Matamlay ang sumunod na umaga para sa akin, isang araw matapos umalis ni Treece. Halos ayaw bumangon ng katawan ko dahil pakiramdam ko, kalahati ng kaluluwa ko ang bitbit nito sa U.S. Busangot ang mukha na bumaba ako ng kotse nang ianunsyo na ni Zia na nasa tapat na kami ng gusali ng W&W. "Thanks, Zi." Paalam ko rito na sinuklian nito ng tango saka umalis. On call ito at hatid-sundo ako papasok at pauwi. Ilang araw ko pa lang itong driver pero magaan na agad ang loob ko rito. Mabait ito at may isang anak na. Nasa pangangalaga iyon ng kaniyang magulang dahil yumao na ang asawa nito. Noong una nagtaka pa ako kung bakit babae ang driver ni Lexy, iyon pala utos iyon mismo ni Treece. Napaka-possessive talaga ng lalaking iyon pero pabor naman sa akin. Ngayon, hindi ko na nararanasang mag-c

