Magkasalikop ang mga palad habang tensyonadong nakaupo ako sa waiting area ng kompaniyang pinag-aplayan ko bilang isang waitress, nagdarasal na sana maging maganda ang resulta sa pagkakataong ito. Anak naman kasi ng patilyang lawit, pampito na ito sa trabahong pinasahan ko ng resume sa araw na ito ngunit sa kasamaang palad ekis ako sa anim na nauna. Kung hindi college level, with experience ang hinahanap nila sa aplikante. Paano naman ako magkakaroon ng experience kung hindi nila ako bibigyan ng pagkakataong makapasok? Gulo nila. Mas magulo pa sa isip ng bugnutin kong kapatid. Nakutkot ko na lahat ng kuko ko sa daliri, narolyo pataas at pababa ang laylayan ng suot kong kulay peach na bestida na hiniram pa ni mammy sa kaibigan niyang may ukayan at napusod ng tatlong beses ang may kahabaan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


