Chapter 18: Hide and Seek "BUWISIT siya!" gigil na lintaya niya nang nasa kotse na siya. Dahil wala siya sa mood magdrive, pinapunta niya si Noah para sunduin siya. "Anong checkmate ang pinagsasabi ng babaeng 'yon?" "Dapat hindi ka nakipagkita sa kanya." "Hind ko naman alam na kasama ang babaeng 'yon. Pero okay lang. Malaking bagay kung ma-i-invite si Dad sa birthday party ng matandang Dela Cerna. Sisiguruhin kong sa araw na 'yon sa akin lang si Ethan," matiim niyang saad. Saka siya saglit na natigilan. "Noah, sa tingin mo, kaibiganin ko kaya si Ayena? Mukha naman siyang tanga-tanga eh. Pretending lang na matalino." "Baka delikado kapag ginawa mo 'yon. Paano kung nagpapangap nga lang siya?" "I doubt that, saka sabi niya hindi naman daw siya interesadong malaman kung sino ang..."

