bc

Between Us: Unwanted Wife's Secret

book_age18+
1.4K
FOLLOW
20.0K
READ
revenge
contract marriage
family
HE
forced
opposites attract
second chance
friends to lovers
arranged marriage
arrogant
boss
heir/heiress
drama
sweet
bxg
serious
kicking
loser
city
cheating
disappearance
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Don't blame me, Ayena. My heart belongs to someone else and what we have was all fake." Ethan

-----

Buong akala ni Ayena Mae perpekto ang kanyang bagong pamilya kasama nang lalaking kanyang pinakamamahal—ngunit mali pala. Dahil may ibang mahal si Ethan, at ang kasal nila ay isang palabas lamang para sa sarili nitong plano. And she had no choice but to let go.

Sa pagtatapos nang tatlong taong pangako sa kanyang abuelo, walang pag-aalinglang tinapos ni Ethan kasal nila nang asawa. Dahil dapat niyang tuparin ang pangako niya sa kanyang long time girlfriend.

Subalit nang makita ang asawa na masaya kasama nang ibang lalaki, bakit nasasaktan siya? Bakit parang gusto niyang bawiin ulit ito? Iyon nga lang hawak nang iba ang kamay niya.

The woman he rejected is the woman he wanted to be his wife, again.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Pretense
Chapter 1: Pretense HINDI KO MAITAGO ang ngiti sa labi ko nang aktong pipihitin ko ang doorknob ng pribadong office ng aking asawa. I was about to tell him the good news. Dapat aantayin ko na lang siya pag-uwi sa bahay namin, pero hindi ako mapakali. Paghawak ko sa doorknob kusang bumukas 'yon nang bahagya. Then a voice makes me held my breath, at nabitin ako sa pagtulak ng pinto. My smile slowly fade as I heard the woman's soft voice. "Ethan, I missed you, honey," bakas ang kasabikan sa tinig nang babae na tuluyang nagpalis nang ngiti sa labi ko. Dama kong nanginig ang kamay kong nakahawak sa doorknob. At ang kaninang kaba ko dahil sa excitement, napalitan iyon ng takot. Samu't saring tanong ang naglalaro sa isipan ko ngayon. Pero isa lang ang sigurado ko. My husband is cheating on me! Nagawa ko pang sumilip sa bahagyang nakabukas na pinto. There I saw Ethan broad back, his tall physique, well-pressed clothes, na ako mismo ang nagpaplantsa at naghahanda sa bawat umaga. Kahit nakatalikod ito hindi maitatago ang kakisigan ng aking asawa. Natigil ang assessment ko kay Ethan nang yumapos sa katawan nito ang maputi at sexing kamay nang isang babae. Tila isang malakas na sampal ang tumama sa akin. At halos manigas ako sa kinatayuan ko. Kulang na lang tumigil ang pintig nang puso ko kasunod nang pag-init ng sulok nang mga mata ko. At sa kung anong dahilan hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Natatakpan ni Ethan ang babaing nakayakap dito. Nakaharap kasi ang asawa ko sa malaking salaming dingding nang opisina nito. Mula doon tanaw ang malaking bahagi ng Manila. Alam ko dahil ilang ulit na akong pumupunta sa opisina ni Ethan para magdala nang lunch nito. Araw-araw kong ginagawa iyon. Walang palya. Sinisiguro kong mapiplease ko si Ethan at masaya ito sa piling ko... kaya bakit? "Don't worry honey, malapit nang ilipat ni Lolo sa pangalan ko ang kompanya. Just wait for few months. Dahil ipapaasikaso ko agad ang annulment namin ni Ayena kapag nasa akin na ang kompanya," bakas ang lambing sa tinig ni Ethan. Lambing na hindi ko man lang naranasan sa tatlong taong kasal namin nang asawa ko. Akala ko sadyang cold lang si Ethan. Pero hindi pala. Napakalambing nang paraan ng pakikipag-usap nito sa babae. And his voice felt like a sharp knife crushing my chest. Oo,. maayos kaming nagsasama. We never fight; because he always agrees with what I want. Kaya ang buong akala ko mahal na ako ni Ethan. Hindi masalita si Ethan, kapag magkasama kami sa bahay, bibihira ang pagkakataong nakikipagkuwentuhan ito sa akin. Dahil busy ito. Pero mukhang mali ang lahat nang excuses na ibinibigay ko sa sarili ko sa pagiging busy nang aking asawa. Dama ko ang nag-uunahang kirot sa dibdib ko "Mali nga ba ako nang akala?" Sa isiping 'yon, umagos ang mainit na likido sa pisngi ko.. "Tatlong taon din akong nagtiis Ethan, kaya hindi na ako papayag mabigo pa ngayon. Mag-aantay ako