Cassiopeia POV Nauna man akong makalapit sa iba naming kasama kesa kay Ry ay hindi nakatakas sa akin ang kakaibang tingin ng mga kasamahan namin. Nang muli akong tabihan ni Ry ay agad ko siyang sinamaan ng tingin. Nginisian lang naman ako ng loko. "Cass, okay ka lang ba?" tanong ni Allyson, ngunit ang tingin ay nagpapapalit-palit sa amin ni Ry. Tumango ako. "Ayos lang ako." "Para siyang gusgusin na royalty pero sa lahat ng gusgusin, siya lang ang maganda," ani Ry na halatang nang-aasar. Umakma akong kukutusan siya pero tinawanan lang ako ng loko. Nakakainis! "I smell something fishy," Storm said. He crossed his arms at saka nagpapalit-palit ng tingin sa amin. "Bakit parang close na close na kayo?" "Oo nga," pagsang-ayon ni Rain. "Anong...mayroon sa inyong dalawa?" Muli naman ako

