Cassiopeia POV Muling bumalik ang sakit ng ulo ko nang makalabas kami sa portal. Marahil kaya ganito ay dahil nasa ibang lugar na naman kami. Nahilot ko ang sentido ko nag may kung anong pumintig mula roon. Doon ko lang din napagtanto na nakaupo ako sa damuhan. "Ayos ka lang?" halos sabay na tanong nina Ry at Ace sa akin. Hindi ko naiwasang mapabuntong-hininga dahil sa inaasta nila sa akin. Tumango na lang ako sa kanila bilang kasagutan. "Tulungan na kitang tumayo," alok ni Ry sa akin. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinignan ko lang naman 'yon. "Sige na," pagpupumilit nito. Bago ko pa man maabot ang kaniyang kamay ay may humila na sa akin patayo. "Tumayo ka na riyan, ang bagal mo!" Pigil na pigil ako ng aking inis dahil sa ginawa ni Ace. Ang taong ito, hindi ko lubos maintindi