na dumating na ang araw na puwede kong sabihin sa lahat na akin ka pa rin." maemosyong saad nang babae. "I know honey. Naipaliwanag ko naman na sa'yo ang lahat diba," hinaplos pa nito ang ulo nang babae dahil umangat ang kamay ng asawa ko. He never does that to me. "Kaya lang baka hindi pumayag ang lolo mo na hiwalayan mo ang babaeng iyon, paano kung..." lumungkot ang tinig na tanong nito. Hindi ko nauunawaan ang lahat, pero si Lolo Miggy, anong alam niya dito? Dama kong nag-uunahan ang luhang hindi ko na nagawang pigilan. Dapat nagwawala na ako sa galit ngayon, o kaya sugurin sila. Pero hindi ko magawa. Dala nang nangininig kong tuhod. Oo arrange marriage kami ni Ethan dahil sa isang kasunduan nang mga Lolo namin. Nang mamatay ang Lolo Benji ko, five years ago. Tumira na ako sa bahay ni Lolo Miggy dahil ulila na ako sa magulang. At wala na akong ibang mapuntahan. Ang matanda na ang naging guardian ko mula noon. And three years ago, ang unang pagkakataong makita ko si Ethan. His the epitome of a perfect man na gustong mahalin nang kahit na sinong babae. Kaya naman nahulog kaagad ang puso ko sa asawa ko. I was twenty that time. But Ethan is cold and distant, nakaka-ilang kasama. Naisip ko na lang baka dahil mas mature ito. Six years kasi ang pagitan nang edad namin. Kaya ikinagulat ko nang bigla niya akong alukin nang kasal. At sa sobrang saya ko, hindi na ako nag-isip pa. Pumayag agad ako. At ngayon ko lang napagtanto ang lahat, planado pala ang nangyari. Para pala sa mana ni Ethan ang dahilan nang kasal namin. Did Lolo Miggy force him to marry me? Nakagat ko ang labi ko dala nang mga katanungang 'yon. Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa opisina ng asawa ko. Basta ang alam ko na lang umiiyak ako habang palabas nang building. Habang hawak ko sa kamay ko ang regalong dapat kong ipakita kay Ethan. Regalong akala ko magbabago nang pagsasama namin. "Kapag nasa akin na ang kompanya at shares ni Lolo. Hihiwalayan ko na si Ayena. At magpapakasal na tayo, honey." Iyon ang mga salitang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko hanggang makasakay ako nang taxi. Kung saan ako pupunta? Hindi ko pa alam. "SIR...oopss, sorry" gulat na sambit ng assistant kong si Jansen Lee. Mabilis itong nag-iwas nang tingin nang makita nito si Darcy Jane sa opisina ko at nakayakap sakin. Bakas ang pagtataka sa mata nito. "It's okay, honey. Aalis na rin ako. Ayaw ko namang magkaroon nang tsismis sa atin while your still married to Ayena," nakangiting saad ni Darcy na inayos pa ang sleeve ng damit ko bago ito tuluyang tumalikod. Si Darcy Jane Astor ang aking long time girlfriend bago ko pinakasalan si Ayena dahil sa utos ni Lolo. At ang kapalit, ako na ang magiging CEO ng DC at sa akin na ang full control nang kompanya pagkatapos ng tatlong taon. Kaya wala akong choice kundi ang alukin si Ayena nang kasal. "Saan ka ba galing?" "Sir, diba anak ng soo to be presidential candidate iyong babae?" sa halip ay tanong nito. "Yes, and she's my girlfriend," proud na saad ko. Alam ko naman kung bakit pinili ni Lolo si Ayena Mae para maging asawa ko. Pero oras na malipat sa akin ang lahat. Gagawin ko na rin ang gusto ko. "Now I get it, kaya ayaw mong kainin ang mga pinaghirapan niyang pagkain para sa'yo? Akala ko mapili ka lang talaga." lintaya nitong napailing pa. "Teka, wala pa ba si Ayena? She was supposed to bring the lunch?" tanong ko kay Jansen. Sinulyapan ko ang wrist watch ko. Eleven pa lang naman pala. "Baka dumating na siya, papasukin mo na lang," baliwalang saad ko saka ibinaling ang tingin ko sa blueprint sa aking makintab na mesa. Nakuha ko ang contract bid para sa ipapatayong bagong hospital nang St. Joseph Medical Hospital. "Pero..." napaangat ako nang tingin kay Jansen. "Bakit?" "Di ka man lang ba naawa sa kanya...I mean sa asawa mo?" Kaagad nagsalubong ang kilay kong tinitigan si Jansen. May munting tinig na umusig sa akin pero sanay na ako doon. "Bakit naman? Malaking pera ang mamanahin niya kay Lolo Miggy, plus the alimony, kaya anong dapat kong ikaawa sa babaing tulad niya?" Isang malalim na paghinga ang pinawalan ko. "Alam kong pera lang ang gusto nang asawa ko. If not... he won't marry me if his seeing someone else," sinarili ko na lang ang huling sinabi ko. Six months ago, nalaman ko na ang sekreto ni Ayena. Kaya wala na akong paki-alam sa mararamdaman niya kapag naghiwalay na kami. And I want to see her reactions. Malamang magdidiwang pa nga ito. At gusto kong patunayan na hindi lang ito ang kayang makipaglukuhan. I almost believe she's genuine. Damn her! Lumipas ang oras pero hindi dumating si Ayena na ipagtaka ko. Kaya't napalabas ako sa office ko. Naabutan kung may kausap si Jansen sa phone nito. "Sige na, bye na muna babe, see you later," paalam nito sa kausap nito. "Wala pa ba si Ayena?" "Wala pa sir? Gutom na nga ako eh. Baka puweding maglunch out na muna tayo. Mukhang hindi siya magdadala nang lunch ngayon." "Nakalimutan ba niya ang lunch?" tanong ko sa sarili ko pero kaagad rin akong umiling. "Okay, sige sa labas na tayo kumain." pagpapasya ko. Sa halos tatlong taong kasal namin. Never pumalya sa pagdadala nang lunch si Ayena sa akin. Umulan o umaraw man, kaya't nakapagtatakang wala ito ngayon. Buong maghapong ukupado ang isip ko sa hindi pagdating ni Ayena. I even end up calling Ayena's phone pero hindi ito sumagot. Isang bagay na hindi pa nangyari dati na hindi nito sagutin ang tawag ko. Pagpatak nang alas sieyete ng gabi umuwi na rin ako. Hanggang alas singko lang ang trabaho ko sa DC Designs and Construction, pero sinasadya kong umuwi lagi nang late. Katahimikan ang sumalubong sa akin pagpasok ko nang main door. Wala ang asawa kong halos araw-araw nag-aabang sa pag-uwi ko. Hindi siya nagdala nang lunch tapos wala pa siya ngayon sa living room. Dama kong nanigas ang panga ko dala nang inis na hindi ko maipaliwanag. "Si Ayen, nasaan?" tanong ko kay Aling Maming. "Nasa kuwarto na ho, maaga siyang nagdinner ngayon," imporma nito. "Tsss... anung nakain niya?" kunot-noong tanong ko sa ginang. "Ewan ko nga rin Sir, kaninang umaga maaga siyang umalis pupunta raw sa office n'yo. Pero pag-uwi niya kanina basang basa nang ulan. Nag-alala nga ho ako." Pagbabalita sa akin ng ginang. Umulan nga kaninang tanghali habang nagla-lunch kami ni Jansen. "Okay, magbihis lang ako, then I'll have my dinner," ani ko saka umakyat na rin ako nang hagdan patungo sa master's bedroom nang ikalawang palapag. Naabutan kong naka-upo si Ayena sa single seater sofa habang nakatitig ito sa libro. Habit nitong magbasa kaya marami itong libro na inilalagay sa mini library ng bahay. "Nagpunta ka raw sa office?" I ask in cold tone. Nag-angat ito nang tingin. Ikinabigla ko ang malamig na titig nitong ipinukol sa akin. Malamig at parang yelo na gumapang 'yon sa batok ko. Damn! Hindi iyon ang natatandaan kong paraan ng titig sa akin ni Ayena. Muling bumaba ang tingin nito sa aklat na binabasa nito. May kung anong bumagabag sa akin dahil doon. "Sana, kaso may pinuntahan ako, kaya hindi na ako tumuloy," mahina nitong sagot habang nakatitig sa aklat na hawak nito. Dama kong may kakaiba sa kilos ng asawa ko. Kaya lalo akong napipikon. Lihim akong nagmura. "Magdinner na tayo," impulsive kong aluk dito. Pero tila wala itong narinig. "Ayena Mae!" di ko mapigilan ang pagtaas nang boses ko nang muli itong tawagin. "Bakit... hindi ba sinabi ni Aling Maming na kumain na ako?" baliwalang sagot nito na hindi man lang ako tinapunan nang tingin. Di ko napigilang kumuyom ang aking kamao. "Kumain ka nang dinner without me? That's odd," I couldn't hide the sarcasm as I met her cold icy glare. "Odd, hmm?" mahina nitong sambit na nagpaigting nang panga ko. "Masanay ka na," kibit balikat nitong dagdag saka marahang nag-angat nang tingin. Her expressionless glare makes my chest tighten. "Mula ngayon hindi na ako mag-aantay sa'yo," malamig nitong saad na ikinakuyom nang kamao ko. "And what's that supposed to mean?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
316.1K
bc

Too Late for Regret

read
331.2K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
146.0K
bc

The Lost Pack

read
447.4K
bc

Revenge, served in a black dress

read
155.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook