Chapter 16: Can't Leave Me "NASAAN si AYENA?" asik ko sa mga katulong. "Manang tawagan mo ang babaeng 'yon!" pasinghal utos ko kay Aling Maming. Nagmadali namang hinagilap nito ang phone para tawagan si Ayena. Pero hindi rin nito makontact ang asawa ko. Sa kung anong dahilan, kumirot ang dibdib ko. At tila nagkukulang nang hangin ang baga ko. Walang salitang lumabas ako at tinawagan si Jansen. "Sir?" "Magpadala ka nang tao, nawawala si Ayena. She can't leave me hanggang hindi natatapos ang turn over! That b*tch is getting into my nerves," pikang utos ko kay Jansen. "Okay. Saan ang last location niya, sir?" "Sa St. Joseph hospital. Find her, fast!" Sa kabilang banda. Napailing si Jansen sa aburidong ugali nang boss nito. Dati naman cool na cool lang ito lagi. Pero ngayon talo pa an

