Chapter 40 - Planned

1567 Words

Nagising ako sa nakabibinging ugong. Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Kinusot ko pa iyon gamit ang likod ng aking palad dahil sa panlalabo. Pamilyar na mukha ang sumambulat sa paningin ko. Nakabaling ang ulo nito paharap sa akin kaya kitang-kita ng dalawang mata ko ang nakahihindik nitong itsura. Dilat ang mga mata, namumutla at umaagos ang dugo mula sa bibig nito. Malakas akong napasinghap at dali-daling tumayo mula sa pagkakahiga sa malamig na semento. Sa agarang pagbangon ay nahulog mula sa kamay ko ang isang bagay na lumikha ng malakas na ingay sa pagbagsak nito sa sahig. "A-Anong--" Halos hindi ko mahagilap ang sasabihin. Puno ang isip ko ng pagkalito at pagtataka kung bakit naroon ako sa ganoong sitwasyon. Mula sa huli kong alaala kung saan ako dinukot at nawalan ng malay,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD