THE NEW NANNY
Hinilot ni Mr. Damon Mondragon ang kaniyang noo habang tinitigan ang batang babae sa kaniyang harapan.
Nagkamali yata si Ginang Narcisa sa kaniyang instruction. Malinaw na sinabi Niya na kailangan Niya ng Yaya na mag-alaga sa kaniyang apat na taong gulang na anak, hindi Isang pipitsuging bata rin na kailangAn pa yatang alagaan.
He almost rolled his eyes ng muling sulyapan ang mukha ng babae. Mapungay ang kulay brown niyang mata, natila laging nangungusap.
Ang kaniyang hugis bilog na pisngi ay nakadaragdag sa Kaniyang aura na inosente. Matangos ang ilong at ang kaniyang pouting lips ay tila nakahanda na lagi sa pagsasalita.
Surprisingly, makinis ang balat ng babae kahit pa sinabi nito na mula siya sa probinsya at nag-aalaga ng hayop sa bukid kasama ang kaniyang lolo at lola.
Umiling si Damon ng sulyapan muli ang kaniyang bitbit na bio- data.
"You are 17 years old.." agad na nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Malapit na po akong mag eighteen years old sir. Sa susunod na buwan po.." maagap na tugon ng dalaga sa pag-aakala na hindi magustuhan ni sir Damon ang mga nabasa na information sa kaniyang bio data.
Kanina pa napansin ni Maria na tila nayayamot siyang tinitigan ng kaniyang magiging amo.
"Will you stop doing that?" may diin na bigkas ni Mr. Montemayor.
"Huh?" Nagulat si Maria
Sa tono na ginamit ni Mr. Montemayor sa kaniya. Lalo na lamang siyang kinakabahan sa tinuran nito.
"D-doing what..sir?" Kahit papaano, marunong si Maria mag-english. Gumradweyt siyang Valedictorian sa Senior High.
Bumuntong-hininga si Damon Alexander, paano ba Niya ito sasawayin na hindi siya ang magmukhang masagwa.
Bumubukaka ang kaniyang dalawang hita habang nakaupo sa kaniyang harapan. Sa palagay ni Damon, nakaugalian na ito ng dalaga sa harap Niya.
"Maria..you're name is María Sandoval and you are from Bacolod City?"
"Tama po sir, kung anuman ang nakasulat riyan sa bio-data ay tama po lahat iyan.." inosenteng sabi ni Maria.
"Maria, Stop playing with your legs!" Mando Niya sa nagulat na dalaga.
Namula ito sa tinuran ni Mr. Montemayor. "Huh.." dagling tinigilan ni Maria ang pagyugyog sa kaniyang paa. Paano naman kasi, hindi Niya mapigilan ang kabahan sa seryoso at parang laging galit na mga mata ng amo na kaharap Niya. Kung nakatitig ito sa kaniya ay para siyang napapaso.
Mukhang ayaw yata ng amo sa kaniya. Halata ang pagkadismaya nito ng makita siya. Sa isip ni Maria, paano na iyan, nakahiram na siya ng malaking halaga para makaluwas ng Maynila.
Higit sa lahat, kaya nga siya tumigil sa pag-aaral ay dahil kailangAn na mamasukan ng trabaho dahil sa gipit na gipit na ang kaniyang lola at lolo sa probinsya.
"Sir, I'm sorry po." Magalang niyang sabi. Masungit pala itong amo ko, sa isip ni Maria.
Tahimik na huminga si Maria, ang kaniyang kamay ay abala sa paglalaro sa dulo ng kaniyang buhok na nakatali. iniikot-ikot Niya ang kaniyang mga daliri sa dulo ng buhok niyang naka two ears.
Sumandal si Damon Alexander sa sofa at hapyaw na bumuntong-hininga. Tunigil nga ito sa paglalaro at pagbubukaka sa kaniyang hita, naging malikot naman ang mga kamay nito . Ang kaniyang daliri ay iniikot-ikot Niya sa dulo ng nakataling buhok. Hindi na Niya napigilan ang pag-iling pa.
"Maria, alam mo ba ang pinapasukan mong trabaho rito? Alam mo ba kung ano ang magiging trabaho mo?" Inistima Niya ang dlaaga, hindi ito papasa sa kaniyang panglasa. Yaya ang kailangan Niya para sa kaniyang anak at hindi kalaro nito.
Sa ugaling ipinakita ng babae, mukhang hindi nito alam ang gagawin.
"Aba, oo sir..yaya. Ako po si Maria, ang yaya ng iyong anak." pormal at seryoso na sabi ni Maria.
"Nasaan na ba ang anak ninyo sir, gusto ko na siyang makilala." Nak@ngiting usisa ni Maria.
"Excited na akong makipaglaro sa kaniya.." nandilat ang mga mata ni Damon Alexander. Sabi na nga ba, paglalaro ang nasa isip ng batang ito at hindi trabaho.
Malinaw naman ang bilin ko Kay Aling Narcisa na may edad na babae ang kukunin na yaya para maging kapalit Niya. Mamaya ko na lamang siya tawagan upang ayusin itong pagkakamali niya. Hindi pwede itong babae na ipinadala Niya., sa isip ni Alexander.
Tumikhim ito bago nagsalita. Maria, tatapatin na kita. Hindi kita gusto para maging yaya ng anak ko." Minsan pa Niya itong tinitigan mula ulo hanggang paa.
" I'm sorry, but you're not fitted to be Mia's nanny. Bumalik ka na lang sa probinsya ninyo--"
"Hindi pwede sir! Hindi pwede.." nagulat si Damon Alexander sa pagputol ni Maria sa kaniyang pagsalita.
Tumayo ito at mabilis na umiling ng sabihin niyang bumalik na lamang ito ng probinsya. Alam ba Niya kung gaano na kalaki ang utang Niya Kay Ginang Estella Pasilan? Sobrang laki na, hindi pa kasama ang tubo o porsyento buwan-buwan kapag hindi ito mabayaran.
"Ang laki na ng utang ko doon sa probinsya namin at ang tanging inaasahan ko na makakuha ako ng pambayad ay ang sweldo na aasahan ko dito sa Inyo."
Napakurap ng mata ang bilyonaryo sa kapangahasan na tinuran ng dalaga sa kaniya. Sa ekpresyon ng dalaga na mukha ng iiyak, hindi na lamang Niya ito pinagalitan.
Labas na siya doon sa utang na sinabi Niya.
"Look, there is a mistake, hindi naintindihan ni Ginang Narcisa ang sinabi ko sa kaniya ukol sa magiging yaya ng anak ko."
"Si aling Natividad po ang sumundo at naghatid sa akin dito sir ang kapatid ni Ginang Narcisa.
Nagkasakit po kasi siya, kaya ang kapatid Niya ang kumuha sa akin." Paliwanag ni Maria.
"Kaya pala.." mahinang sabi ni Alexander. Hindi pala nabigyan ng babala ang Isang ito.
"Sir, marunong naman po akong mag-alaga ng bata. Maliban po sa mga hayop doon sa bukid ay inaalagaan ko rin ang mga pinsan ko na maliliit pa." patuloy pa rin si Maria sa pangungulit.
Napahilamos na lamang si Alexander ng kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay.
Sinundan Niya ng tingin ang nakatayo pa rin na si Maria. Lumantad ang magandang hubog ng hubad niyang hita dahil sa suot nitong flared mini skirt. KAYA NGA Niya ito pintigil kanina habang nag-close open ang hita Niya at nakaupo sa kaniyang harap, nakikita nito ang suot niyang p**ty.
Naiinis siya na naiintriga sa babaeng ito, subalit kahit gaano pa ka inosente si Maria, hindi ang Isang tipo Niya ang papasa bilang yaya ng anak Niya.
Ang kailangan Niya ay Isang yaya na mag- aalaga Kay Mia, mapagkatiwalaan, mapapakain dahil pihikan ito sa pagkain at medyo may katigasan ang ulo. Palibhasa ay spoiled ang kaniyang anak.
