One Word Gezielda's POV ARAW-ARAW ay sinusulit ko ang aming bonding ng kambal. Makalipas ang ilang mga buwan ay nakikitaan ko na ng mga talento ang mga anak ko. I want them to be spoiled. Hindi rin ako nawawala sa mga happy moments nila. "Twinky, twinky yittle staw!" kanta ni Seven at may hand movements pa. Gusto ko kasi na madevelop ang kanilang skills kahit bata pa sila. Lalo na’t nakikitaan ko ng kagalingan ang mga anak ko. They're very gifted at the very young age. "Uya, that's wrong..." sabi ni Sia na sinisita ang kapatid nito. Napahinto naman si Seven ngunit kumanta ulit ito ng bulol. Napanguso naman ang anak kong si Sia. I motioned her to come. "Baby, hayaan mo lang si Kuya, okay? Ano ba’ng gusto mo?" tanong ko at ngumuso ito sabay laro ng daliri. My sweet little girl. "Study,

