"Good morning mother earth!" Masayang salubong sa'kin ni Lawrence pagkatapak na pagkatapak ko sa palapag ng gusali. "Ay, ako na po'ng magbibitbit niyan Ms. Rexy." Kinula ni Macky ang lalagyang bitbit ko at inalalayan ako ng mga itong maupo. "Naku, mukhang bundat na naman ang madla. Uy, paborito ko 'to ha!" Si Nico habang isa-isang inilalabas sa lalagyang dala ko ang tatlong klase ng ulam na niluto ko para talaga sa kanila. Gawain ko na ito satuwing mababagot ako sa bahay. "Huwag nga ako Nico! Lahat naman ng lutuin ni Ms. Rexy paborito mo! Thank you sa ulam Ms. Rexy. Ang totoo niyan kanina pa nagdadasal ang mga iyan na dumating ka na." Maaliwalas na nginitian ko si Shelby. "Ano ba kayo, wala 'yon. Mabuti nga may nagagawa pa ako kun'di baka matagal na akong nagbibilang kung ilan ang til

