"You need to eat this Lexy. Wala pang laman ang tiyan mo simula kaninang umaga." Ang totoo niyan, kagabi pa walang laman ang tiyan ko simula noong dukutin ako. Gusto kong itama ang sinabi ni Blue ngunit wala na akong lakas para magsalita pa. Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak mula ng sabihin ni Less ang plano nila ni Treece na pagpapakulong sa'kin. Wala na akong ibang nagawa sa maghapon kundi umiyak lang ng umiyak. Mugtong-mugto na ang mga mata ko. Mahapdi na rin iyon sa tagal ko ng umiiyak ngunit kahit pigilan ko ay kusa pa ring nalalaglag ang mga luha mula roon. "G-Gusto ko ng umuwi, Blue.." Inilapag na lamang nito ang hawak na tray ng pagkain sa center table sa tapat ng sofa at umupo sa tabi ko. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko at huminga ng malalim. "You can't L