"You don't know what you're talking about..look I'll refund your ticket, lahat ng gastos mo pagpunta at pauwi sa inyong lugar--"
"Babayaran Nyo rin po ba ang utang namin doon sa probinsya ng maospital ang lola ko? Tutubusin Nyo rin po ba ang bukirin ng lolo ko na nakasangla. Ha!"
"What did you say?!"
Napasinghap si Maria ng tumayo si Mr. Damon Alexander Montemayor at lumapit sa kaniya.
Nagulat siya ng mapagtanto na ang laking mama pala ng taong kaharap Niya, sobrang tangkad at sobrang guwapo rin.
Pagpasok Niya kanina ay nakaupo ito sa sofa, kaya hindi Niya maistima ang height nito. Mukha siyang basketball player sa PBA. Ang tangkad at napakaguwapo rin.
Teka, bakit ba naisip Niya ang hitsura ng mamang ito? Hindi siya dapat mag-isip ng ganoon Kay Mr Montemayor lalo pa at nagtangis yata ang bagang ng lalaki habang nakatingin sa kaniya.
Kung bakit naman kasi napasobra ang pagsasalita Niya .Ito na mga ba ang sinabi ng kaniyang lola na mag-ingat sa pgsalita.
Binansagan siyang Maria, the big mouth sa kanilang paaralan, dahil kapag may iniisip siya, diretso Niya itong masasabi at walang kiyeme kung may natatamaan man sa kaniyang sinasabi.
Napaatras namn siya habang si Mr Montemayor ay patuloy sa paglapit sa kaniya.
"Ah, sir..hindi iyan ang ibig Kong sabihin..I mean. Yes sir..napasubo na po ako at nangangako na bayaran ko ang kahit paunang porsyento ng aming utang, kaya hindi mo ako pwedeng pauwiin, I need this work. Bakit hindi mo ako subukan, este ang trabaho ko po sir, marunong po akong mag-alaga ng bata, I can manage.."
"Daddy!" Kapwa sila tumigil sa pagkilos ng marinig ang Isang matinis na tawag ng Isang batang babe.
Nakatayo sa tuktok ng hagdan.
"Sh*t!" Napamura si Alexander ng makita ang anak na nasa matarik na hagdan. "What are you doing there baby? Don't move. Susundin kita--" halata ang pag-alala sa boses ni Mr. Montemayor.
Umingos naman si Maria. Kanina ang tapang-tapang, gusto yata akong sugurin sa sinabi ko, tapos itong anak Niya nakatayo lang naman sa hagdan nataranta na, inikutan ni Maria ang kaniyang amo este, magiging amo- sana, Pero hindi na matuloy pa.
Paano na lang ang pangako Niya Kay Aling Estella.
"No! Daddy! Stop!" Putol- putol na sigaw ng bata.
Hindi naman nakakilos ang ama sa sinabi ng kaniyang anak.
"But..baby.." Naka- pameywang na sumisigaw ang bata ng babala. "Stay there!" sigaw pa Niya sa kaniyang Daddy. Pero ang kaniyang mga mata ay interesado na nakatingin Kay Maria.
Sa wari ni Maria ay pinag-aralan siya ng bata sa tingin pa lang Niya sa anak ni Mr. Montemayor, mapapansin na ang pagiging spoiled nito.
"Are you my new nanny?" Tuwid na tanong ng bata.
Namilog ang mga mata ni Maria, nakakita ng magandang ng magandang pagkakataon upang hindi mapauwi ni Mr Montemayor.
"Y-yes, baby- come to yaya, wait for me there okay, don't move. "Sabi ni Maria sabay lakad patungo sa hagdan at mabilis na pumanhik.
"Okay!" Tipid na sagot ni Mia.
Naiwan sa gitna ng living room si Damon Alexander na laglag ang panga sa sahig. Hindi makapaniwala sa nasaksihan.
What the heck happened? Ang kaniyang suplada na anak ay sumunod at hindi nagreklamo sa simpleng instructions ng pipitsuging dalaga na nagngangalang Maria.
Ang babaeng may maamong mukha ngunit may mala parrot na bunganga kung magsalita. Walang preno.