Chapter 23: Stupid ONE WEEK later "I'M BACK MOM, DAD." masiglang bati ni Darcy sa mga magulang. Dapat limang araw lang ang commitment niya pero na extend siya ng dalawang araw pa. Dapat ay hindi pa nga siya uuwi dahil sa utos ng kanyang ama. Pero hindi siya maaring magtagal na mawala. Nag-aalala siya kay Ethan. Isang beses sa isang araw lang sila nag-uusap nito. "Sit down," nagulat siya sa malamig na tingin ng ama. Naguguluhan man ay kampante pa rin siyang naupo sa mahabang sofa, paharap dito. Subalit ikinagulat niya nang padabog na ibinagsak nang kanyang ama ang mga larawan sa makintab na lamesita. "Anong pumasok sa isip mo at pinili mong maging kabit ha!" bulyaw nitong ikinatigalgal niya habang ang mata ay nasa mga larawan nila ni Ethan. "Darling!" saway ng kanyang ina pero hind

