Chapter 1
Naranasan mo na bang magkaroon ng gwapong stalker kahit saan ka lumingon nakikita mo syang titig na titig sayo
Sa lahat ata ng naging stalker ko sya ang nagpapakita. Ang weird dba? At halos 4 years nya na akong tinitignan mula sa malayo. Imagine that natiis nya na tignan lang ako sa malayo.
Bakit ba hindi nya i-try na lapitan ako baka sakaling mawala pa ang takot ko sakanya.
Baka kapag kayo ang mag kaka stalker ng ganito ka gwapo baka matuwa pa kayo sa ginagawa nyang pagsunod sunod sayo.
Ang harot hindi ba? Paano kung mamamatay tao pala sya kikiligin kapa ba or matatae sa takot?
I am Queeni Lhizhete Guina, a b***h and I have a handsome stalker for almost 4 years now.
He is Rhine Luther Waye, handsome and everyone knows him and he is creepy
Paano nga ba sya naging creepy.
Yung tipong kung maka titig sya sayo tagos hanggang kaluluwa
Susundan ka nya kahit saan ka pumunta Para syang Secret Agent na bigla nalang susulpot kung saan saan
Tulad ngayon, nasa Canteen ako kasama ang mga kaibigan ko na sina Nina, Erica at Roshe
Nahuli ko na naman syang nag nanakaw ng tingin saakin. Bigla nalang syang umalis ng mahuli ko sya
Number 1 reason kung bakit dapat syang layuin at hindi kausapin.
He creeps the hell out of me.
"Zhette, nakita mo ba yun?"
Tanong saakin ni Nina habang nakatingin sya sa paalis na si Rhine
Hindi ako kumibo. Sinundan ko lang sya ng tingin
Paano ko nga ba nalaman na Stalker ko ang lalaking yun
I was 1st year highschool way back then. It was our PE day when I saw him looking at me kala ko nung una napatingin lang sya sa gawi ko pero hindi
Dahil sa tuwing lilingon ako nakikita ko syang nakatingin saakin na para bang may binabalak na masama kaya natakot ako na kausapin sya oh lapitan man lang.
Nung araw na mapansin ko na lagi syang nakatingin saakin kinutuban na ako ng hindi maganda but untill now wala naman syang ginagawa saakin.
"Kung ako sayo ay sasabihin ko na sa Kuya Denviel mo ang ginagawang pagsunod sa iyo ng weird na lalaking yan. Imagine? 4 years kana nyang tinitignan at sinusundan. I think he's crazy. Omg Sayang gwapo pa naman"
May point si Erica
I take a deep breath "Hindi pwede alam nyo ang ugali ni Kuya Denviel baka mapatay nya pa si Rhine"
Alam ko kung ano ang ugali ng kuya ko ang ayaw nya sa lahat ay ang pinagtritripan at sinusundan ako ng kung sino sino
Napailing lang si Roshe
Alam ko naman na nag aalala lang sila para saakin but I know hindi naman ako sasaktan ng weirdong yun
Sa apat na taong pagsunod nya saakin ni hindi nya ako hinawakan
"So ano yun hahayaan mo lang sya na buntot ng buntot sayo? You know what kung hindi lang sya nakakatakot ako na ang kumausap sakanya na layuan ka"
Sino bang hindi matatakot sa isang tulad nya wala syang kaibigan sa school lagi syang magisa hindi ko pa sya nakitang nakangiti
Laging naka poker face ang gwapo nyang mukha
"You know guys dont judge him malay mo nahihiya lang syang lapitan si Zhete. I know he has a reason"
Inirapan ni Roshe si Nina dahil sa sinabi nya
"Enough guys okey?" Awat ni Erica sakanilang dalawa
"I think I need to talk to him as soon as possible"
Nabigla lahat sila sa sinabi ko
"WHAT?!" Nilagok lahat ni Roshe ang hawak nyang Juice dahil sa gulat at natatarantang tumingin saakin
"NO WAY!" Sigaw ni Nina habang nginunguya ang Burger na kinakain nya
"OH GEEZ. GOODLUCK Medium!" At si Erica na busy sa pag nguya ng Gummy bears
Sinong nagsabi na nakakahiya ang magkaroon ng kaibigan na tulad nila? Nagkakamali kayo dahil sila na ata ang pinaka masayang tao na pweding makasama sa Earth
Napailing nalang ako sa kanya kanya nilang komento alam ko naman na hindi sila papayag dahil natatakot sila sa baka saktan ako ni Rhine
Pero may kung anong part saakin na gustong makausap sya dahil nawawalan na ako ng private life.
