Breath in Breath out. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bago pumasok sa room ni Daddy. Gising na daw kasi sya sabi ni Third ayoko sanang pumasok kung hindi lang ako pinagtulakan ni Papi. Balak ko na sanang umuwi kanina dahil ayaw nila saakin dito. Pagpasok ko nilapitan agad ako ni Third "Baby. Tito chase is awake" Nginitian ko lang ito habang naka tanaw sa masayang mukha ni Daddy na nakaharap saakin. Kita mo ang pangungulila sa kanyang mga mata at lungkot. Kusa nalang gumalaw ang mga paa ko papalapit sakanya yumakap ako ng mahigpit. Kahit nandito sina mommy at Kuya Denviel hindi ko pinansin iyon dahil namimiss ko na si Daddy. "Daddy" di ko mapigilan ng pagiging emosyonal ko. "I think we need to go" narinig kong sambit ni Mamu. Naiwan kaming dalawa ni Daddy nanatili pa rin akong nak

