Chapter 13: Guilt "WALA BA'NG PAGKAIN?" bakas ang iritasyon sa tinig ni Ethan nang maabutan ako nito sa kumidor. Dahil wala akong ganang kumain kaya nagpasya akong maggatas na lang para sa almusal. Dama kong tinitigan nito ang tasa sa harapan ko. "Kailan ka pa nahilig sa gatas?" "Matagal na," malamig na sagot ko dito. Wala talagang alam si Ethan sa kanya. Natahimik ito kaya't nagawa niyang lingunin si Ethan. Kita niyang pagtataka sa mga mata nito. "Magluto ka, nagugutom ako," utos nitong nagtagisan pa ang bagang. Hindi kasi ito marunong magluto. Pero mapili si Ethan sa mga pagkain. "You don't like my foods kaya bakit kita ipagluluto." "Ayena, obligasyon mo pa ring pagsilbihan ako. Bakit ka ba ganyan?" pikang usig nitong ikinatayo ko. "Obligasyon?" matiim na tinitigan ko si Ethan.

