Tahimik ang buong bahay tanging mga kasambahay lang ang nandito. Umuwi na sila Kuya Travis dahil may gagawin pa daw sila. "Manang si daddy po?" Nabigla man sya sa pagdating ko ay nakuha pa ding sumagot ni Manang "Ang pagkakarinig ko po pumunta po sila sa kulungan" Kinabahan ako dahil sa pweding mangyari hindi ko pa din kasi sila nakausap mula kanina. Natatakot kasi ako dahil baka ito nana man ang magiging dahilan ng hindi naman pagkaka unawaan ni Daddy. Ayoko na magalit sila saakin mahal ko sila alam ko na para lang saakin ang ginagawa nila pero may ibang paraan para pagsisihan ni Mr. Ho ang ginawa nya saakin. Ang diyos na ang bahala na mag parusa sakanya ipunauubaya ko nalang lahat ng ito sa maykapal. Alam ko na hindi ako naging mabuting tao marami akong nasaktan at naapakapakan.

