siya sa droga kaya’t nakagawa na rin siya ng krimen. Siya ang pumaslang sa ‘ming ina at kapatid kaso lamang ay nagbulagbulagan si Tatay at pinalampas ito. Ngunit talagang demonyo ang aking kapatid. Sinunog niya ang aming baryo at sa kakapigil ni Tatay dito ay sinaksak niya ito. Ako nama’y napuruhan dahil tila naparalisa ang katawan ko dahil may nakadagan sa ‘king malaking kahoy at may nakatusok din sa katawan ko. Akala ko nga’y katapusan