Mantikin mo yun pati sa labas ng bahay namin ay nakatanaw sya buti nalang at hindi sya nahuhuli ni kuya kundi talagang patay sya
At isa pa alam kong may reason sya sa pagsunod nya saakin at gusto ko syang maging kaibigan
Wala naman sigurong masama doon hindi ba?
Malakas ang pakiramdam ko na may mabigat syang dahilan Isa pa nalulungkot akong isipin na wala syang kaibigan kahit isa man lang baka sumaya pa sya pag ako ang naging una nyang kaibigan
"Hey Girls!"
Napapikit ako dahil biglang lumakas ang hangin sa paligid. Dumating lang naman kasi ang hari ng kayabangan
Si Lanviel Co. Isang sikat na Varsity player gwapo at gentle man sumobra nga lang ng self confident sa sarili
Biglang lumukot ang mukha ni Erica
"What are you doing here Idiot?" Asar na tanong nya kay Lanviel
Hinawakan ko sa balikat si Erica parang alam ko na ang susunod na mangyayari pag hindi ko sya pinigilan
Kaya hindi ako magtataka kung bakit minsan lumalabas ang side ko na isang MALDITA
"Hi Lanviel. What brings you here?" Ngumiti ako sakanya kahit inis na inis ako sa tuwing makikita ko sya
"I just want to treat you guys"
See? Ang yabang nya kaya hindi ko masisisi si Erica kung bakit ang init ng ulo nya pagdating kay Lanviel
Tinaasan nya ng kilay si Lanviel
"Thanks but no thanks. We have a lot of money just so you know and one more thing I can treat you too anything you want so dont be shy come on!" Erica said full of sarcasm
"Im not talking to you lady" Bakas sa mukha ni Lanviel ang pagkaasar kaya hinatak ko na patayo si Erica
"So? The hell I care. Just a piece of advice huh? STOP acting like you are the most handsome here. Yuck. Look at yourself Lanviel. You look like a DOG!"
"I think we need to go. Thank you for your offer I appreciate it"
Hinatak ko na palayo si Erica. Sumunod naman ang dalawa.
Plastic ba ako kay Lanviel? Siguro pagdating sakanya ayoko kasi syang patulan dahil wala naman akong mapapala
"Ay putcha! Nakita nyo ba ang yabang ng sira ulo! Argh!"
Pagdating namin sa classroom sinipa lahat ni Erica ang upuan na madadaanan nya
"Ano ba Erica umayos ka nga! Cleaners ako ngayon gaga!"
Nakatanggap sya ng batok mula kay Roshe
Umiling iling lang si Nina at minabuti nalang namin na ayusin ang mga sinipang upuan ng kaibigan namin
I have something to tell you guys. Lanviel and Erica are ...
"I CANT BELIEVE IT! NAGING BOYFRIEND KO BA TALAGA ANG MAHANGIN NA LALAKING IYON! TULOG ATA AKO NG SINAGOT KO SYA! ARGH!"
Yes. You read it right. Lanviel is Erica's first boyfriend but became her number one Enemy. Hindi ko alam ang nangyari between them. Isang araw nakita nalang namin si Erica na umiiyak sa gym
I tried to ask them but wala akong nakukuhang sagot kaya minabuti ko nalang na huwag makealam besides its their own life not mine anyway.
"Alam mo Erica, ang ampalaya kinakain yan hindi inuugali" Bulong ni Roshe pero hindi iyon nakalagpas sa pandinig ni Erica
Humarap sya saamin "HINDI AKO BITTER!"
Okay hindi daw sya bitter
[See Queeni Lhizhete Guina at the top!]
---